Chapter 63: The plan

25 6 0
                                    

REINA JOY


"Ren-Ren?"


Naalimpungatan ako nang may gumising sa akin kaya napatingin ako kay Carlo bago kinusot ang mata ko.


"Bakit?" 


Ngumuso si Carlo kaya sinundan ko ng tingin ang nguso niya at andun si Kuya sa pinto ng kwarto niya nakakrus ang braso.


"Ingat ka ah!" 


Tumango ako bago ko niyakap si Carlo. 


"Salamat talaga!" 


Kinurot niya ang tagiliran ko kaya napatawa ako at tinampal ang braso niya.


"Mag-ingat kayo! Salamat sa pagbisita iha! Balik ka ah!"


"Opo. Salamat po!!"


Bitbit ko yung mga binigay ni Carlo habang naglalakad kami ni Kuya pauwi. 


Nauna siya sa akin syempre habang ito ako, niyayakap ng mahigpit ang box at humikab. 


Tumigil si Kuya sa paglalakad kaya tumigil din ako at tumingala sa kanya.


Bumuntong-hininga siya bago siya nagsimula maglakad ulit hanggang sa makarating kami sa bahay. 


Dumiretso ako sa kwarto ko at sinarado yung pinto bago ko nilagay ang box sa study table ko. 


Nilabas ko yung mga bigay ni Carlo at napa kamot sa ulo ko.


Ano ba ito. 


May laptop na ako dito tas meron na naman.


Nilabas ko yung connector ko para e transfer yung mga files ko galing dating laptop papunta dun sa laptop na bigay ni Carlo. 


Nilagay ko din dun sa case ng ipad ko dati ang bigay ni Carlo na Ipad at ngumiti.


"Anong gagawin ko dito?" 


Nilagay ko yung ulo ko sa mesa ko at inikot-ikot yung binigay ni Carlo na cellphone. 


Okay pa naman yung cellphone ko kahit nacrack ang screen nun. 


Soon ko nalang to gagamitin pag wala na akong cellphone.


At least may reserba diba?


Sinira ko yung box at lumabas ng kwarto para itapon yon. 


Babalik na sana ako sa kwarto pero lumabas si Kuya sa kwarto niya at tumingin sa gawi ko. 

          


"Reina Joy- "


"Busy ako." 


Tumango si Kuya at bumuntong-hininga.


"Just tell me kung kelan ka hindi busy." 


Ngumiti siya ng tipid kaya napa-irap ako at nilakbayan siya.


Dumiretso ako sa kwarto ko at nilock yung pinto bago humiga sa kama. 


Syempre, sinigurado ko na napasa yung mga files at natanggal ko yung mga wires bago matulog.


***


When I woke up, dumiretso ako sa banyo para maligo at nagcasual nalang. 


Hindi ko nalabhan yung uniform ko eh kaya ito muna hehehehe.


Kinuha ko yung cellphone ko nang mag vibrate yon at sinagot ang tawag ni Shannon. 


"Bakit?" I asked habang sinusuklayan ko ang buhok ko.


[Pumayag ang agency ni Luiz but we need to wait kung kelan available yung recording station nila. Mga mamayang gabi siguro. Okay lang ba sa'yo?] 


Wala naman akong gagawin mamayang gabi at para narin matapos na tong dilemma na'to.


"Sige."


[Okay. Practice tayo mamaya.] 


Binaba na niya yung tawag kaya binalik ko sa bag yung cellphone ko at kinuha ang Ipad na bigay ni Carlo at pinasok din yun sa bag ko.


The door creaks open kaya doon napunta ang atensyon ko.


It's Kuya.


"Do you want to walk with me papuntang school?"


Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nilagay sa tenga ko. 


"Oh, Mara, bakit?" 


Napanguso si Kuya dahil sa ginawa ko at bumuntong-hininga bago tumalikod at lumakad paalis.


Binaba ko ang cellphone ko at tinuloy ang ginagawa ko. 


Kinabit ko yung strap ng bag ko sa balikat ko at bumaba sa kwarto. 


Akala ko umalis na si Kuya pero andon siya sa sala at nagtitingin sa relo niya.


Sinuot ko ang sapatos ko na nasa shoe rack at inayos ang pagkakalagay ng headband ko. 


Hi FlowerWhere stories live. Discover now