REINA JOY
"WHERE'S YOUR OUTPUT? HINDI BA SABI KO NGAYON ANG DEADLINE!?"
Nakayoko kaming lahat ngayon dahil pinapagalitan kami ni Sir Contemporary.
"Sir, hindi po ba sabi niyo sa 9 pa? 4 pa po ngayon."
Tumingin kami kay Shannon na nakakunot noo at hindi man lang natinag kay Sir.
"I CHANGE THE SCHEDULE! HINDI BA KAYO NAG BABASA SA BULLETIN BOARD OR HINDI KAYO MARUNONG BUMASA?"
Hinimas ni Sir ang noo niya.
Naiyukom ni Shannon ang kamay niya kaya si Quintin na ang tumayo.
"We promise to post the output today sir,"
"SIGURADUHIN NIYO LANG!"
Padabog na kinuha ni Sir ang libro niya at nagbilin pa kay Orion na isulat yung nasa papel na iniwan niya ginawa naman yun ni Orion.
Lumabas siya sa classroom kaya nag bulung-bulungan na naman sila at naiinis daw sila kay Sir.
Though we're at fault naman kasi hindi kami nagbabasa sa board.
Kinuha ko ang notebook ko sa contemporary at sinulat yung mga sinusulat ni Orion sa board.
Napapakamot pa nga siya sa ulo niya kasi hindi daw niya naiintindihan ang sulat kamay ni Sir.
Kailangan pa niyang lumabas ng room para hanapin si Sir.
Si Carlo naman ay inihiga ang ulo niya sa mesa at inikot-ikot ang ballpen sa kamay niya.
"Okay ka lang?" I asked.
Ang problemado niya kasi ngayon, hindi siya masayahin like the person he is.
"Oo naman. Meron ako eh."
"ANO!?"
I exclaimed in surprise.
"Tomboy ka?" I whispered.
"HAHAHAHAHAAH!"
Akala ko tomboy siya pucha!
"Joke lang! Si mama kasi! Hindi niluto yung paborito kong ulam kaya nag-away kami tapos hindi ko siya pinansin,"
Ngek?
"Parang yon lang?"
Tumango si Carlo at ngumuso.
"Mag sorry ka, baka naman nakalimutan lang ng mama mo na lutuin diba?"
Dinapuan ako ng tingin ni Carlo at ngumuso ulit kaya piningot ko ang labi niya.
"Try ko hehehehe"
"Anong try? Gawin mo."
"Wow! Makapag-utos. Nag So-sorry ka ba sa Kuya mo?"
Well...
"Minsan kung guilty ako hehehehe"
"Oh diba!!"
Inirapan ko siya bumalik sa pwesto ko para magsulat kasi bumalik na si Orion at nagsulat na naman sa board.
Pagkatapos ng Contemporary pumasok na si Ma'am MMW at nagsimula ng magturo.
Hindi ko mapigilang hindi antukin katulad ng iba kasi math nga! at saka ang boring kaya kapag math.
Kaya ngayon tingnan niyo, halos lahat ng Class Zero natutulog.
Mathematics is like a zombie apocalypse, the one who survives wins. lmao
Nang matapos ang klase namin sa PR hindi pumasok si Ma'am PR kaya dinala ni Jasper ang laptop niya sa teachers table nag silapit sila kaya lumapit din ako sa kanya at pinanood yung ginagawa niya.
"Okay na lahat. Gusto niyo makita?" tanong ni Jasper na ikinatango namin.
Pinindot na niya yung play button since naexport na daw niya yung video heto kami ngayon, pinanood yong kagaguhan na ginawa namin.
Syempre starring yung boses ko tas yung video part ko, ginawa ni Jasper na 2nd verse-chorus.
Ang ganda ng pagkakavideo ni Henry.
Promise!
Professional ata tong lalaking to?
Kasi ang ganda talaga!
Yung transition rin na ginawa ni Jasper ang ganda rin.
Waaah!
Kinikilig ako sa output namin!
Nung third verse, yung video nila sa garden yung ginamit ni Jasper at ang ganda kasi ginamitan niya yon ng filter para may lights kuno daw at dumilim ang video.
"Ang ganda!"
Pinalakpakan ko si Jasper at tumingin ulit sa video.
Ang sa pinakahuli ay yung pag ngiti ko sa video at tumawa.
"GANDAA!"
Nakakahiya pucha!
Ba't nila sinali 'to?
I remember this scene very well!
Ito yung sinabi ko talaga sa kanila na hindi ko kaya yung shoot.
Ang cute kasi sinali rin pala nila to pero okay lang naman kasi hindi naman ako pangit tingnan don.
Nang mastop na yung video pinalakpakan namin silang dalawa ni Henry.
Ang ganda nga kasi ng output!
Bahala na kung late yung submission namin kung ganito naman kaganda ang output!
"Si Reina Joy na ipaupload mo,"
I make face bago ko inilabas yung bigay na iPad ni Carlo.
"Yiee ginamit na niya!"
"Syempre! Bigay mo eh,"
Tinawanan ako ni Carlo kaya binigay ko kay Jasper yun pati yong connector.
Inantay namin na matransfer yung video bago ako bumalik sa upuan ko.
Naki-pasa na rin sila sa mga cellphone nila kasi papanoorin raw nila ulit.
Bumalik ako sa upuan ko at nilean ang likod ko sa backrest at saka ko binuksan ang Facebook ko.
"Ay! Wala pala akong load, pa hotspot oh."
"Wait,"
Nilabas ni Quintin ang cellphone niya at may ginalaw don.
"Okay na."
Tumango ako at hinanap yung hotspot niya at saka kinnonect sa iPad ko.
"Salamat!"
Binuksan ko na yung Facebook ko at hindi na ako nagulat na umabot ng ilang K ang notification ko.
Ang daming nagmemessage at ang daming nagpapa-add meron ding yung mga naglilike at comment sa picture ko pero hindi ko na muna yon inintertain kasi kailangan kong e upload yung video namin.
Inaantay ko nalang na matapos yung upload ng video nang may tumawag sa akin.
"Reina Joy! Pinatawag ka sa SSG Office!"
Napamake face ako.
"Palit muna tayo ng cp," sabi ni Quintin.
"Para maupload mo yan ngayon."