[19] Her New Pawn

98 3 2
                                    

                                           Chapter 19

                                        Her New Pawn

---

-Drij's POV-

"Ok then it's decided, Vriette will be the Princess. Pero nasabi ko bang kailangan din ng Prince? Ummmm, sino kayang pwedeng maging Prince? Sa buhay kasi kailangan natin ng isang Prinsesa at Prinsipe upang mabuo ang lovestory,"

Namilog bigla ang aking mga mata di naglaon ay nawala din. Yeah, Kailangan ng isang Prinsesa at isang Prinsipe para mabuo ang isang love story, pero in my case i'm the Prince and she's the Princess. No erase that, dahil ako isa lang akong hamak na commoner. I don't even know if the role of a Prince fits on me. Romeo and Juliet?

Yeah, parang ganon na nga.

"Oh, Zaniel and Drij," naputol ako sa'king mga sentimyento ng tawagin kami ng aming guro. Lumapit kaming dalawa ni Zaniel at pinagitnaan namin si Vriette. "I wonder kung sinong pwedeng maging prinsipe ni Vriette." bahagyang napakamot ang teacher namin sa kanyang may baba gamit ang kanyang hintuturo at para bang fini-figure out kung sino ang pipiliin.

I wanna be his Prince.

Pero i'm more of his Romeo.

Gusto ko siyang ipagtanggol sa lahat ng mga tao umaaway sa kanya. Gusto ko lagi akong nasa tabi nya. Gusto ko ako ang unang babati sa kanya at magpapatawa sa kanya. Gusto ko lagi kaming magkasama. Gusto ko...

Marami akong gustong bagay na gawin kasama siya, pero mi hindi ko nga masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Paano mangyayari lahat ng gusto ko kung yung simpleng salitang "Mahal Kita" ay hindi ko masabi? No erase that, It's not just a simple word. Dahil pag nagsabi ka dapat ng mga salitang yun ay dapat panindigan mo. It's not just a word. Kung sa alak, sobrang tapang nun.

"Ummm, guys vote?" natatawang sabi ng teacher sabay kamot sa kanyang ulo. Mukhang hindi talaga siya maka pili. 

"Ms. ano na lang po, yun na lang tao na komportable si Vriette na makasama," singit ni Yuka.

          

"Oh right! Good Idea Ms. Miagi!" masayang tugon ni Ms. sabay turo sa kanya. Tumingin siyang muli sa'min saka kay Vriette. "Vriette, decision?"

"Ummm," nag-aalinlangang sagot ni Vriette.

Vriette, hindi naman kailangang ako ang piliin mo eh. Naiintindihan ko kung hindi ka magiging comportable kapag ako ang kasama. Dahil alam kong apektado ka pa rin ng nakaraan. Alam kong hanggang ngayon pinipilit mo ang iyong sarili na pakitunguhan ako ng gaya ng dati. Dahil kahit anong pilit mong itago ay kita ko pa rin.

Alam kong hindi ko na maiibalik ang noon. Ako naman ang may kasalanan, kung sana hindi na lang ako lumingon ng mga oras na yon; kung sana hindi kita tinulungan ng araw na yun, kung sana hindi ko na lang pinansin ang bumabagabag sa'kin. Kung sana... Kung sana kaya kong pigilan ang nararamdaman ko. No, mali pala, KUNG SANA PINIGILAN KO ANG NARARAMDAMAN KO NOON..

"Pipiliin ko po si ....."

 -Zaniel's POV-

Hmp. Alam ko na kung sino pipiliin nya, syempre ang taong mahal nya! She's the kind of girl who would never waste a chance to be with the guy she loves. Alam ko yun. Kaya nga handa na ako. Alam ko na ang sagot nya. Dahil dito pa lang alam kong si Drij ang pipiliin nya. Ano pa kaya kung sabihin ko sa kanyang may gusto ako sa kanya, of course she will just turn me down. Which makes me feel bad.

Ok lang para sa'kin..

Sanay na akong makita ang taong mahal ko na masaya sa piling ng iba..

Kung dun siya masaya, masaya na din ako.. PARA SA KANYA.

"Pipiliin ko po si ....."

-Zaira's POV-

 "Bakit naman kasi eh! >_______< " galit kong hinampas hampas ang aking hita. Oh no scratch that! hinampas hampas ko ang aking hita dahil sa depress ako! Oh, is that the right term?

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon