A/N. Ok hello. I want to say na: i'm not rushing this story. Actually parang ganon na rin yun. Pero ang ibig kong sabihin ay idederetso ko na siya sa point Hindi ko na papatagalin pa. Ganon din naman kasi ang kakalabasan.
Sounds like a familar line? Yep that's Ate Denny's line from Voiceless. Isa yun dun sa line nya sa kanyang A/N.
---
-Lina's POV-
"Vriette.. Please let us talk. Alam kong hindi maganda yung nagawa ko. Pero I did that because I want you to be happy. Please Vriette let me explain.." pagmamakaawa ko habang nakatok sa kwarto ni Vriette.
3 Days have past simula ng mangyari ang lahat. Hindi siya napasok sa school in that whole 3 days and what's worst is I barely see her. Lagi lang siyang nakakulong sa kwarto. Sa tuwing dadating ako mula sa school maaabutan ko si Keybi na nasa sala. Pag tinanong ko siya kung nasan si Vriette sasabihin nya lang na nasa kwarto. Noong tinanong ko naman kung nakikipag usap sa kanya, oo namna daw. Kahapon mag-kausap daw silang dalawa. Natawa pa nga daw ito.
And i'm so glad na kahit paano ay natawa si Vriette. Akala ko talagang dinibdib niya ang mga nangyari.
"Vriette please..." pagmamakaawa kong muli. Hindi ako pumasok ngayon sa school. Kami lang dalawa ang nasa bahay ngayon. Wala din ang kapatid ko, nasa school.
"Go. explain yourself. Makikinig ako." mahina pero rinig kong tigon niya.
"Can I come in?"
"yeah." pinihit ko ang doorknob at pumasok sa kanyang kwarto. It's been 3 days since I last came to her room. Dun kasi ako sa kwarto ni Keybi natutulog for the past 3 days.
"Vriette listen to me.." paninimula ko habang naglalakad papalapit sa kanya. Tulala lang siya habang yakap ang kanyang mga tuhod. Mukhang kakaiyak nya lang dahil namumugto ng kaunti ang kanyang mga mata. Pati mukhang malagkit ang kanyang pisngi.
"Don't come near me. Stay where you are. I don't know if I can stand what i'm about to hear from you.." sagot nito na tulala pa rin.
"Yeah right. Ok." I clear my throat at nag simula ng mag pakiwanag. "Vriette alam kong mali ang ginawa ko. Pero intindihin mo sana. I want what's the best for you. Gusto kong maging masaya ka. Gu----"
"Gusto mo akong maging masaya?" this time tiningnan nya ako at ang hina lang ng pagkakasabi nya. "If you really want me to be happy you should just let me get hurt. Hindi yung pati yung buhay ko pinapakielaman mo! Sana hinayaan mo na lang sina Drij at Zaniel!"
"Vriette i'm sorry.."
"Sorry? Do you know how much it hurts to know the truth. Sa bagay the truth hurts ika nga nila." natatawa itong sinapo ang kanyang noo. Pero alam kong behind that sarcastibg smile are tears that are going to fall anytime.
"Vriette listen.."
"Listen to what? Listen to lies again? Para ano? Para maniwala akong muli? Paa mag mukha akong tangang muli! Alam mo ba kung gaano kasakit malaman na yung bagay na pinanghahawakan ko ay wala palang katotohanan. Na yung mga bagay na sinasabi mo ay puro kasinungalingan pala!" sigaw ni Vriette na halos mautas na. "Alam mo ba kung gaano kasakit yun?!"
Nilapitan ko siya kahit na ayaw niya. Tuluyan na kasi siyang napaiyak.
"Layuan mo ako! Sinungaling ka!" pilit na kumakawala si Vriette mula sa yakap ko. " Pinaniwala mo ako na may gusto talaga sa'kin si Drij! Pinaniwala nyo akong lahat!"
"Sssshhh. Totoo ang mga sinabi ko noon Vriette. Hindi ko lang alam kung anong nangyari sa kanya.." pinispis ko ang likuran niya habang patuloy pa ring naka yakap sa kanya.
"Sinungaling!" sigaw nito na parang batang napalakat. Maya maya ay napansin kong kumalma ito. Pero mali pala ako, kasi bigla na lang siya nawalan ng malay.
-Vriette's POV-
Totoo ang mga sinabi ko noon Vriette. Hindi ko lang alam kung anong nangyari sa kanya..
Hahaha, nagpapaniwala ka namang tanga ka? Naloko ka na ng isa- dalawang beses. Tapos maniniwala kang muli? Tanga ka na talaga!