NON-EXISTING XXXII

1.1K 52 0
                                    

NON-EXISTING XXXII

"Since day one when I saw you in the middle of the battle field" Malamig niyang Saad na nakapagpagulat sakin...

"I don't know if you cast a spell on me. You're also keep running through my mind to the point that I can't control myself from thinking of you... Remember when you helped me when I am alone wounded at night? That was the first time my heart beats crazily. I thought that was our last encounter but I was wrong. I found out that you are one of the servant or the personal maid of Princess Rhayla "

"I keep looking at you from afar but and acted like I don't care for you but day by day, as we are making our own moments, I realized that I feel inlove with you" Tumitig siya sa mga mata ko Bago Ngumiti ng malumanay sa akin.

"I keep telling myself that you're not good for me. That I am am no good to you too. I tried many times but I fail. F*ck! I don't know why I am easily attracted to you even though you're doing nothing" Hindi na Ako makahinga ng maayos.

Unang beses ko may mag confess sakin. Hindi ko alam na ganito Pala ang pakiramdam... Hindi ko alam na...

"I know you're shocked about my sudden confession but I can't help it. T-takot na Ako na baka ilayo ka nila sakin... Please Aila... Let's escape together. I am fully committed and ready to sacrifice my crown to the throne just to be with you" Halos naging bulong na ang tinig niya.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Gusto kong sapakin ang ulo ko ngayon. Gusto ko kurutin ang kahit saang parte ng katawan ko para magising ako na panaginip lang ito pero hindi ako makagalaw.

"Aila please say something. Are you alright? You're making me worry" Sinapo niya ang mukha ko at hinaplos ang buhok ko.

Umatras ako kaya kitang kita ko kung paano siya nasaktan sa ginawa ko. Napabitaw siya sakin. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya

"A-aila why?" Nauutal niyang tanong at aabutin na sana ako pero mas umatras pa ko kaya napalayo na ako ng tuluyan sakanya

"H-hindi po pupwede ang gusto niyo..." Hindi ko alam pero mas nasasaktan pa ako kase...

"B-bakit? Kase h-halimaw ako? Kase p-pumatay ako ng mga inosente dati? Kase hindi ako mabait katulad niya? A-aila please tell me Anong kailangan kong baguhin? I will do everything to make myself better... For you... Sige na"

Umiling ako at mas lalo akong nasaktan nang makitang nagsiagusan na ang luha sa mga mata niya. Napayuko siya at tinakpan gamit ang palad niya ang mukha para hindi ko makita ang mga luha sa mga mata niya at saka ako tinalikuran

"I-it's o-okay... I can wait... I can wait" Napaiyak ako dahil sa naging bulong niya. Parang kinakausap niya ang sarili.

"Aila can you just please give me a chance? I prove to you that I change when I met you... I promise I won't k*ll people again just please let me love you"

"R-rhuss hindi pwede eh sorry... K-kung alam mo lang..."

"Why Aila? Ganyan ka ba talaga? Nakakatakot ba talaga ako sa paningin mo dahil parang pandirihan mo na ko ah? Kung ayaw mo ko at di mo ko gusto make it quick! Sabihin mo ng harap harapan ipamukha mo sakin para naman mas dama ko yung sakit..." Ngumiti siya na may halong sakit.

Naaawa na ako sa magagandang mata niya.

"Rhuss kase... May mga dahilan talaga... Gusto ko man sabihin sayo yung dahilan pero alam kong di mo maiintindihan... Rhuss magkaiba tayo kung alam mo lang" Halos di ko na makilala ang sarili ko dahil ang sikip sa dibdib.

Mas lalo naman siyang umiyak pero kalaunan ay nagulat ako nang lumuhod siya sa labas. Napatakip ako ng bibig ko. Gusto ko siyang lapitan pero hindi pwede.

Tumalikod ako

"T-tumayo ka diyan pakiusap lang..." Mahina kong saad. Narinig ko ang singhot singhot niya sa likod ko

"Does everything has it's reason for you not to love me back? If there's a reason behind on it please tell me... Make me understand about everything. I'm all ears... We're different? Well for me we're not. Even though you're not a part of the royal families or the rich families I still love you because that was my heart's beat and desire..."

Hinarap ko siya kaya naman ay napatayo siya at agad na humawak sa selda habang mapula parin ang ilong.

"Mahal kong Prinsipe Rhuss... Makinig ka muna sa sasabihin ko ha?" Dahan dahan akong lumapit sakanya at nanginginig na hinawakan ang mukha niya.

Basang basa ang mukha niya at nang dumapo ang palad ko sakanya ay agad niya namang hinawakan iyon at natunaw pa ang puso ko dahil hinalikan niya iyon ng masuyo.

Mahigpit ang hawak niya dun at parang ayaw pakawalan.

"D-dahil sakin kaya ka nagkakaganyan... Dahil sakin, handa kang manakit ng iba. Nakikita ko iyon. At salamat dahil palagi mo kong pinagtatanggol. Salamat dahil kapag nag iisa ako ay hindi ka nawawala. Salamat dahil..." Pumikit akp Bago Ngumiti ng mapait

"S-salamat kase... Nagawa mong mahalin ng palihim ang tulad ko... Nagdidiwang ang puso ko Rhuss kase... May palihim palang minamahal ako... Maraming salamat pero kase... Ayokong bitawan mo ang trono mo" Natigilan siya

Ayoko na bitawan niya ang trono niya dahil lang sakin. Ayoko na iwanan niya ang lahat. Naging unfair ako sakanya sa nobelang sinulat ko. Sa nobela, si Prinsesa Rhayla ang mahal niya pero mas pinili nito si Prinsipe Arkanghel...

Pinahirapan ko siya sa nobela at nagawa ko pa talagang pabagsakin ang kaharian at mawala ang kapangyarihan nila. Wag sanang mangyari iyon. Sana ay hindi mangyari ang naisulat ko dahil... Hindi ko kakayanin pag nagkataon

Napagtanto ko na... Hindi nga pinapanganak ang mga kontrabida... May gumawa sa kanila kaya sila nagkakaganyan at kung bakit ganun ang ginampanan nila sa buhay ng iba... Ngunit nasasaktan ako dahil sa kasong ito... Ako ang dahilan kung bakit naging kontrabida sa paningin ng lahat ang prinsipeng minahal pala ako ng palihim

"G-gusto kong protektahan mo ito sa abot ng makakaya mo... Rhuss hindi ko alam kung ano ang Plano nila sakin pero nakaramdam ako ng hindi maganda... K-kung ano man ang maging kapalaran ko .. kung ano man ang parusang makukuha ko ay buo kong tatanggapin"

"Basta Ikaw... Wag na wag mong bibitawan ang mga bagay na alam kong mahalaga sayo... Alalahanin mo Rhuss na hindi lahat ng bagay na mahalaga ay binibitawan---

"At hindi porket mahalaga ay hindi na pwedeng bitawan" Seryoso niyang pagputol sa sasabihin ko ..

"I promise... Ilalabas kita dito... At kapag nagawa ko iyon, aalis ka sa lugar na ito at sasama ka sakin. Kahit ano pa ang Gawin mo Aila, Wala kang pagpipilian kundi ang sumama sakin... Tandaan mong handa kong kalimutan at talikuran ang lahat... Para Sayo"

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Namalayan ko nalang ang sariling, nalulunod sa kanyang matamis at masuyong halik.

Becoming the non-existing characterWhere stories live. Discover now