NON-EXISTING XLVIII

1K 37 0
                                    

NON-EXISTING XLVIII

"B-bitay*n?" Pag uulit ko. Tumango siya na mas lalong nakapagpatigil sakin. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko.

"S-sinong nag utos na bitay*in sila?" Tanong ko kahit na sa totoo lang ay may hinuha na ko kung sino ang gagawa ng bagay na iyon

"Si Prinsipe Rhuss. Nung umupo siya at nakoronahan bilang hari, ipinag utos niya na dakpin sina Reyna Hanara, Prinsesa Fahara at Prinsipe Gideon" Tumigil siya saglit at nagpatuloy

"Nagulat ang karamihan, maski ako dahil pinagbintangan niya ang tatlong malalakas na maharlikang kagaya nila. Malaking bagay ang ginawa at pinataw niya sa tatlo kaya maraming nagtaka" Nanatili akong nakatitig sakanya habang nagsasalita siya

"Pinagbintangan niyang mga traydor ang tatlo. Nung nawala ka, mas pinagbutihan pa ni Prinsipe Rhuss na idiin ang tatlo sa kasalanang pagtraydor... Napag alaman din ng mga nakatataas na matagal na palang plano nina Reyna Hanara ang sakupin ang buong kaharian, naghahanap lang siya ng tiyempo para gawin yun, buti nalang at napigilan siya ni Prinsipe Rhuss"

"Napag alaman din namin na ginamitan ng gayuma ni Hanara ang ama ni Prinsesa Rhayla para maakit ito habang ang ina naman nito ay... P*n*t*y niya" Natulala ako saglit.

"Lumabas din ang katotohanan at napatunayan sa korte na tama ang bintang ni Prinsipe Rhuss sakanila..." Napayuko siya at sandaling hindi umimik

"Matagal na pala nilang plinano na agawin sakin ang trono ko sa aming kaharian... Napaka t*nga ko at di ko man lang napansin na patalikod na pala akong tinuklaw" Napakuyom ang kamao niya at mababakasan ang lungkot at galit sa mga mata

"Itinuring ko siyang kapatid... Akala ko totoo ang pinapakita niyang kabutihan sakin, yun pala ay pagpapanggap lang ang lahat" Dagdag pa niya.

"Pinagbutihan ni Prinsipe Rhuss na makulong ang tatlo. Patong patong ang kasong ipinataw sakanila. Nagulat din ako nung tinulungan niya kong mabalik ang trono ko. Maski si Prinsesa Rhayla ay tinulungan din niya. Nabalik sa amin ang mga trono na dapat sa amin... Salamat sakanya" Napangiti at napahinga ako ng malalim habang nakatingin sakanya

Nagpapasalamat ako kay Prinsipe Rhuss dahil tinupad niya ang pinangako niya sakin na tulungan sina Prinsesa Rhayla at Prinsipe Arkanghel na mabawi ang trono nila... At hindi lang yun dahil...

Tinulungan niya rin akong matalo ang mga kalaban ko sa loob ng kwento. Parang naging kanang kamay ko na siya. Napangiti ako ng palihim dahil kahit masama man nung ginawa ko siya, nagpapasalamat ako dahil marami siyang naitulong sakin lalo na sa pamamalagi ko dito sa loob ng nobela





"May bisita ka" Napaupo ako at napatigil sa pagbabasa ng libro nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Prinsipe Arkanghel.

Nakangiti siya sakin. Napatingin ako sa likuran ko at halos hindi makagalaw nang makita ang taong hindi ko inaasahang makita ngayong araw ...

Ngumiti siya sakin at agad na lumapit saka ako niyakap. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat. Naestatwa pa ko nang maupo siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko

"Kumusta ka na Aila?" Mahinhin niyang tanong sakin. Malamlam ang mga matang nakatingin sakin. Halatang nag aalala

"Pasensya na kung wala ako sa tabi mo nung pinatapon ka sa isla... Aila sana mapatawad mo ko" Biglang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

"P-prinsesa Rhayla..." Hinawakan ko siya sa balikat niya at pinaharap sakin. Hinawakan ko ang mukha niya at nginitian siya

"Wala po kayong dapat ipagpasensya po sakin. Wala po kayong kasalanan kung bakit napatapon ako o bakit nakulong ako o ano man. Masaya po ako na nakita ko kayo ngayon" Napangiti ako habang tiningnan ang kabuoan niya.

Becoming the non-existing characterWhere stories live. Discover now