02.22.19 - The Mischievous Student

236 33 3
                                    

The Mischievous Student
02.22.19

At kinabukasan nga ay lumapit ulit siya sa akin.

"Hindi raw papasok si Ma'am Se. Nagpapractice field demo." Lumipat siya sa tabi ko pagkalabas ng subject teacher.

Nilapag niya pa sa desk ko ang libro niya sa Science. Nilingon ko siya. Ngumiti lang siya at tinaas baba ang kilay.

"Paano sagutan?"

Umayos ako ng upo at tinuro sa kaniya. Sinulatan ko pa ng lapis ang libro niya para hindi niya makalimutan.

Tumango-tango siya habang nakatingin sa sinusulat ko at nagsasalita ako. Maya-maya ay napatingin siya sa akin. Nakasandal pa ang siko sa lamesa at sintido sa palad.

"What?" I side-eyed him, distracted.

"Ang talino mo naman. Fetus pa lang ba, nag-a-aral ka na?"

I frowned. "Nagets mo ba sinasabi ko?"

"Yung nursery rhymes mo ba tongue twister?"

I tapped my pen on the notebook. "Focus, Kiel."

Nang bumalik ang mga mata niya sa notebook ay tinuloy ko na ang pag-e-explain.

He was actually a fast learner. Madali niyang nagegets ang mga tinuturo ko kapag nakikinig siya.

Naisip ko tuloy na kaya siguro hindi niya alam ang ibang lessons eh hindi siya nakikinig sa mga discussion. Kung ano-ano kasing pinaggagagawa niya sa upuan niya.

"Avien, huwag kang malulungkot ha?" Nag-unat-unat siya nang matapos namin ang Science.

"Ano na naman?"

"Baka kasi second honor ka na lang this grading," mayabang na aniya, nagkibit balikat pa.

"You can have the stage. Pagod na akong paulit-ulit umakyat."

His mouth formed into an 'o'.

I shrugged and smirked playfully.

"Eyy, baka Avien 'yan," he chuckled.

Nangingiti na rin tuloy ako.

"Hayaan mo, sasamahan kita para hindi ka na mapagod."

". . ."

"Kailangan ko lang ng matinding prayers."

"Kaya mo naman, iresponsable ka lang."

"Grabe, 'pag hindi top iresponsable na?"

I shrugged. "Kaya mo kung seseryosohin mo." Well, I think he's smart. Hindi lang focused.

"Seryoso naman ako ah?"

Napataas ako ng kilay. "Seryoso ka na pala niyan."

"Seryoso naman ako sa pag-a-aral. May natututunan ako noh. Okay na 'yun."

"You don't want to aim higher?"

"Baka kasi kapag nagkaawards ako, magpafiesta si mommy sa buong barangay."

Kumunot ang noo ko.

"Sa inyo siguro, quarterly may fiesta."

Umiling ako.

"Kiel," pagtawag sa kaniya ni Miliessa. Pareho kaming napalingon. "Practice."

"Okay! Wait." Niligpit na ni Kiel ang mga gamit niya.

Napatingin ako sa paligid at nakatamaan ng tingin ang ibang kaklase. I glanced at Kiel then back at them.

"Thank you, Avien," paalam ni Kiel at umalis na.

Pumangalumbaba ako at nakatamaan ng tingin ang isang grupo ng mga kaklase. They averted their curious gaze and just continued chatting.

*  *  *

July 25, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now