10.17.19 - Making it Up

96 3 0
                                    

Making it Up
10.17.19

Pero hindi absent si Kiel. Na-late lang siya.

Kanina pa ako nakatingin sa direksyon niya habang nagsisimula na ang klase.

"Pinuntahan ka ba ni Kiel kahapon?"

Napalingon ako kay Harvin.

"Biglang nawala 'yon eh," dagdag niya.

"Oo."

"Bakit ka umabsent? Umiyak ka na naman?"

"Nagkasakit ako," I replied. "Hindi mo na kaaway si Kiel?"

Nagdugtong ang mga kilay niya. "Ano kami bata?"

I chuckled. "Kiel na ulit tawag mo eh."

"Hindi ko naman inaano jowa mo. May something lang na nakakainis sa kaniya."

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya at mahinang napangiti. Parehas talaga kami.

Bumaling ako sa direksyon ni Kiel.

We hate something we can't and don't have.

In my case, I hated him because I couldn't have him.

And now I do.

Maliit akong napangiti.

"Been there, Harv," baling ko sa kaniya. "But you can't help loving him once you get to know him. And you won't be able to stop."

"Ms. Evangelista and Mr. Fernandez."

Sabay kaming napabaling sa guro. She gave us a warning look before proceeding with the discussion.

I pressed my lips together. Nagkatinginan kami ni Harvin.

"Daldal mo kasi. Nahawa ka na sa jowa mo."

Inirapan ko siya. Sino kaya kumausap sa 'kin?!

Pagbaling ko sa unahan ay napansin ang tingin sa amin ng mga kaklase.

Napabuntong-hininga ako. Hindi kami, please lang.

I paused when I locked gaze with Kiel.

I pouted my lips, kept noticing something in him I was trying hard to push aside.

Nagfocus na lang muna ako sa klase.

Next subject ay Arts namin. Pinapunta kami sa kaniya-kaniyang grupo. Pinagdikit-dikit ang mga desk.

"Nakadala kayo ng thumbtacks?"

Tumango ako at nilabas ang mga gamit ko. Nagbackread na talaga ako sa GC namin kagabi para alam ko ang mga gusto nilang mangyari.

Habang gumagawa kami ay nagpatugtog pa sila sa phone at nagsikantahan.

Maliit akong napangiti habang naggugupit nang may iilan sa ibang grupo ang nakikanta na rin.

"Huy, nagleave daw si Rhea sa GC, ah," dinig kong kwentuhan nila.

"Inadd ulit ni Nathan."

Nagdadalawang-isip akong itanong kung anong nangyari kahapon at noong isang araw dahil parang bubuksan ko lang ang sugat ko.

But I was concerned. I wanted to know what was happening in our section.

And so I asked, "Anong nangyari noong isang araw? Tungkol sa fund."

"Ah, oo nga, nasa clinic ka raw. Ano, umamin si Rhea na nasa kaniya raw 'yung fund natin," mahinang kwento ni Dianne. "Naguilty na ata siya."

"Sabi niya, naiinggit lang daw kasi siya sa mga meron tayo," dagdag ni Erin. "Nagleave siya sa GC kahapon. Nirereach out nga nina Nathan sa PM. Hindi pa raw nagseseen. Absent ulit siya ngayon. Kahapon din wala siya."

My lips protruded.

"Minessage mo na rin, Shan, 'di ba?"

"Oo, wala rin seen eh."

I surveyed their expressions. "Hindi ba kayo nagalit sa kaniya? Anong . . . reaction niyong lahat nung umamin siya?"

"Ako, hindi."

"Tahimik lahat nung una, teh, hayok sa issue. Tapos nung matapos magsalita si Rhea, may mga natatawa pa, tuwang-tuwa na may away."

"Teh," natatawang ani Dianne. "Nasigawan ni Rhea si Ryan nung narinig tumawa. Napatikom na lang si gago ng bibig eh, nagbreak down na kasi lalo si Rhea."

"Siraulo 'yun si Ryan."

"Sana magkatuluyan sila."

"Merong mga tahimik lang no'n. Sila Isha cinomfort si Rhea. Merong mga naiiyak na rin. Merong mga lumabas kasi ang gulo na. Basta ang daming nangyayari, ta's biglang umiiyak ka rin daw!"

I pursed my lips, embarrassed.

"Bakit ka umiyak no'n?"

"Uh . . . personal problems." I let out a small smile.

"Natigil lang kaguluhan nung dumating na si ma'am. Tinanong niya nga anong nangyayari eh. Walang nagsabi. Nagdahilan na lang si Nathan na may family problem daw si Rhea, ganiyan."

Dahan-dahan akong napatango.

They don't hate Rhea even after what she did . . .

And even me . . . They're back again at treating me like a classmate . . .

Paulit-ulit na ganito lang din dati. Gagawa ako ng masama sa kanila . . . At the end, tatanggapin pa rin nila ako . . .

I smiled weakly.

Nasa akin lang talaga ang problema.

"Gagawa rin ba mamaya?" they asked.

Napalunok ako. "Gusto niyong kumain sa Jollibee?" aya ko.

Napatingin sila sa akin.

"U-Uh . . . Libre ko."

"Bakit? Brithday mo?"

"Anong meron?"

"Wala lang." I smiled.

Nagkatinginan sila.

I pursed my lips.

"G lang ako! Libre naman eh!" sumang-ayon si Erin.

Nakahinga ako nang maluwag!

"G! Libre ni Avien!"

"So gagawa ba tayo after?"

"Kung anong gusto niyo," sagot ko.

Nagkatinginan si Shanice at Ailene.

My eyes dropped on the table and smiled to myself a little.

*  *  *

August 23, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now