CHAPTER 05

164 33 20
                                    

Kumpara kay Miku, matured ang itsura ni Allen, nakasuot ito ng salamin at nakalugay ang hanggang balikat at straight nitong buhok.

“Nice to meet you, Sena! Welcome!”

Masayang sabi ni Miku.

“Welcome, Sena.” Ani Allen.

“Thanks.” Tipid kong sabi at ngumiti.

“Uhm, do you need help with your things?” offer ni Miku na agad ko namang tinanggihan.

Akala ko ay babalik na sya sa kama nya pero pinanood nya lang akong mag unpack, pinili ko ang pwesto sa baba ng isang unoccupied double deck.

“Sena, malayo rin ba ang lugar nyo sa university kaya ka nag decide tumira dito sa dormitory?”

Sumulyap ako kay Miku at ngumiti habang nag uunpack.

“Medyo.”

“Talaga? Gano kalayo? Kami ni Allen mag kaklase na mula pa highschool at galing din kami sa malayong lugar. Alam mo pangarap talaga naming makapag aral dito sa PU noon pa kaya gumawa talaga ako ng paraan para makarating dito. Si Allen kasi mayaman naman sya, ako naman may kaya lang. Buti nalang afford naman. Hehe.” Mahabang kwento ni Miku.

Medyo nagulat ako sa sinabi nya, grabeng effort ang ginawa nila para makapasok dito.. samantalang ako.. well, people have differences. Iba ang sitwasyon nila sa sitwasyon ko.

“Pasensya kana sa kadaldalan ni Miku, Sena, baka hindi ka sanay.”

Napatingin ako kay Allen. Ngumuso si Miku at bumaling uli sakin.

“Hindi ako madaldal ah!”

Tumawa ako.

“Sa X Subdivision ako nakatira, medyo malayo kaya mas pinili kong mag dorm nalang.”

Nanlaki ang mga mata ni Miku at si Allen naman nag angat ng tingin sakin.

“X Subdivision? Talaga? Grabeng yaman mo siguro girl!” excited na sabi ni Miku.

“Hindi naman..”

“Sus pahumble kapa, eh mga artista ang nakatira sa lugar na yon eh! Saka alam mo, I can sense na anak mayaman ka rin tulad ni Allen, iba ang vibe mo eh, yung tagalog mo ayos naman pero may accent konti. Galing kabang ibang bansa?- Aray! Ano ba Al!”

Natigil sa pagsasalita si Miku dahil nasa likod na nya pala si Allen at pinipingot ang tenga nya.

“Mira Kuina, wag mong ngang guluhin si Sena! Sena, pasensya kana dito sa kaibigan ko, madaldal talaga to’.”

Ngumiti ako ng tipid. Mukhang close na close talaga sila.

“Sus if I know, curious ka rin sa tinitirhan ni Sena, doon nakatira yung crush mong si Josh diba-“

Nakita ko ang pagpapanic sa mukha ni Allen at agad tinakpan ang bibig ni Miku at pinalakihan ito ng mata.

“Imbento ka talaga kahit kailan, wag kang maniwala sa kanya Sena!”

O…kay?

Looks like my brother is really popular around the town.

“It’s okay Allen, nakakatawa pala tong si Miku.”

Binitiwan ni Allen ang bibig ni Miku at ngumuso.

“Ang ganda ko namang clown, Sena. Porket maganda ka at amoy imported gaganon ganonin mo nalang ako.”

“No no, don’t get me wrong! It’s a compliment!” agad kong bawi kay Miku.

“Kita mo yon Al? May pa accent din english nya! Ang out of place ko naman dito, kayo lang ang sosyal.”

YOU ARE THE DREAM | N. PabloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon