CHAPTER 06

175 14 20
                                    

[A/N: So i made sum minor changes in the chapters of this story, medj naiiklian kasi ako kaya kinompile ko yung chapters though wala namang nabago sa story mismo. Aside sa chapter na to. I suggest to reread this one sa mga nabasa na to last time (kung may nagbabasa man lol) since may dinagdag ako sa kalagitnaan. Yon lang, umepal lang saglit. Happy reading, lovelots!]

***

Nagulat ako dahil biglang sumulpot si Miku sa likuran namin.

“Wag ka ngang nang gugulat! Ano ka ba kabute? Bigla ka nalang sumusulpot!” gulat na sambit ni Allen.

“Correction! Pretty mushroom! Hihi.”
She giggled saka naupo.

“Anong pinag uusapan nyo?”

Nagtaas ng kilay si Allen.

“Weren’t you eavesdropping just now?”

“Hindi ah. I need the details right from the start!”

Tumayo si Allen at binitbit ang mga books nya.

“Tara na sa cafeteria baka maubusan pa tayo ng seats don.” Aniya at bumaling sakin.

Binitbit ko narin ang bag ko sabay tayo.

“Hoy ang daya! Teka lang!”

Nagmamadaling tumayo ulit si Miku at inayos ang mga gamit nya at pumagitna samin maglakad.

“Daya nyo, sige na kwento na!”
Bumaling ito sakin at nagpacute.

“Please, Sena?”

Tumawa ako.

“We’re not talking about anything, yung narinig mo yun na yun.”

“You mean, yung hindi mo alam na sikat ang kuya mo pati friends nya at kapatid mo si Josh?”

Woah. I don’t think she still needs a detailed explanation from us..

“Exactly!” sabi ko at alanganing tumango at ngumiti.

“Hala! Kaya pala hawig kayo. Pogi saka maganda. It runs in the blood talaga. Gusto mong magpalahi, Allen?” tukso ni Miku kay Allen.

Binatukan sya ni Allen dahil don, ako naman tawa nang tawa.

I can’t with this girl, she’s really funny!

“Gusto mong palarin, Miku?!” pikon na sabi ni Allen habang inaamba ang palad nya kay Miku, while Miku just hides in my back.

Tawa parin ako ng tawa, naluluha nako kakatawa.

“Ikaw rin Sena gusto mo?!”

Allen glared at me kaya huminto ako sa pagtawa pero nangingiti parin ako.

Nakakatawa rin ang pikon na itsura ni Allen.

“Wag kang ganyan, baka maturn off sayo ang sister-in-law mo, diba Sena?” asar parin ni Miku kaya ang pinipigilan kong tawa ay kumawala.

Namumula na nang sobra si Allen at nagsimula nang habulin si Miku.

Tumakbo naman palayo si Miku.

“Lagot ka sakin pag nahuli kita!”

“Kung mahuhuli moko’ bleh!” dumila si Miku, at nagsimula na naman ang habulan session nila.

“Wait lang, hintayin nyo ko!” tawag ko sa kanila at tumakbo narin para di nila ako maiwan, di ko pa naman kabisado tong skwelahan.

Natapos ang klase sa araw na yun.

Nasa dormitory na kami lahat at nagbabasa ng mga readings.

Nakaupo kami sa kanya kanyang study table, ako at si Allen nagbabasa ng readings habang si Jade at Miku nasa harap ng laptop nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YOU ARE THE DREAM | N. PabloWhere stories live. Discover now