Part 2

3.4K 2 0
                                    

Chapter 2: Fatherfucker

Ilang buwan palang kaming mag kasintahan ni Archie. Inabot muna ng mahigit tatlong buwan bago ko sya tinanggap bilang boyfriend ko. Mabait si Archie. Cute at matalino. At ang isa pa sa nagustuhan ko sa kanya ay yung madalas nyang pag kontak sakin. Halos araw araw tinetext nya ako at tinatawagan. Bagay na hinde ginawa ng dalawa kong ex boyfriends. Feeling ko talaga want na want nya ako kasi ang lambing nya lagi sakin.

Pero isang bagay ang hinde ko kayang ibigay sa kanya. Yun ay ang sex. Inaamin ko, hinde na ako virgin. Actually, 16 ako nun unang karanasan ko. At ang unang nakakuha ng pagkababae ko ay yung una ko ring boyfriend na hinde naman tumagal ng apat na buwan kasi babaero.

Nag desisyon akong hinde muna kami mag sesex ni Archie dahil sa isang insedente nung last ex ko. Muntik na akong mabuntis nung ex ko. Halos dalawang buwan na akong walang dalaw at may mga sintomas akong nararamdaman na nag sa suggest na buntis nga ako. Natakot ako kaya sinabi ko sa ex ko ang sitwasyon ko. Di ko inaasahang aatras sya sakin. Ayaw nyang panagutan ang mabubuong buhay sa sinapupunan ko. Nakipag break sya sakin. One month later nagulat nalang ako ng datnan ako ulit. Para akong nabunutan ng tinik ng malaman kong hinde pala ako buntis pero delayed lang pala dalaw ko.

Dito ko rin nalaman na kaya pala ayaw ako panagutan ng ex ko dahil may pamilya na sya. 28 ang edad nya nun. Nakilala ko sya nung debut ko. Eldest brother sya ng isang kaibigan ko. Di ko alam kung bakit ko pa sya sinagot nuon na ang layo naman ng agwat namin. Siguro may father complex lang ako.

Lumaki akong walang ama. Single mom ang nanay ko at kumayod talaga sya para palakihin ako at ang half brother ko. Iniwan ng papa ko ang nanay ko nuong dalaga pa ito at buntis. Iniwan at pinabayaan. Hinde ko alam kung sino sya o ano itsura nya pero sabi ni nanay maputi at chinito daw ito. Dun ko raw namana ang features ko.

Hinde ko naranasan ang feeling ng magkaron ng ama. Except nung nag live in si nanay at ang tatay ng half brother kong si Ben. Okay na sana kami nun subalit di rin tumagal ang masaya naming buhay dahil sa isang masaklap na aksidente. Namatay ang step father ko.

Hiwalay rin ang pamilya ng present boyfriend kong si Archie. Pinalaki rin si Archie ng nanay nya. Pero sumosuporta parin naman ang tatay nya sa kanyang pag aaral. Seaman ang tatay ni Archie. Sabi pa nga ng bf ko na dating seamanloloko raw ito. Kaya nag hiwalay dahil nakipag relasyon daw isa isang mas batang babae.

Hinde ko pa na memeet ang father nya. Pero through facebook, nakilala ko ang ama ng bf ko. Nagsimula ito ng mag like si tito Cesar sa ilang mga pictures ko. Mostly mga art photography na pinopost ko sa dalawang album ng profile ko. Nag comment sya sa ilang selfies ko rin at dito sya nagpakilala na tatay daw sya ni Archie.

Nahiya naman ako bigla. Di ko ine expect na makikipag komunikasyon ang tatay ni Archie sakin. Pero dahil sa respeto at ayoko namang maisip ni tito Cesar na snabera ako, kinakausap ko naman sya. Sinabi ko na rin ito kay Archie. Tuwang tuwa naman ang mokong at magaan ang loob ng tatay nya sakin. Masaya rin naman ako.

Hinde naman madalas na makipag usap ang tatay ni Archie pero hinde naman napuputol ang kumonikasyon ko sa kanya. Di nag laon, nag simula na kaming magka chat sa messenger. Okay kausap si tito Cesar. May sense talaga kausap. Dahil na rin siguro sa marami na itong experiences kaya maraming na sheshare sakin. Madalas rin nya akong payuhan na parang sarili na nyang anak.

Kahit di ko pa sya nakikita, magaan ang feeling ko kay tito Cesar. Para syang big brother ko or lost father. Ilang problems rin ang na share ko sa kanya at malugod naman nya itong pinag tuunan ng pansin.

Kuntento na ako sa relasyon ko ay Archie. May bf na ako na tapat at mapag mahal, meron pa syang ama na tinuturing ko na ring sarili kong tatay.

Medyo pilyo nga lang rin minsan si tito Cesar. Sabagay, sabi pa nga ni Archie na chickboy daw dati tatay nya. Pero natatawa nalang ako minsan kasi magaling talaga sya mag salita at maraming alam na green jokes. In short, enjoy ka chat si tito Cesar. Mostly nagkaka chat kami late na ng gabi mga 10-12 midnight. Minsan inaabot pa ng 2am. Pero sinesekreto ko na yun kay Archie baka mag alala nanaman na kulang ang tulog ko.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon