-01- : PARALUMAN🤍

44 1 2
                                    

(Maria Paraluman Valencia/Enrique Alonzo Montecastro)

**

"Maria, kay gandang bulaklak naman ng iyong ginagawa." ani ni donya Emilia na kaniyang ina kasalukuyan silang nagtatahi ngayon sa balkonahe.

Isang tunog ng kalesa ang kanilang narinig, "Iyon na marahil siya hija." Ngiti ng kaniyang ina. Agad na napadungaw sa bintana si Maria.

Si Maria de Vera ay ang pangalawang anak nina don Gustavo at donya Emilia de Vera, mga kilalang negosyante sa Las Cuevas, Laguna, at Maynila. Kagalang-galang, mahinhin, at kaibig-ibig na dalaga si Maria. Mayroon rin siyang mapupulang pisngi at labi.

"Enrique...nagbalik ka na." masayang wika ni Maria sa kasintahan at kababatang si Enrique Alonzo Montecastro, isang peninsulares at habulin ng mga babae.

"Ina maari niyo ba muna kaming maiwan?" ani ni Maria sa ina, makahulugan naman siyang tinignan nito. Nang maka-alis ay agad nilang hinagkan ang isa't-isa.

"Maria, ako'y nagagalak na makita kang muli."

"Siya nga pala halika na sa loob, naghanda si ina ng iyong paboritong putahe at wag ka ring mag-alala pagkat ilang araw pa makakabalik si ama mula Maynila."

**

"Kamusta ka na hijo? ang iyong pamilya?" Wika ni donya Emilia sa binata habang sila'y naghahapunan sa hapag.

"Maayos naman ho kami tiya at hindi ko naman ho napababayaan ang aking pag-aaral, akin namang napagsasabay ng mabuti ang negosyo at medisina. Kayo ho?"

"Mabuti naman din..ah..ang iyong Maria nga ay may mga pagkakataong siya'y nalulumbay nang dahil sa'yo." ngisi ng donya.

"Ina..." mahinang sabi ni Maria na ngayon ay namumula na ang pisngi.

**

Kaarawan ni Maria at kasalukuyan silang nag-uusap ni Enrique sa balkonahe.

"Maria siya nga pala may nais akong ibigay sa iyo...isa itong laket na nabili ko pa mula sa Europa, batid kong nababagay ito sa iyo nang una ko pa lamang makita." ngiti niya pa kay Maria sabay suot sa kaniya ng kuwintas na hugis puso.

"Salamat sinta." malungkot na saad ni Maria.

"Oh bakit, hindi mo ba naibigan?"

"Hindi sa ganon, ang totoo niyan ay labis na natutuwa ang aking puso sa handog mong toh. Yun ngalang ay aking naalala ang ating kalagayan. Kailan kaya tayo magmamahalan ng hindi palihim? Kailan kaya matatapos ang hidwaan ng ating mga ama o kung matatapos pa ba iyon?" naluluha niyang wika.

"Huwag kang mag-aalala sinta, maaayos rin ang lahat, pangako." saad ni Enrique saka hinagkan ang dalaga.

**

Sa gabi ay dumating na si don Gustavo, tinawag at kinausap niya si Maria kasama ang asawa.

"Hija maari ba kitang makausap?"

"Opo ama, ano po iyon?"

Mababakas ang pag-aalinlangan sa muka ni donya Emilia.

"Oras at panahon na upang ikaw ay maikasal anak. Mayroon na kaming nahanap na nais naming ipagkasundo sa iyo hija."

"P-po?"

"Bukas na bukas rin ay iyong makikilala ang iyong mapapangasawa." saad pa ng don sabay tayo. Naiwan namang tulala si Maria samantala ay nanatili naman roon ang kaniyang ina.

"Hija pasensya ka na ngunit sinubukan kong kumbinsihin ang iyong ama ngunit buo na ang kaniyang pasya-" hindi na natapos ang sinasabi ng donya nang tumayo na si Maria at dumeretso sa kaniyang silid.

PARALUMAN (A SHORT SERIES)Where stories live. Discover now