-03- : MAHIKA❤️

19 1 2
                                    

(Elisse Chloelle Montecastro Valencia/Keith Adrian Veneracion)

**

"Halika na! dali! baka hindi na natin maabutan!"

Nagmamadaling wika ni Elisse sa matalik na kaibigang si Thea habang sila'y pababa ng hagdan nang matapos ang kanilang klase.

"Halaa omg naka-alis na yata?" nag-aalala namang saad ni Thea nang makababa sila sa lobby.

Dali dali silang lumabas ng gate upang sana'y umuwi na ngunit...

"AYUN! omg shit!" turo ni Elisse sa lalaking nakatalikod, papatawid sa kalsada kasama ang kaibigang mga lalake at babae. Hinila-hila niya ang kaibigan palapit sa ngayo'y nakatawid nang lalaki sa pedestrian ngunit ang kaniyang mga kaibigan ay hindi pa nakakatawid at naiwan pa sa harapan ng campus.

"Hala sya na nga! grabe ka sis kilalang kilala mo parin kahit nakatalikod haha" ani Thea.

"Halika sundan natin dali dali! andun na sila!" sabik na saad naman ni Elisse.

Balak nilang sundan uli ngayon ang lalaki ayon sa panibago nanamang plano ni Elisse para naman malaman kung saan ito nagpupunta kasama ang mga kaklase pagkatapos ng eskuwela ngunit sa pagkakataon ngayon ay hindi malapit sa kanilang paaralan pupunta ang lalaki kasama ang mga kaibigan kundi, mukang sa malayo pa.

"Teka, doon tayo sa kabila dumaan, para magkasalubong nalang tayo, tapos unahan natin sila para nakikita nila tayo sa harap bwahaha, pangit kasi kung nakasunod nanaman tayo sa kanila, bilis halika!" wika pa ni Elisse, tumakbo sila nang tumakbo.

"Elisse! Huy! Sandaleeee!" Hininhingal na saad ni Thea.

"Whew! okay! mukang nasa likuran na sila at nasa harap tayo...sa tingin mo ba saan sila pupunta ngayon?"

"Pero diba hindi pa puwede ang mga minors sa mall hangga't wala pang 3pm?"

"Oo"

Kumanan sila ng daan upang hindi halata na sila'y may ibang pakay ngunit...

"Bat ang tagal nila? silipin mo nga Thea."

"Okay ayan! paparating na!"

Dumaan ang dalawang lalaki na namukaan nilang iyon ang magkapatid at isa roon ang kaibigan nang lalaking pakay nila. Sumilip silang muli at ilang segundo'y dumaan ang isang lalaking nakasalamin at may bangs.

"Tangeks hindi naman sya yan eh"

"Sorry eh diba nga andami nilang magkakakaklase na magkakamuka at parehas ang style."

Binalikan nilang muli ang dinaanan nila kanina at dito nila napagtanto na mukang naiwala nila ang kanilang pakay.

"Shit..hindi yata natin sila nasundan"

"Nako, antanga naman kasi naten eh hindi pa nga natin alam saan sila pupunta tapos nauuna pa tayo sa harap." saad ni Thea.

"Heto pringles kain nalang muna tayo." dagdag pa niya.

**

Umuwing problemado si Elisse, pagkarating sa kanilang mansyon ay laging bumubungad sakanya ang mga picture frames niya mula bata hanggang sa mag-dalaga. Binuklat rin niya ang photo album na katabi roon kaya agad ring napawi ang kalungkutan na nadarama.

"Oh nak, andito ka na pala." masayang bati ng isang ginang na nasa 40s ang edad habang pababa ng hagdan. Ngunit hindi mahahalata ang kaniyang edad dahil sa natural niyang tila hindi tumatanda na itsura.

"Hi mom, mano po."

"Hmm, is there something bothering you dear?" sa lahat ng tao, ang ina niya ang higit na nakakakilala sa kaniya kung kaya't agad niyang makikinita kung ano ang bumabagabag sa anak.

PARALUMAN (A SHORT SERIES)Where stories live. Discover now