004: He texted

24 4 0
                                    

[messenger]

Hotdog Vendors

04:55 PM

Athena
Nandyan ka pa?

Honey
eto naaaa pauwi na riiiiin

nakasakay na sa grab

Athena
Buti umuwi ka na. Iniistorbo mo si Patch. Nagtatrabaho yung tao. May out of town ka ngayon, hindi ba?

Honey
yasss

pero nakaprep na ako, balikan ko na lang sa condo yung mga gamit pero may dadaanan lang ako ngayon sa bahay

anyway, kapag nagandahan ako sa place, puntahan ulit natin!

Athena
Sureee.

Si Patch pala?

Honey
ayun matamlay kanina si working girl

Athena
Parang ikaw nga rin. Why? Akala ko ba road to love life na kayo?

Honey
ay si prince charming, hindi yata pumasok! excited pa naman ang gaga HAHAHAHAHAHA

tapos wala rin yung owner ng sororitea e

may inasikaso raw sabi ni patch

sad

walang inspiration for today's video

anyway, sige na tulog muna ako sa biyahe

Athena
Mag-ingat ka, hoy!

05:31 PM

Patch
shet kakauwi ko lang tapos tapos tapos

Honey!!!!!

Athena
Tulog 'yon, Patch. Why?

Patch
NAG-TEXT SIYA!

Athena
Who?

Wait.

Yung guy?!

Patch
Shet! I think siya nga ito! I need to confirm! Kausap ko muna!

Athena
Mag-ingat ka, Hoy! Baka mamaya serial killer 'yan or something. Make sure you are talking to a decent person. Kapag nalaman mo name, sabihin mo sa akin. Ipapa-background check ko.

Patch
as long as walang criminal record at pasok pala doon sa negotiables and non-negotiables ko, push!!!!!

Athena
Patricia Joanna! 🤦🏻‍♀️
seen by Patch

Just Because (epistolary)Where stories live. Discover now