Chapter 10

26.4K 1.1K 547
                                    

Chapter 10

Ngayon ko lang na-realize na wala pala akong pwedeng kausapin sa mga kakilala ko in real life. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o kung ano. Tss. Mas okay na rin 'to. Hirap din ng maraming kaibigan pero parang nasobrahan ata ako sa pagka-konti.

'Is it normal for your friend to tutor you in all your subjects?' pagta-type ko sa Google.

Mukha akong tanga! 'Di ko naman pwedeng tanungin si Mauve kasi alam ko na mas lalo lang akong hindi titigilan non. Naghahanap kasi talaga ng kakampi 'yon sa bahay. Kampi naman kami pero—ah, basta! Ayoko muna sabihin hanggang 'di ko rin alam kung gutom lang ba ako o kung ano na ba talaga nangyayari.

Hindi ko rin pwedeng tanungin si Tin dahil chismosa 'yon. Si Assia naman, parang tinurukan ng anestisya sa sobrang manhid. Mas lalo namang hindi ko pwedeng tanungin si Judge dahil baka tanggalan ako ng trabaho non.

Hmm... si Niko kaya?

Dito ko talaga nakita na desperado na ako dahil kahit si Niko ay parang willing na ako tanungin.

Napunta ako bigla sa Reddit at Quora pero parang imbes na maliwanagan ako ay mas nalito lang ako dahil iba-iba iyong sagot nila. Pinaka-maraming sagot ay tanungin ko raw mismo iyong tao. Malamang! E 'di kung kaya kong gawin e hindi na ako nag-google.

Nakaka-miss naman iyong mga panahon na flavor ng siopao lang ang problema ko.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyong boses ni Tin sa may malapit sa tenga ko.

"Ano 'yan..." sabi niya na naka-ngisi. Mabilis kong sinubukan na isara iyong monitor, pero mas mabilis iyong mga mata ni Tin. May mga tao talaga na hindi alam ang salitang privacy.

"Wala."

"May jowa ka na?"

"Wala."

"May crush?"

"Wala."

"May—"

"Judge!" sabi ko sabay tingin sa may pintuan ni Judge. Napa-tingin din doon si Tin. Mabilis akong umalis sa may pwesto ko para layasan si Tin. Alam ko kasi na hindi niya ako tatantanan. Maka-punta nga muna sa CR. Kapag tinanong ako kung bakit nawawala ako, sabihin ko na lang na may LBM ako. Hindi naman siguro ako ku-kwestyunin ni Judge don kung sakali.

Naglalakad ako papunta sa may Dunkin para bumili ng kape doon. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko iyong pag-vibrate ng cellphone ko.

Parang alam ko na agad kung sino iyon dahil kung hindi siya, iyong mga scammer lang naman na nagsasabi na bibigyan nila ako ng trabaho ang nagtetext sa akin. Pero ayokong ilabas dahil mamaya ma-snatch pa. Isisisi ko sa kanya kapag nawalan ako ng cellphone.

Pagdating ko sa Dunkin, umorder agad ako ng kape. Believable naman siguro iyong 30 minutes ako na nawala. Ngayon ko lang naman ginawa 'to. Kabanas kasi si Tin. 'Di naturuan ng boundaries ata nung nasa kinder pa.

'Kailangan nga exam niyo?'

'Seryoso ba na itututor mo ako?'

'Tutulungan magreview. Tutor? Ano ka? Kinder?'

Bahagya akong pumikit at saka huminga nang malalim. Nasaan na ba iyong kape ko? Umagang-umaga e sinisimulan ako ng taong 'to.

'Obli, Crim 2, Consti, Persons subjects mo, right? O baka kailangan mo rin ng tulong sa Ethics?'

'Para sa taong nag-offer tumulong, napaka-attitude mo.'

'Attitude?'

'Oo.'

Alter The GameWhere stories live. Discover now