CHAPTER 12

376 23 2
                                    

Agatha's POV

"Your posture is fine, the way you hold the sword is fine....hmmm why do I feel like you had holded a sword before" takang tanong ni General Denmore.

"Ah well this is what I saw in the book, I just copied it" Yeah, I did saw it but I didn't expect to perfect it today.

"Really? That's amazing, okay then put down the real sword and get some wooden sword. I will teach you the basics for today" kagaya ng sabi ni General ay inilagay ko na ang totoong espada at kumuha ng kahoy na espada, ito ang ginagamit nila pang training kapag mag s-sparring sila.

"Ready? Just follow me and memorize every move I'll do" saad nito.

Nagsimula na siyang magwasiwas na sinusunod ko naman, tinitingnan niya rin kung tama ang postura ko. Syempre bago pa kami napunta sa ganito ay pina exercise pa ako ng sobra-.-

Feeling ko nga ay halos lumabas na ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa exercise na dinanas ko, masasabi ko talagang sobrang liit ng stamina ni Agatha.

Iwinasiwas ko naman sa gilid ang espada kagaya ng ginagawa ni General, sampong iba't ibang pagwasiwas ang ginawa namin bago bumalik sa umpisa.

Sa pabalik balik na paggawa namin non ay namemorize ko na at hinayaan na ako ni General, pinapanood niya ang mga mali sa postura at pagwasiwas ko.

"Itaas mo pa ang espada"

"Ayusin ang paghawak sa espada kundi ay mabibitawan mo 'to kung nasa isang labanan ka"

"Lakasan ang pagwasiwas!"

Isa lang 'yon sa mga paulit ulit na sinasabi ni General sakin, madali ko namang nagagawa ng maayos ang mga mali ko.

"Okay, we're done for today. For your assignment, I want you to grow more stamina. Focus on exercising and don't forget tpday's lesson"

"Thank you, General" saad ko at yumuko.

Napahiga ako sa sahig dahil parang naubusan na ako ng lakas matapos umalis ni General, he's my tutor in swordmanship.

Aiya hindi pa nga sana matutuloy ngayon yung swordmanship training ko dahil gusto pa akong pagpapahingahin ng Duke, buti na lang at napilit ko siya.

In this world, women can train swords pero kung gusto mo talagang maging isang knight ay ihanda mo na ang panglalait ng mga kalalakihan sayo.

They always think women can only do tea parties, matataas ang tingin ng mga lalaki sa mga babaeng kawal. Kaya nga wala masiyadong babaeng kawal sa mundong 'to.

"Here" mabilis akong napabangon ng marinig ko ang pamilyar na boses nito.

May inabot siyang isang bottle ng tubig sakin, tiningnan ko muna siya bago kinuha ang bottle at ininom.

"Thanks" pasasalamat ko matapos uminom.

"You shouldn't laying down on the ground" sabi nito at nilahad ang kamay, hindi na ako nagdalawang isip pa at tinanggap ang kamay nito saka tinulungan ako sa pagtayo.

"What are you doing here, Licht?" yep, it's Licht.

"Nothing, can't I see my ex-fiance?" nakangising sabi nito, napairap na lang ako sa hangin saka nilagpasan siya.

Sumabay naman ito sa paglalakad na hindi ko na lang pinansin. "I didn't know you were interested in swordmanship"

"I didn't know you were so talkative" walang buhay na saad ko, narinig ko naman ang mahinang tawa niya.

Woah! Bakit parang ang sexy sa pandinig ko yung tawa niya? "Only for you" sabi nito sabay kindat, para namang nanginig ang kalamnan ko sa kilabot.

"It's my first time saying some cringe lines to you, I thought you would like it"

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now