CHAPTER 27

352 13 0
                                    

Third Person's POV

Gamit ang kapangyarihan ng tower master at ang lakas ng hari ay nagawa nilang makalapit sa babaeng nagngangalang Dhanna.

Pero hindi pa 'yon sapat, hindi pa nila siya nagagawang sugatan. 'She's somehow strong, ano bang ginawa niya for the past 15years' sa isipan ng hari.

Biglang napaatras ang dalawa ng may mga kunai na papatama sa kanilang pwesto, napatingin ang dalawa mula sa dilim ng maramdaman nila ang malakas na presensiya.

"My lord, I thought you were finished already" saad ni Violet, she hide Agatha's head. She want to present it to her after everything.

"Then kill them for me, I want to be like a god watching all of you fighting from above" saad ni Dhanna saka lumakad papunta sa throne chair at umupo doon.

"As you wish, My lord" akmang susugurin na ni Violet ang dalawa ng may maramdaman siyang presensiya mula sa likod niya.

Mabilis niyang nailagan ang atake ng prinsipe, napangisi naman si Violet. "You missed--"

"No, I don't" malamig na saad ni Dark, ngayon lang naramdaman ni Violet ang sugat niya sa likod.

"H-How--! I know I dodged it--"

"You must be hallucinating" saad ni Dark at bigla na lang nag iba ang kulay ng buhok nito, mula ginto ay naging itim.

Nagulat si Violet ng nasa harapan na niya ang prinsipe, mabilis siyang tumalon paatras para mailagan ang atake nito, pero nagulat na lang siya ng maramdaman niyang humapdi ang tyan niya.

"H-How--" hindi na ito natapos sa pagsalita ng nasa harapan na naman niya ang prinsipe.

Matatamaan na sana ng prinsipe ang leeg nito ng may kadenang pumulupot sa kaniyang espada, napalingon siya sa taong may gawa non and it's one of their men, kaya naman ay nabigyan ng pagkakataon si Violet para makalayo.

"Aishh useless!" Asik ni Dhanna at tumayo, pag apak niya sa isang hagdan ay bigla na lang siyang nawala doon at lumitaw sa gilid ni Dark.

Malakas niyang sinuntok ang gilid ng prinsipe kaya tumilapon ito ng ilang metro, ginamit na naman ni Dhanna ang kaniyang kapangyarihan para patayin ang prinsipe pero may barrier ang pumigil dito.

"Tsk" inis na asik niya saka kinontrol ang ibang atake papunta kay Cloude at sa hari.

Dahil sa walang pahingang atake ni Dhanna ay unti unting nag crack ang spell barrier ni Cloude. "Sh!t" asik ni Cloude nang makitang malapit ng masira ang barrier.

Hindi niya magawang makapag cast ng isa pang spell dahil pino protektahan niya ang prinsipe at ang hari.

Malapit ng mawasak ang barrier ng biglang lumitaw sa likod ni Dhanna ang Duke, mabilis niyang hiniwa ang kamay nito na naging dahilan ng pagkaputol.

"Arghhhh!" Sigaw nito sa sakit, dahil dito ay tumigil ang atake niya.

"My lord!" Sigaw ni Violet, galit nitong tiningnan ang Duke saka mabilis na sinugod ito.

Pero dahil sa natamong sugat niya ay nahirapan siyang labanan ang Duke, sinipa nito ang tyan ni Violet saka iwinasiwas ang espadang dala niya.

Nailagan ito ni Violet pero nadaplisan pa rin ang kaniyang mukha, napatalon siya papalapit kay Dhanna at hinarang ang dalawang kamay para protektahan si Dhanna.

Maya maya pa ay bigla na lang itong tumawa na malademonyo "HAHAHAHAHAHA HA HA"

Unti unting tumayo si Dhanna at itinaas ang putol niyang braso. "Sa tingin niyo ba ay mapapatay niyo ako?"

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now