Kabanata 2: Detention

22 1 0
                                    

Sira na nga yung araw ko, sinira pa ng malala!

Habang naglalakad kami sa hallway para hanapin ang detention room ay nagsalita na naman si payat at humingi ng patawad sa akin.

"Xander, sorry na kanina ha, na bobored kasi ako kaya wala akong ibang magawa."

Pero hindi ko siya pinapansin kasi umaapaw at kumukulo parin na yung dugo ko dahil sa kanya.

"Huy Xander, Xander, Xander? Okay ka lang? Huyyyyyy. Sorry na Xander. Sorry naaaaaaaa." At pinagpatuloy niya lamang ito hanggang sa na irita ako tuloy.

"Puwede ba!!! Manahimik ka na lang, makaka badtrip ka eh!!" Sigaw ko na may matigas na tunog ng aking boses. Shet, ito na naman yung boses ko!!!

"....."

Tumahimik nalang si Xavier at sumunod nalang sa akin

Hanggang sa nakarating na kami sa Detention room ay binuksan ko na yung pinto, at pagkapasok na sa loob ay naka aircon pala ito, so rich.

Naghahanap ako ng mauupuan ko yung malayong malayo sa kinauupuan ni Xavier kasi ayoko talaga siya makausap at makatabi.

Pagkaupo lang ng pagkaupo ko sa upuan ay nakita ko si Xavier na bumuhos ang mga luha niya at umiyak. Sa pag iyak niya ay naawa ako at nataranta din dahil sa aking pagsigaw sa kaniya kanina.

"Xavier okay ka lang? Sorry na ha. Hindi ko sinasadya na sigawan ka. May anger issues lang ako."

"A-ang sakit mo kasi m-magsalita eh, s-s-sorry na ih." Mautal-utal na sagot niya.

"Nakakairita ka kase kanina, at nawala guro ako sa sarili ko at hindi pinagisipang mabuti yung nga salita ko. First day of school ba naman at detention agad. Sige na, pinapatawad na kita." Saad ko.

Pinahiran ko ang mga luha ni Xavier gamit ang aking panyo at tinignan muli ang kanyang mga mata. Grabe, ang ganda pala ng kanyang nga mata pagmalapitan.

Bigla naman akong umiwas tingin dahil naramdaman ko na ang aking pisngi na namumula at umiinit.

Mula sa malungkot na mukha ni Xavier ay napalitan ito ng kasiyahan. Nilapitan niya ako at bigla nalang niya akong niyakap.

Sa tagal na nga ng panahon, ay ngayon muli ako nakaramdam ng may yumakap sa akin. Dahil sa murang edad ko pa lamang ay namatay si papa at hindi ko na yon nararamdaman noong mawala siya sa piling ko.

Tinuring ko'tong espesyal na pangyayari sa akin dahil ngayon muli akong nakatanggap ng yakap mula sa ibang tao.

Habang tumatagal ang aking yakap kay Xavier ay may naramdaman akong tumulo sa aking mukha at napagtanto ko na ako'y umiyak.

Biglang bumitaw si Xavier dahil napansin niya ako na umiyak rin.

"Oh? Bakit ka umiyak? May ginawa na naman akong mali?" Mapag-alala na boses ni Xavier.

"W-wala naman, okay lang a-ako. May naalala lang akong b-bagay." Mautal kong saad sa kanya.

"Ah, ganon ba? Anong klaseng bagay?"

"Wala." Malamig kung sagot sa kanya.

"Ah, sige sige. Matutulog nalang muna ako dito ha." Mahinhin na saad niya.

Umalis siya saglit upang kumuha ng upuan at umupo sa tabi ko at natulog.

Habang nakatulog siya ay pinagmamasdan ko siya kahit nakapikit ang kanyang mata. Ang cute pala niya kung matutulog no?

HAH? wait lang, hindi ako bading, straight ako Ah?!?

Sinampal ko sarili ko upang magising sa katotohanan ng straight world. Matutulog na rin ako kasi wala naman akong magagawa dito, at nakatulog na ata siya.

Nilagay ko ang aking dalawang bisig sa lamesa at dahan dahang pumikit ang aking mga mata at nakatulog na rin.

- - -

Pagkalipas ng tatlong oras ay nagising ako mula sa sigaw ng prof namin malapit sa pintuan.

"Huy! Mr. Dela Torre, you may go out now with Mr. Monteforte as well and eat lunch. And you may go back to class later since the detention of you two is now over." Saad ni prof at umalis na din.

"Thank you po sir." Saad kong pabalik.

Gigisingin ko nalang to si payat upang makapaglunch na kami. Ililibre ko nalang siya as an apology for kanina.

"Payat, payat, huy payat. Gising na my payat, mag lunch na tayo." Saad ko, ngunit hindi pa rin siya gising.

"Ililibre nalang kita upang apology ko nalang ito para sa ginawa ko sa iyo kanina." Still, no answer.

Ilagay ko nalang kaya yung kamay ko sa ilong niya upang malaman ko kung buhay pa siya or hin- I mean tulog pa.

Sa pagkalagay ko ng aking kamay ay kinuha niya rin ito hinahalikan. Hindi ko alam pero nagulat na rin ako ngunit wala akong magawa dahil baka madisturbo ko siya.

Habang pinapatuloy niya ito ay may nararamdaman ako sa kamay ko na parang may gumagalaw, Ah shit! Don't tell me na dila niya yon!

"Anong g-ginagawa mo X-xavier. I-itigil mo n-na yan." Bulong ko sa kanya.

Habang tumatagal ay na tu-turn on ako at uminit yung buong katawan ko, at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na kaya, baka may magawa pa ako.

"XAVIER!! TAMA NA P-PLEASE.." sigaw ko dahil hindi ko na talaga makaya.

Nagising na rin siya sa wakas at nagulantang na lamang siya sa kanyang ginawa sa akin.

"S-sorry Xander, hindi ko sinasadya. Wait, bakit ka namula at pinapawisan?" Mala inosenteng tanong niya sa akin.

"W-w-wala, t-tara labas na t-tayo, kainin na ki- este ka-kain na tayo sa c-cafeteria." Mauutal kong saad sa kanya nang biglang ngumiti siya sa akin.

"Sige, halika na." Sabi niya at tumayo na kaming dalawa.

Oh shit! Baka mapansin niya!

Tinakpan ko ang aking yung ano, ng aking kamay upang kumalma ito. Ngunit napansin rin ito ni Xavier.

"BWAHAHAHAHAHA! Bakit ka nag turn on? Ahhhhh, alam ko na. Sorry na kase. Hindi ko na yun gaga- este sinasadya."

Ngunit ramdam ko pa rin yung pula ng aking pisngi. Patuloy na lamang siya sa pagtawa hanggang sa nagutom si payat.

"Too bad for you, ililibre sana kita, ngunit tinease mo ako eh, so wag nalang." Saad ko habang tinaasan ko siya ng kilay.

"Don't worry, may pera naman ako pambili ng aking snacks and lunch eh, baka ikaw pa tuloy yung malibre ko." Saad niya pabalik.

"Ahhhh, ganon ba my payat?" Saad ko na may seductive tone.

Namula siya sa aking sinabi, kaya lumabas nalang siya sa pintuan at iniwan ako. Walang hiya!

"Hintayin mo'ko!!!" Epal talaga to si Payat eh noh?

Pagsusulat Para Sa Aking Bituinحيث تعيش القصص. اكتشف الآن