Kabanata 4: Payag o hindi?

25 0 0
                                    

XANDER'S POV:

Nagising ako mula sa maputi at maliwanag na lugar habang ako ay nakahiga sa isang komportableng higaan.

"Nasaan ako? Anong nangyari? Nandito na ba ako sa langit? Kinukuha na ba ako ni lord?"

Mga tanong na umiikot sa aking utak.
Parang akong musmos na bata na ignorante.

Grabe, ansarap nga yung tulog ko, pero nagising pa ako mula sa parang langit na lugar at may pagkakataon na ata ako na mameet si lord.

Pero tinatamad pa akong tumayo, kasi maganda na nga yung puwesto ko ditonsa higaan at madistorbo ko rin ata yung comfort side ko.

Thus pagod na pagod ako ngayong araw dahil nga sinuntok ako nung lalake, bakit ko naman siya pinakyuhan, edi sana wala ako dito ngayon sa parang langit na lugar.

Tas nung igalaw ko na nga yung kamay ko, may nagbabantay pala sa akin sa tabihan, hindi si San Pedro ha, kundi yung lalake na sumuntok sa akin kanina, like wut da hilllll.

Bigla akong sumigaw upang manghingi ng tulong.

"Tulong!!! May halimaw na evaluation dito sa tabi ko!! Tulo-!!"

Bago ko matapos ang salitang tulong, ay bigla na lamang akong sinampal ng epal sa mukha ko. Walang hiya! Wala siyang permission sa akin na sampalin ako.

"Tumahimik ka nga, ingay ingay mo eh, inutos lang ako dito oh, wag kang OA."

"Eh sinong nag utos sayo lalake ka?!" Tanong ko sa kanya.

"FYI. Hindi lalake yung pangalan ko, it's Shan Gallaviencia or you can call me Shan." Pagpapakilala niya sa akin.

Grabe, ang expensive naman ng kanyang name. Pero pwede ko rin siyang tawagin na halimaw or other names na mas bagay sa kanya.

Like taga Portugal ba siya or any other country besides Philippines. Rich ata ito siya.

"AHH, It's Xander by the way, and friend ko si Xavier. Oh ano, close ba kayo? And since when?"

Hindi ko man alam na friends sila ni Payat and how dare he, like dude, really? Sa dami daming ng tao dito sa campus na pwedeng pag utusan. Si Lala- este Shan pala ang pinagutusan ni Xavier?!?!

At bakit din siya inutos ni Xavier na bantayan ako? Eh alam naman niya na siya ang sumuntok sa akin.

"At bakit mo nasabi na si Xavier mismo nagsabi sayo?"

"Again, FYI. Kaibigan ko si Xavier at pinagkakatiwalaan niya ako na babantayan kita. Huwag kang assuming."

WAIT?!?!?! FRIENDS SILA?!?!

"SINCE FRICKIN WHEN?!" Pagalit kong tanong sa kanya.

"Kanina, naging friends kami kanina, bakit? Hindi mo ma tanggap?" Saad niya na demonyong ngiti sa mukha.

"Ahh ganon ba, tanggap ko naman." Malungkot na inisiip ko dahil hindi ko tanggap.

"If I'm his friend, do you wanna be friends with me too?" Offer niya sa akin.

Hindi ko alam kong anong isasagot ko. Like, siya ang sumuntok at sumampal sa akin, tapos makikipagkaibgan? Ain't no way I was accepting him.

"I -" bago ko matapos ang aking salita ay may bumukas ng pinto at ang unang nakita ko ay ang kamukhaan ni Payat.

Abot langit ang kanyang ngiti nong makita na niya akong gising at nagsasalita. Parang ewan.

Biglang bumilis yung pagtibok ng aking puso at nagpapawis. Bigla na ngang kumirot yung tiyan ko at nakaramdam ng kakaiba. Pero ewan ko. Ningitian ko nalang pabalik si Xavier. Awkwarddd.

Shet, ito nanaman tayo self!!

Lumapit naman si Payat sa akin upang kumustahin ako.

"Kamusta kana Xands? Ok na yung katawan mo? Masakit pa ba? Gutom ka ba? O gusto mo nang tubig?" Mga batak niyang tanong sa akin.

"Woah, woah, woah, easy lang Xavier isa isa lang ha?"

"A-ay sorry. Ok ka lang ba?"

"Don't worry about me Payat, your Xands is all right and fine. As long as I see your face I'm o -" hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay sumulpot agad si Shan.

"Yeah Xavier, he's fine and healthy, and btw, how's your day?"

"Oh, I'm... fine, thank you." Malamig na responde ni Xavier kay Shan.

YUN!!! DESERVE! wait lang, ba't ako natutuwa? Nababaliw ata ako o dahil lang ito sa suntok ni halimaw. Bahala na.

Tas may bigla akong naalala na meron pala kaming gagawin na article o tula ng prof!!! (Edited in chapter 1)

"Alis nalang muna ako Payat, may gagawin pa pala tayo eh. "

"Ano nga yung gagawin natin?" Tinanong niya sa akin kasi nakalimutan niya.

"YUNG POETRY NI PINAPAGAWA NI PROF NATIN! HINDI MO BA NAALALA?! YAN KASS PANAY TINGIN NG TINGIN SA AKIN."

"Anong tingin ng tingin? Hindi ako tumitingin sayo, assuming ka? Sorry but I was focusing to the girl that beside you earlier. Hindi sana tayo umabot dito kung hindi ka nagreklamo kanina, delulu ka kasi."

WHAT?! Hindi pala ako... shet, nakakahiya, ARGH!!! At bakit naman yung katabi ko?

"Anong meron sa aking katabi?" Tanong ko out of curiosity.

"Wala lang, maganda siya eh."

Ouch! Those words hit me hard!! Wait, bakit ako nasasaktan? Nasaktan na nga ako kanina ng physikalan at tapos ngayon sa emosyonal?!

Walang hiya itong nararamdaman ko! Haysst makakagawa na nga lang ng poetry.

Tumayo ako mula sa aking higaan upang pumunta sa library. Doon kasi ako gagawa ng poetry ko since hindi na ako nakapasok sa room kanina. And it's almost 4:00 pm, kaya doon nalang ako magtatambay.

"Oh, alis mo na ako, iiwan ko muna kayong dalawa dito ha? Take care."

"Sige-sige, ingat."

Bago paman ako nakarating sa pintuan ay biglang sumigaw si Xavier.

"Take care, at kumain ka nang tanghalian ha! Hindi kapa kumakain!"
Panay reminder sa akin ni Xavier na parang mama ko.

"Oo naaa!" Sigaw ko pabalik.

Oo nga, hindi pa pala ako nakakapag-lunch noh? Tama, gutom na rin kasi ako. Dadaan nalang ako sa cafeteria upang mag snack tapos sa library.

SIDE OF XAVIER'S MIND:

BA'T PARANG BADMOOD SI XANDS? EH ANONG MERON SA KANYANG ISIP?
DAHIL BA NA SI SHAN ANG NAGBABANTAY SA KANYA AT HINDI AKO?

NAHHH, PINAGLIHI NA ATA RIN AKO NI XANDER DITO NA DELUSIONAL. SHET. MAGKITA NALANG KAMI BUKAS SA ROOM AT KAKAUSAPIN KO.

SIDE OF XANDER'S MIND:

SI XAVIER NALANG KAYA ANG TOPIC KO.

NOTE:

SORRY I POSTED THIS CHAPTER PREMATURELY.

THIS IS DUE TO THE LACK OF TIME IN MY PROJECTS AND ACTIVITIES. I HOPE YOU CAN UNDERSTAND.

AND ILL CONTINUE TO POST SOME CHAPTERS IN THE FOLLOWING WEEK TO ENTERTAIN YOU ALL.

THANK YOU FOR YOUR KIND AND SUPPORT TO MY STORY. I REALLY APPRECIATE IT.

Pagsusulat Para Sa Aking BituinWhere stories live. Discover now