Chapter 6

12 5 5
                                    

"HI, DANIELLA," bati ni Kaloy sa kanya nang pumunta sya sa tindahan ni Aling Beth para bumili ng ulam.

Pinahiram kasi sya ng pera ni Drake. Nag-insist ang binata kahit na ayaw nya sana dahil alam nyang hindi nya maibabalik 'yon kasi wala na syang trabaho. Kaso makulit, ayos lang daw. Pwede naman nya ibalik 'pag nagkatrabaho na sya ulit.

"Maaga pa, Kaloy. Huwag ka munang mangulit," sagot ni Daniella habang naglalakad pabalik sa apartment nya. Sinundan kasi sya ng lalaki.

"Ito naman. Mukha bang mangungulit lang ako? Magkaibigan pa rin naman tayo, diba?" ani Kaloy.

Tumigil sila sa harap ng apartment nya at tiningnan nya si Kaloy. Bakas pa rin sa mukha nito ang ngiti na alam nyang hindi naman totoo. Sa tagal na nanunuyo sa kanya ni Kaloy, ilang beses na nya itong tinanggihan pero ayaw pa rin syang tigilan nito.

"Sigurado kang gusto mo ko? Hindi dahil sa nalilibugan ka sakin?" naging mapang-akit ang boses nya. "Alam ko yung mga tipo mo, Kaloy. Hindi ako yung babaeng para sayo."

Mariing napalunok si Kaloy. Inaamin nya, nung una nyang nagustuhan si Daniella ay dahil sa angking ganda ng mukha nito at dahil sa kinis ng legs tuwing dumadaan sya ng court.

Tumunog ang pinto ni Daniella nang buksan nya ito at napatingin doon si Kaloy sabay balik ang tingin sa kanya.

"Ano?" Lumagkit pa lalo ang tingin ng dalaga sa binata. "Gusto mo ba?"

Hindi na nagulat si Daniella nang itulak sya papasok ng apartment ni Kaloy at sinimulan syang halikan. Hindi pumikit si Daniella kaya kitang-kita nya kung gaano kadamang-dama ni Kaloy ang paghalik sa kanya. Bumaba ang ulo nito sa kanyang leeg at ito naman ang inamoy-amoy at hinalik-halikan ng lalaki.

"Ang ganda mo, Daniella... ang ganda ganda mo," bulong ng binata habang kinakagat-kagat naman ngayon ang puno ng tainga nya.

May kung anong umikot sa tyan ni Daniella na gusto nyang masuka. Paniguradong hindi iyon paru-paro dahil mas gusto nyang itulak palayo si Kaloy kaysa ang hapitin palapit sa kanya.

"Edi napatunayan ko rin," wika ni Daniella dahilan para matigilan si Kaloy na ibinaba na ang isang strap ng manipis nyang sando.

Lumayo sa kanya si Kaloy, halatang naguguluhan. "Anong ibig mong sabihin?"

Nagkibit-balikat si Daniella at nilampasan si Kaloy. Umikot sya papunta sa gilid ng kama at kinuha sa ilalim ng unan nya ang pakete ng sigarilyo saka sinindihan sa harap ng gulong-gulo na si Kaloy. Nang humarap sya sa body mirror nya ay magulo na ang buhok nya ngunit blangko ang mga mata nya.

"Wala kang pinagkaiba sa ibang lalaki..." Nag-hits sya sabay buga ng usok. "...wala kang pinagkaiba sa anak ni mayor."

"Akala ko gusto mo! Inakit mo 'ko!" sigaw ni Kaloy sa kabiguan. "Inunahan mo ako! Lalaki rin ako na may pangangailangan, Daniella. Sino bang palalampasin ang pang-aakit ng taong gusto nya?"

Biglang nandiri si Daniella sa sarili nya dahil sa narinig. Mas lalo lang pinatunayan ng lalaki ang imaheng nabuo sa utak ni Daniella patungkol sa mga kagaya ni Kaloy. Lahat sila, sex lang gusto.

"At alam mo ba yung salitang 'consent'?"

"Consent? Ikaw yung nagtanong kung gusto ko. Ikaw yung nagbigay ng pahiwatig!" pagpupumilit nito. "Sa tingin mo ba, hahalikan kita ng ganon kung hindi mo ako inakit?"

Nadismaya si Daniella sa naging sagot nito. "Kung talagang nirerespeto mo ang isang babae, at kung talagang gusto mo ako gaya ng sinasabi mo — hindi ganito. Isa pa, tinanong lang naman kita kung gusto mo ba, hindi ko naman sinabi sayong halikan mo ako. Sana nagtanong ka muna kung ano yung gusto mo na tinutukoy ko."

Umawang ang labi ni Kaloy sa pagkagulat. Wala na syang lusot sa mga oras na 'yon. Alam nya sa sarili nyang matagal na rin syang nagpipigil kaya napigtas na ang pasensya nya sa inaakala nyang pagpayag nito kanina.

"Ngayon..." umupo si Daniella sa kama nya at inayos ang nagulo nyang buhok kanina pati na rin ang strap ng sando nya. "Mahihiya ka naman siguro kung ipagpapatuloy mo pa akong ligawan, diba?"

"Daniella..."

Pinagmasdan ni Daniella ang sigarilyo nyang paubos na. "Hindi ko akalain na bibigay ka ng ganun lang, Karlos." Napailing si Daniella at tiningnan sya. "Huwag mo na sana akong gambalain magmula ngayon."

Ginulo ni Kaloy ang buhok nya bago pumunta sa pwesto nya at lumuhod sa harapan nya. "Mahal kita, Daniella. Huwag mo namang gawin sakin 'to."

"Ayokong dumating sa punto na kapag may nangyari sa ating dalawa at nadisgrasya ako — sakin mo ibabaling ang sisi," ani Daniella. "Umalis ka na."

"Pero—"

"Huwag mo na akong paulitin pa."

Nagkaroon nang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Muling nag-hits si Daniella at binuga ang usok. Samantalang, sininok naman si Kaloy dahil para na syang naluluha.

"Kung 'yan ang gusto mo," ang tugon nya sa huli bago wala sa sariling tumayo at iniwan sya sa kanyang bahay.

Naiwan namang tulala si Daniella. Muli ay nilukob ng kadiliman ang puso nya. At nang tingnan nya ang sarili sa salamin ay wala syang ibang makita kundi isang babaeng kawawa, nawalan, at hindi biniyayaan ng pagmamahal.

Maganda ka...

Inupos ni Daniella ang sigarilyo nya sa ash tray na nakapatong sa headboard ng kanyang kama. At hinarap ang pintuang bukas pa rin hanggang ngayon.

"Kailan ka lalabas dyan?" walang emosyong tanong ni Daniella.

Tumayo ang dalaga sa harap ng bintana nang marinig nyang unti-unti nang sumarado ang pintuan. At nang lingunin nya ang taong lumabas doon ay napa-smirk sya.

"Santi..."

Madilim ang ekspresyon ni Santi habang tinititigan sya. Hindi na rin nakagalaw pa si Daniella mula sa kanyang kinatatayuan nang malalaking humakbang ito papunta sa kanya at hinila sya upuang ihiga sa kanyang kama.

"Akin ka lang, Daniella," wika nito at sinimulan na syang halikan.

Sa isip-isip ni Daniella, walang nagmamay-ari sakin kundi ako lang.

Walang ibang nagagandahan sa akin kundi ang sarili ko lang.

"Hindi ka nila pwedeng agawin sa akin. Hindi..." bulong ni Santi sa kanyang tainga habang bumababa ang mga halik nito sa kanyang leeg.

Tulala lang si Daniella sa kisame habang ginagawa ni Santi ang mga gusto nito sa kanyang katawan.

Daniella...

Napapikit sya nang marinig sa utak nya ang isang pamilyar na boses.

Kumawala ka...

Cigarettes After LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon