Chapter 7

14 4 4
                                    

"KEMBOT, DANIELLA, KEMBOT," malakas ang halakhakan ng mga kalalakihan habang pinapanood ang babaeng tila hindi na makilala ang nasa paligid nya.

Wag... tama na!

"Napakaganda mo talaga. Kaya hindi ka pwedeng maagaw ng iba," nakakapanindig balahibong bulong sa kanya ng lalaki habang hinahaplos-haplos ang mukha nya.

Putangina mo! Nakakadiri ka!

Punong-puno ng tawanan ang buong kwarto habang walang kalaban-laban na nakahiga na ngayon sa kama si Daniella. Nahihilo pa rin sya habang sinusubukang mukhaan ang mga lalaking nakapalibot na ngayon sa kama nya.

Pakawalan nyo ako rito! Ayoko rito!

Ngunit nagimbal na lang sya nang daganan sya ng isang lalaki at bago pa man sya pumiglas sa paghawak nito ay bigla syang napabangon.

Tumutulo ang kanyang pawis, naghahabol ng hininga, at nanunuyo ang lalamuna ni Daniella dahil sa klase ng panaginip na 'yon. Yinakap nya ang sarili nya dahil nakaramdam sya nang panlalamig.

Nang tingnan nya ang bintana ay nagtaka sya nang makitang bukas ito. Malalim na ang gabi at sa kwarto nya nakatama ang sinag ng buwan.

Tumayo sya't lumapit sa bintana para sana isara ito nang makita nya ang nakasabit na jacket at may nakaipit pang papel. Tiningnan nya muna kung may tao pa ba sa ibaba ng building at nang makitang sarado na ang lahat ay kinuha nya ang jacket kasama na rin ang papel saka sinarado ang bintana.

Bumalik sya sa pagkakaupo sa kama at binuklat ang papel.

Walang nagbago kaya mo pa rin akong baliwin. Pero hinay-hinay ka lang sa mga nang-aakit na lalaki sa paligid mo, alalahanin mong ako pa rin ang nagmamay-ari sayo.

Kumunot ang noo ni Daniella sa nabasa. Hindi nya kasi ito kilala. Wala rin syang naaalalang lalaking nagmamay-ari sa kanya dahil wala naman syang nobyo o asawa.

"Mga tao talaga ngayon, ang hilig mang-akin. Hindi na lang makuntento sa agawan lupa ng pamilya pati pagkatao ng iba inaangkin," wika ni Daniella at kinumos ang papel saka tinapon sa kung saan.

Babalik na sana sya sa pagtulog nang makita nya ang cold cash sa kama nya. Mukhang ito yung perang napagkasunduan nila ni Santi. Alam naman na ni Daniella sa sarili nyang hindi sya makakawala sa mga lalaking 'to. Kaya hahayaan na nya kung anong gusto nilang gawin sa kanya.

Nakakabaliw kung iisipin. Pero hangga't humihinga sya, ang hirap takasan ng mundong kinatatayuan nya. Kaya imbes na mahulog sa bangin, kakapit sya sa patalim.

"May problema ka ba? Bakit ayaw mo akong kausapin?" tanong sa kanya ng lalaki nang sundan sya nito sa room ng archery club.

Kasalukuyan nyang inaayos ang archery nya dahil gusto nyang mag-practice. Matagal-tagal na rin nung huli dahil ngayon lang sya nagkaroon ng kalayaan gawin ulit ang gusto nya.

"Ayokong makita ka. Naiirita ako sayo, naiintindihan mo ba?" inis na sigaw ni Daniella sa lalaki nang makarating sila sa field.

Nasa target ang tingin nya at nag-iisip na ng taktika kung paano tatamaan ang gitna. Hinila sya ng binata sa siko kaya napaharap sya rito.

"May ginawa ba ako sayo, Daniella?" malamlam ang mga mata nito. "Hindi ka naman ganito nung nakaraan. Dahil ba 'yon sa hinalikan kita pabalik? Hindi mo ba nagustuhan? O, masyado na ba akong sumusobra?"

Tinitigan nya ang lalaki sa mga mata at hinila ang siko nya sa pagkakahawak nito. "Anong pinagsasabi mo? Sino si Daniella? Nahihibang ka na ba? At kailan kita hinalikan? Bakit ko gagawin 'yon kung di pa naman ako nababaliw?"

Umawang ang labi ng lalaki. "Laro ba 'to? Hulaan kung sino ka ngayon?"

Umatras sya ng hakbang at iniumang ang archery sa lalaki. "Hindi ako nakikipagbiruan."

Cigarettes After LipstickWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu