Chapter 3

635 53 61
                                    

Chapter 3: Test

─────────────

"You've been throwing up for weeks, Heavenne. What's up with you?"

Himala man kung sabihin, Harvey— Heavenne's dad, is with her at the kitchen. Naabutan niya pa ang kaniyang tatay bago ito umalis para sa meeting na pupuntahan niya.

She wiped her mouth after throwing up in the sink. Nakaramdam ito ng panghihina nang isara niya ang mga mata.

She has no idea why, but she has been throwing up almost everyday. Napapansin na rin 'yon ni Harvey dahil palagi itong nagpapabili ng gamot.

"I don't know po, Dad...." Napalabi si Heavenne nang maramdaman ang pagkaliyo.

He assisted her to sit on the stool with furrowed eyebrows. Alam niyang hindi na ito normal, baka may kung anong karamdaman na ang anak niya.

He spoke and began to place his palm on her forehead, "Have you been feeling unwell lately?"

He questioned her although it's already obvious. Pero nang dumapo ang palad niya sa noo nito, hindi naman mainit.

Hindi ito lagnat. It's mere diziness and frequent throwing up. Siguro ay may nakain si Heavenne na hindi kaaya-aya na nagresulta sa pagsuka nito.

Heavenne nodded to her father's question. Hindi talaga mabuti ang pakiramdam niya sa mga nagdaang linggo. Habang wala ang Dad niya, ang kaniyang mga yaya ang nag-aalaga sakaniya.

"May nakain ka bang panis?" Pagtatanong pa ni Harvey.

Well the answer to that—  no. Bago kumain ay inaamoy muna ni Heavenne ang pagkain upang matukoy kung panis na ba ito o hindi pa.

Hindi na niya nagawang sumagot dahil sa hilong nararamdaman, kaya naman si Yaya Lolly na ang tumugon,

"Naku, wala naman po 'yang nakakaing panis." Sagot nito habang naghuhugas ng pinggan.

"Nakain pa nga ho 'yan ng manggang may ketchup, eh."

Nanlaki ang mga mata ni Harvey at nandiri sa pahabol na sambit ni Lolly. Mango with ketchup?

"Oh my God." Diri niyang bulong habang nakangiwi.

Kaya siguro sumakit ang tiyan ni Heavenne. Paano'y kumakain ng kung ano-anong halo ng pagkain!

"Nga po pala, ser," May nais pang idagdag si Lolly, "delay raw po siya, ilang weeks na po."

Huh.

Kumunot ang noo niya at napataas ang kilay, "What?"

Oo, ilang weeks na siyang delay. Regular naman ang dalaw niya kaya medyo nagtataka na rin siya.

Ilang minutong nanatiling tahimik si Harvey habang nakamasid sa anak niyang nakatungo sa counter. If his suspicions are right...

Diziness, throwing up, weird cravings, and delayed period

"Oh my God...."

Naranasan niya rin ito sa nanay ni Heavenne, 'no. Hindi na siya magtatanga-tangahan pa. He immediately popped the question,

"Heavenne, are you pregnant?"

─────────────

Heavenne

─────────────

Bigla akong napabangon sa pagkatungo dahil sa tinanong ni Dad ko. Tila ba nawala ang pagkahilo ko at napalitan ito ng pagkagulat.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now