THE PAST 1.0

1K 5 0
                                    

Fredrick

Isa akong anak mayaman. Di ko kailangan makipagkaibigan sa iba. Pinalaki ako upang manahin ang kompanya namin. Kaya nag-aral ako sa bahay lang. (Home school)

Hanggang sa may dumating kami na bagong katulong. At may anak siyang KAREN ang pangalan.

Ayokong makipag-kaibigan sa kanya kasi mahirap siya at anak ng katulong.

Pero sa tuwing nagkikita kami palagi niya akong nginingitian. At di ko maintindihan kung bakit di ko mapigilan ang puso ko na kabahan sa tuwing andyan siya. At Di ko mawala sa isip ang mukha niya.

Pinag-aral siya ng magulang ko. Doon ang araw na gusto ko din mag-aral kung saan siya mag-aaral.

"Sigurado ka ba Fredrick? "

"Gusto ko pong matuto na makisalamuha. Para mas maging mabuting Pinuno ako pagdating ng panahon. "

"Napakagandang plano iyan para sa kinabukasan mo anak. "

Nag-aral kami ni Karen sa Iisang paaralan. Mula Elementary hanggang Highschool.

Senior High, nang magkita sila ni Diego (Ruru's Father.)

Anak siya ng isang Board Member sa kompanya ng nga McKlien.

Pero wala akong pakealam. Mas mataas ang estado ko sa kanya.

Napilitan akong makipagkaibigan kay Diego. Hanggang sa...

"Master Fredrick, Kami na ni Diego. "

Nagulantang ako sa balita niya. Pero anong magagawa ko? Hindi ko siya pag-aari. Ni hindi nga niya alam ang nararamdaman ko.

"Anong pake ko? Kahit magpakasal kayo. Wala akong pakialam. "

At umalis ako sa harap niya. Napakuyom ang kamao ko. Nanginginig ako sa galit.

"Fredrick! Nakita mo ba si Karen? Kanina ko pa kasi siya hinahanap. Sabay kami uuwi ngayon. "

Nakikita ko pa lang ang pagmumukha niya. Nasusuklam na ako. Gusto ko siyang suntukin at tadtadin ng bala.

"Pake Ko don. "

Alam ko medyo nainis siya sa akin. Anong pakealam ko. Sa kanya.



"Fredrick! "

Alam ko na kung sino ang tumawag sa akin. Isa din siya sa anak ng maimpluwensyang negosyante.

Ang mga LEE.

"Sabay na tayo umuwi! Sabay ka na sa amin ni Kuya Brandon. "

"May driver ako, at may sasakyan. Di naman hamak na mas maganda ang sasakyan namjn sa inyo. "

Nakita kong nainis siya sa sinabi ko.

"Ouch naman. Alam ko naman yun. Sege! Pwede ako nalang sumabay sayo? "

"Hindi pwede. May sasakyan ka diba? "

"Pero mas maganda sa inyo eh. "

"Ano naman ngayin? Busy ako. At wala ako sa mood kaya baka sayo ko mabaling ang inis ko. "

Huminto siya sa paglalakad at wala akong pakealam. Galit ako. Iniwan ko siya doon at dumeretsu na sa kotse.

Ayoko sanang iwan si Karen. Pero malamang kasama niya yung bwesit na boyfriend niya.





Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now