13

2 2 0
                                    

13 - DADA


Pagkauwi ko ay may biglang tumawag sa aking cellphone. Kinuha ko iyon at sinagot. 


"Hello?" nagtaka ako ng hindi ito sumagot ngunit ilang sandali lang ay sinagot na ito.


"Hello apo!" nanghihinang bati ni lola sa akin. Ang lola ko sa U.S, gosh I miss her.


"Hi lola! How are you? I miss you lola." Hindi ko maiwasan ang mangiti ng marinig ang mahinang tawa ni lola.


"I miss you to apo. Kailan ka ba pupunta dito ng makapag bonding naman tayo bago ako mamatay." Nanghina ako sa sinabi niya ngunit tawa lang ang isinukli niya. 


"I-I will go there tomorrow." wala sa pag-iisip kong sabi sa kaniya. Tapos na ako sa pag-aaral at wala narin naman akong gagawin dito sa pilipinas. Lalo't wala na akong dahilan para manatili pa dito. Pwede ko namang ituloy ang Med School sa U.S. 


"Mabuti at napag-isipan mo ka agad ang alok ko." Tumawa si lola at bahagyang tumawa. 


"Lola-" 


"Ano yon apo?" Nangilid ang luha ko dahil sa sinabi niya kaninang 'bago pa siya mamatay'


"Don't leave me without a proper goodbye, Okay?" Lahat nalang nga mahal ko sa buhay ay iniiwan ako. Halos wala na akong makapitan kundi ang mga kaibigan.


"I can't promise that. Alam mo namang tumatanda na ako at may sakit pa sa puso." tumawa ulit siya. 


"lola!" reklamo ko. 


Nagkwentuhan kami ng ilang oras bago siya binawalan ng nurse at kailangan na niyang magpahinga.


Nakatunganga lang ako pagkatapos ng pag-uusap namin. Hindi na ako sinamahan nila Zani dahil may lakad daw sila ng pamilya niya ganoon din si Rayden, si Jack at Owen naman ay may kailangan pang gawin. Pumayag nalang ako dahil alam kong makakasagabal lang ako sa lahat ng ginagawa nila.


Imbis na magpahinga ako ay naisipan kong mag impake sa pag-alis. May passport narin naman ako at visa. Inayos ko ang mga damit at gamit sa maleta. Wala akong balak na sabihin ang pag-alis sa magulang. 


Ilang oras akong naligo pagkatapos mag ayos. Ngayon ko balak umalis. Habang walang sagabal. Walang makakaalam at walang makakapagpapigil sa akin. 


Nag grab ako papuntang airport at inasikaso ang ticket. Dalawang maleta ang dala ko at isang bag. 


Mabilis naman ang naging proseso dahil sa business seat ako nag-in. Ilang oras bago ang byahe ay nag message ako sa gc naming mag kakaibigan.


Me: 

Hi guys! sorry for leaving without saying. I just need a vacation. 


Yun lamang ang paalam na sinabi ko dahil ayaw kong malaman nila kung nasaan ako, dahil alam kong mag tatanong si Asher sa kanila. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stay With MeWhere stories live. Discover now