Chapter 1

11 1 0
                                    

"Sasama ka ba sa outing natin ngayong weekend?" Tanong ni Anshar habang tahimik ang lahat sa pag sasagot ng quiz namin sa basic calculus.

That's the most frequent question I've been asked throughout my entire friendship with them.

Tinatanggihan ko naman ito palagi pero tinatanong pa rin nila ako paulit ulit at umaasang mapapayag.

"Hindi na 'teh, video call nalang tayo 'pag dumating na kayo." Sagot ko habang nagtatype sa aking sci-cal.

Ilang beses na rin namin 'yun ginawa, minsan lang ay hindi kung mahina ang kanilang internet connection o minsan ay sa'kin.

"As in, you have no changing in the mind?" Tanong ni Jasmine, isa rin sa aking mga kaibigan habang paikot ikot lang ang paningin sa'min, naghihintay ng sagot.

"Your mind really won't change?" Correction naman ni Arc sa grammatical mistake ni Jasmine.

"Ay teh, gano'n din 'yun, ang importante ay naiintindihan." Mataray na sagot ni Jasmine dito. "Perfectionist." Bulong pa nito na halatang sinasadyang 'iparinig, at do'n nanaman nagsimula ang kanilang asaran.

"Seryoso, ayaw mo talaga sumama? maghahanda si Mommy ng spaghetti, lechon, macaroni, lumpiang shanghai, at marami pang iba, name it! Sumama ka lang." Pangungumbinsi pa ni Lorraine habang niyuyugyog ang aking balikat.

"Mag-ingat ka saki'n 'pag walang darating na pagkain tulad ng mga sinasabi mo." Arc threat her jokingly.

Mayaman ang pamilya ni Lorraine, Dela Riqueza is a well-known in the Philippines. Their family owns a chain of restaurants with branches all over the Philippines, and her mother runs a popular clothing line with stores both locally and internationally.

Kaya hindi rin makapag tataka kung bakit nagmumukhang gintong naglalakad ang aking kaibigan.

"Kung ako lang naman ang tatanungin, nangangati na rin akong sumama pero 'di talaga pwede eh." madaramdam kong pahayag.

They have known me for a long time, and I know they'll understand my current situation, my parents are both strict, which is the reason why I cannot go with them.

Lalo na sa mga overnight gala.

And that's the thing that I cannot completely understand why, kilala nila lahat ng aking mga kaibigan, pati mga magulang nila ngunit sa tingin ko'y wala silang tiwala sa mga ito.

Maybe, sa'kin sila walang tiwala?

"Kung gano'n, ililibre nalang kita ngayon!" Suhestiyon pa nito ngunit agad akong umiling.

"Wag na, 'pambili mo nalang 'yun ng one fourth." Natatawang ani ko at ipininagpatuloy ang pagsasagot.

"Maraming pera, wala namang pambili ng papel." bulong bulong ni Arc ngunit tinawanan lang niya ito at nakitawa na rin ang iba.

"Three minutes left!" Paalala ni Sir Marlou sa oras na siya namang dumagdag sa pressure namin, kaya sabay sabay nagreklamo ang aking kaklase.

"Hoy Auri, pa picture ng sagot mo." Ani Jasmine sa mahinang tinig, binigay pa ang cellphone sa ilalim ng mesa.

"Bilisan mo..." kinakabahang aniya. Paanong 'di kakabahan, ilang minuto nalang at pasahan na at ngayon pa siya magsisimula? Sobrang haba pa naman ng mga sagot.

***

"Babasahin ko lang 'to?" Tanong ng isa sa groupmate ko habang 'tinuturo sa laptop ang part na kanyang i-present bukas.

"Oo, pero kailangan mo talagang maintindihan ang kabuuan ng iyong i-present, dahil malay mo ikaw pala tanungin." Panakot ko pa rito at kitang-kita ang agarang pagbago ng kanyang expression.

Shattered BeautyWhere stories live. Discover now