𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐒𝐈𝐗

2K 64 8
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐒𝐈𝐗
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


Nailibing na si Luna. Si Alpha ay isinama ng mga magulang ni Pablo, dahil ayaw nitong tumira dito sa bahay dahil naalala daw nito lagi si Luna at mas lalo siyang nasasaktan. Ang mga magulang ko ay gusto akong samahan dito sa bahay pero sinabi ko sa kanilang okay lang ako kahit ang totoo'y may mga pagkakataong gusto ko ng sumunod kay Luna. Si Pablo, hindi pa kami nag-uusap simula noong araw na nawala si Luna. Ilang beses niya ako sinubukang kausapin pero hindi ko siya magawang harapin. Kahit sa lamay ni Luna ay hindi ko magawang tingnan siya. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay mas lalo lang akong nasasaktan dahil nakikita ko siyang nasasaktan sa pagkawala ni Luna. Wala akong ibang sinisi kundi sarili ko lang. Ako lang, kasi kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kung naging responsible lang akong ina sa mga anak ko ay hindi ito mangyayari.

Bumalik na sa trabaho si Pablo, minsan ay hindi siya umuuwi minsan naman ay madaling araw na. Sa kwarto siya ni Luna natutulog habang ako ay sa kwarto namin, lagi ko siyang naririnig na humahagulgol habang sinasambit ang pangalan ni Luna. Parang nilalakumos ang puso ko sa tuwing naririnig ang iyak niya.

Si Chavah, isang araw lang siyang nakapunta sa burol dahil hindi siya pwedeng maglakad nang maglakad dahil pinayohan siya ng doctor niyang mag-bedrest dahil masilan ang pagbubuntis niya. Grabe ang naging pag-iyak niya kailangan pa siyang patahanin ng asawa niya dahil makakasama sa baby sa tiyan niya. Nangako siyang gagawin ang lahat para mahanap ang nakasagasa kay Luna.

Na hit-and-ran si Luna, at sa lugar kung saan siya nabangga ay walang CCTV cameras. Kaya nahihirapan ang mga Pulis na tukuyin kung sino ang walang awang driver ang nakabangga sa kanya.

Kumuha na sina Tito Stell and Tatay ng imbestigator upang makatulong sa paghahanap kung sino ang nakabangga kay Luna, maging ang pamilya ni Pablo ay tumulong na rin.

“Ma'am, may bisita po,” katok ng katulong ang nagpaayos sa akin ng upo. “Gusto daw po kayong makausap,” dagdag pa nito.

Tumayo naman ako at tamad na naglakad palapit sa pintuan. Binuksan ko ang iyon at bumungad sa akin si Cassey ang halos kaedad ko lang na kasambahay. Sa lahat ng kasambahay ni Pablo ay siya iyong hindi ko gusto ang aura, siguro dahil sa lahat ng kasambahay ay ito ang parang misteryeso, hindi rin ito palangiti tulad ng iba.

“Sino daw?” tanong ko. Umiling lang siya.

“Hindi ko alam,” tugon niya.

“Sige baba na ako,” saad ko. Tumango naman siya at tumalikod na. Pagbaba ko ay isang babaeng nakatalikod ang nakita ko, kausap nito si Cassey. Nagsalubong ang kilay ko nang tila nakita ko ang pangisi nito. At nang lumingon siya sa akin ay nawalan ng emosyon ang mukha nito.

Lumingon sa akin ang babaeng kausap ni Cassey, ngumisi ito nang makita ako. “You look shit, Kendra.” saad nito habang baba-taas akong tiningnan na para bang ang pangit-pangit ko sa paningin niya.

“Cassandra...”

Nalakumos ko ang gilid ng damit ko nang babggitin ko ang pangalan niya.

“No wonder, nagmamakaawa na si Pablong balikan ko, look at you kung hindi ko lang alam na mas bata ka sa akin ay iisipin kong sampung taon ang tanda mo sa akin,” dagdag niya na nagpaawang ng labi ko. “Pablo, was with me last night... and we had a good fucking. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Ang galing pa rin niya sa kama, halos ayaw akong tigilan...” nakangising saad niya pero malandi ang tunog ng pagkakasabi niya.

Nakagat ko ang labi ko, pinipigil ko ang hikbing gustong kumawala. Nag-iinit ang mga mata ko at parang dinudurog ang puso ko sa mga sinasabi niya. Pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko, dahil baka hindi totoo ang mga sinasabi niya. Hindi ako magagawang lukuhin ni Pablo. He loves me. Nasasaktan lang kami ngayon sa pagkawala ni Luna pero alam kong mahal niya ako... mahal niya ako. At hindi niya magagawang magloko.

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon