"Alam mo he's so different kasi talaga like hindi tulad ni Aries ako pa ang dapat mag first move" Kwento ko sa best friend ko while we were walking going to our classroom.
"Oo nga hindi ko rin gets yung Aries na 'yon eh nanliligaw daw pero hindi naman nag fifirst move kung hindi mo uunahan, anyways if you find him good then why not try to hang out with him diba"
I agree on what she said besides i really find him interesting and different. Nasa room na kami and thank goodness wala pang teacher! buti nalang medyo late na din kasi kami eh as usual nothing's new.
"Hi Eiera, Hi Jiana"
"Hi girls"
"Yow Eiera, Jia!"
"Good morning classmates"
We just smiled to them then umupo na kami sa upuan namin at ayon! buti nalang talaga nauna kami sa teaher namin na'to strict pa naman 'to.
Time had passed and viola! lunch break na and we have 3 hours vacant hmm, I opened my phone chat nya agad ang bumungad.
Future Seaman⚓
Tara lunch, my treat
What time out nyo?
Free ka ba this lunch?I don't know why but i just found myself smiling while reading his messages!
"Huyy! salita ako ng salita tapos hindi ka naman pala nakikini---" nagulat ako dahil biglang inagaw ng best friend ko ang phone ko!
"Ibalik mo!"
"Wait babasahin ko muna wag kang magulo!"
Napabuntong hininga nalang ako saka umupo sa may hallway bench, tsk wala talaga akong kawala sa kanya.
"Kyaaaaaaaaaah!!!!" kinabahan ako dahil bigla syang tumili at nagtatatalon kingina.
"Nakakagulat ka naman!" singhal ko saka sya umupo sa tabi ko.
"Pumayag kana bestie dali"
Tinignan ko sya really? bakit parang hindi na sya ang best friend ko huhu.
"Pinapamigay mo na ba ako? ayaw mo na akong kasamang kumain?" at ayon bigla ba naman akong binatukan lintek!
"Ang OA mo! dalawa tayo syempre i won't allow you na pumuntang mag-isa mahirap na" i smiled kahit gaganto ganto 'tong best friend ko i love her kasi she's always like this protective and caring.
"Ayon! akala ko papamigay mo na ako eh"
Ending nireplayan ko na sya at pumayag na ako pero syempre sinabi kong isasama ko ang best friend ko at buti naman okay lang sa kanya dahil kung hindi eeeenkkkk ekis hahahahaha!