CHAPTER 8

1 0 0
                                    

“Yung kanina ba is it your friends?” hindi naman sa pangengealam gusto ko lang malaman.

“Ah, oo mga kaibigan at batch mates ko sila bakit?” napatango tango nalang ako at saka pinilit na ngumiti.

“Wala naman natanong ko lang by the way anong oras ka ba babalik sa school?” tanong ko nalang kahit ang totoo ay alam kong wala naman na silang klase ngayong hapon.

“Sabi nila wala na daw kaming klase ngayong hapon

“Aww okii so uwi kana nyan?” tanong ko ulit para hindi nya mahalatang umiba ang mood ko as much as possible ayaw kong mahalata nya kasi baka mamaya inaasar lang pala sya diba i don't want to judge him.

“Kung uuwi kana edi uwi na rin ako” natatawang sagot nya kaya natawa rin ako again ng pilit.

Dadaan pa akong Fort Pilar sama ka?” alok ko ayaw kong maging rude maybe tapusin ko 'tong araw na okay kami and saka ko sya tatanungin or much better na i will just distance my self nalang for my own good.

“Sure gusto ko ding pumunta eh matagal tagal na rin nung huli akong pumunta

Pagkarating sa Fort Pilar, dumaan muna kami sa bilihan ng mga kandila syempre hinahanap ko yung tindahan ni lola kung saan kami laging bimibili ni Eiera ng kandila anyways malapit lang 'to sa school namin kaya madalas kami ni Eiera dito tuwing uwian.

“Dito tayo bumili, lola pabili po dalawa kukuha na sana ako ng pera napahinto ako dahil ngayon ko lang napansin na hawak hawak ko pala ang kamay nya omjii! kahiya ka Jiana huhu agad akong napabitaw.

“A-Ah eh pasensya kana hindi ko sinasadya nakayukong sabi ko hiyang hiya talaga ako ano ba yan.

“Okay lang no worries” tinignan ko sya at nakangiti sya!

Agad ko syang niyayang pumasok at unang una syempre nag sign of the cross kami pagka pasok at dumiretso don sa may malaking cross para mag dasal at daanan ang mga santo.

Madalas ba kayo dito ng best friend mo?” tanong nya nang makaupo kami sa upuan dito sa loob napagpasyahan naming tumambay muna saglit.

Oo sa labas lang 'to ng school namin eh at saka gumagaan talaga ang pakiramdam namin ni Eiera pag dumadaan kami dito”

“Hmm sabagay nga naman” ngumiti nalang din ako at tumango.

“Anong hiniling mo nung nag hulog ka ng coin sa tubig?” curious kong tanong.

“Good health lalo sa parents ko at yung iba ay hindi ko na pwedeng sabihin hahahaha” tinawanan ko nalang okay baka personal na yung ibang wish nya.

“We're the same i always wish good health for my family and guidance”

“Mukha kang maldita pero ang genuine at soft mo pala talaga hindi ko na naman napigilang tumawa kahit papaano totoo ang naging tawa ko sa sinabi nya kasi halos lahat ganyan din sinasabi sa akin eh.

Ano ka ba maldita talaga ako kahit tanungin mo si Eiera pero pag nasa katwiran lang naman” he laughed at what I've said saka tumango.

Ayos lang yan at least hindi yung tulad sa iba na basta basta nalang nag aattitude diba”

“Nako allergic talaga ako sa ganoong klaseng tao kasi mga ganoong tao talaga nag tuturn on ng kamalditahan ko!” sabi ko he looked at his phone.

“Tara dinner na tayo 6 pm na pala” tinignan ko naman ang orasan sa phone ko at oo nga 6 pm na.

Sa Paseo tayo mag didinner?”

“Sige marami namang masasarap na kainan doon”

We ate our dinner sa Mano Mano sa Paseo at talked some random things after dinner and bumili ng Nicker Backer pampaalis ng umay sa kinain namin, ang gaan nyang kasama i feel comfortable with him pero hindi ko maalis sa isipan ko ang mga narinig ko kanina there's so many what if's and doubt.

“Thank you nga pala for treating me dinner” i sincerely said he smiled.

“You're always welcome Jiana

Nga pala before i forgot” kinuha ko sa plastic yung perfume na binili ko kanina. “Your perfume” agad nya namang kinuha.

“Thank you for this Jia tumango lang ako.

Nasa iisang jeep kami dahil dadaanan naman ng jeep yung barangay kung saan ako nakatira, nang malapit na ako kumuha nako ng pera sa bag ko.

“Ako na Jia sabi nya sakin.

“No ako na, you already pay for our dinner Josh”

“It's fine ako na” wala na akong nagawa dahil malapit na talaga akong bababa.

“Josh dito lang ako” agad naman syang tumuktok bago bumaba tinignan ko muna sya at ngumiti ng tipid. “Thank you and take care” at bumaba na ako tinanaw ko pa sya at nginitian nya ako bago umalis ang jeep.

Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba o iiwasan ko na sya o ikokomprontahin para matapos na hays i don't know!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIS BEAUTIFUL KARMAWhere stories live. Discover now