Chapter 24: Are you sure?

141K 5.3K 593
                                    

"O? Anong ginagawa mo dito?"

Itinaas niya ang box ng pizza na hawak niya at ipinamukha pa sa akin.

"Hindi ba halata?"

"Thoughtful ka na? Gano'n?"

"Asa. Sab asked me to bring some food."

Oh. Of course. Si Ate Sab nga pala. 'Yong bestfriend niya at taong gusto niya. Bakit hindi ko naisip 'yon? Ash talaga, common sense na lang minsan o.

Umusad akong kaunti para makadaan siya at makapasok. Inilagay niya ang box ng pizza sa may dining.

"Where are they?"

Itinuro ko 'yong hagdan at saka binuksan ang box ng pizza para kumuha. "Puntahan mo na lang sila doon. Allowed ka naman malamang do'n."

"Nah, I'm good." Umupo siya sa tapat ko at kumuha rin ng pizza. "Unfair naman siguro kung hindi ako makakakain ng binili ko." He has a point. Sayang, susuwayin ko palang naman sana siya. "Phoenix told me what happened?"

Napahinto ako sa pagkain ng pizza ko nang marinig ang sinabi niya. Sinabi ni Phoenix?

"Well, yeah. Sinabi nga niya sa akin – "

"Are they doing okay? Ah. Of course they're not. Do you think they'll be okay?"

"Ha?"

"You're their best friend. Siguro alam mo kung magkakabalikan sila o hindi."

Oh. Yeah. About kila Marga and Rocco. Ayon nga naman ang sinabi ni Phoenix. Ano bang ineexpect ko? Na ipagkalat ni Phoenix na umamin siya sa akin? That's absurd, Ash. That's so absurd.

"Siguro. Choice pa rin naman nila kung magbabalikan pa sila o hindi na. Sana lang magkabalikan sila kasi nakakapanghinayang 'di ba? Two years na sila tapos best friends turned to lovers din. Parang sayang na 'yong oras, sayang pa 'yong naging friendship na itinaya nila para lang maging sila."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Malamang naisip niya na may point ako. I know my point ako. Ako pa!

"Do you think that's how it works?"

"Ha?"

"Tingin mo ba dapat ituloy ang isang relationship dahil lang sa nanghihinayang ka sa oras o sa kung ano man? Kapag pinilit, hindi ba parang mas masisira lang? Parang mas nakakapanghinayang?"

"Matagal na sila, Jaydee. Hindi naman dapat itapon na lang 'yong kung ano man ang meron sila 'di ba? Isa pa, hindi gano'n kadali mawala ang feelings nila for each other."

"It's still possible. Hindi basehan ang tagal ng relasyon nila para makasigurado na hindi na nga mawawala 'yong nararamdaman nila sa isa't isa. Kung 'yong ibang tao nga na mas matagal na 'yong nararamdaman para sa isa pang tao kayang makalimot. Hindi rin imposible sa kanila 'yon."

"Wow, ha. Coming from someone na hindi pa maka-get over sa unrequited love niya for how many years. Parang hindi ko tuloy magawang maniwala," biro ko sa kaniya at saka kumain na lang ulit.

Tahimik lang kaming kumakain for a minute or two hanggang sa magsalita siya.

"Are you sure I'm not yet over her? How'd you know?"

Sa sobrang seryoso ng boses niya, nagmukha akong tanga na dahan dahan tumingin sa kaniya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa gilid.

"Bakit? Are – "

"Hoy! Ano 'yan? Bakit sinosolo niyo 'yong pizza?"

Hindi ko na natuloy ang itatanong ko kung kay Jaydee nang biglang bumababa sila Ate Zoe.

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon