Prologue

861K 13.4K 4K
                                    

 Kapag pala nasaksihan mo ang pag-usbong ng lovestory ng mga tao sa paligid mo, parang tataas ang standards mo sa gusto mong mangyari sa lovestory mo.

Pwede yung eksenang nalove at first sight siya sa akin kaya lang hindi niya sasabihin kasi torpe siya. Ako naman, manhid. Pahirapan sa una pero sa huli, kami pa rin.

Pwede rin naman yung tipong playboy siya tapos ako takot na magmahal. Tutulungan niya akong magmahal tapos babaguhin ko siya kaya sa huli, kami pa rin.

Pwede rin yung magkaaway kami sa una. As in bangayan dito. Balibagan doon. Tapos marerealize na lang namin na mahal namin ang isa't isa kaya pagdating sa huli, kami pa rin.

Pwede rin yung maiinlove sya sa akin kahit hindi niya pa ako nakikita. Tapos hahanapin niya ako. Kapag naman nahanap niya ko, hindi niya muna ako makukuha pero kapag nakarating sa huli, kami pa rin.

Pwede rin yung ayaw ko sa kanya pero ipipilit niya ang sarili niya sa akin kaya magkakagusto na rin ako sa kanya. Tapos sa huli, kami pa rin.

Marami pa akong eksenang naiisip e. Pwedeng magbestfriend kami tapos nagkainlove-an. O kaya artista siya tapos magkakagusto sya sa normal na taong katulad ko. O di kaya, iseset-up kami ng magulang namin para magpakasal alang-alang sa business kaya magkakadevelopan kami. At sa bandang huli? Syempre kami pa rin.

Ayos na e. Marami na kong naisip na posibleng eksena. Mga posibleng sitwasyon at posibleng problema. Kaya lang may kulang pa e. Wala pa yung leading man ng lovestory ko. Kaya please lang..

IHANAP NIYO KO NG TAONG MAMAHALIN.

Lahat ng tao sa paligid ko masaya kasama yung kaniya-kaniya nilang boyfriend/girlfriend tapos ako ano? Eto nag-iimagine lang ng mga bagay na gusto kong mangyari. Hanggang pag-iimagine na lang ba ang drama ko sa buhay?

Unfair! Ang saya saya nila sa buhay buhay nila tapos ako nganga lang. Hindi naman makatarungan yan.

Kung paghahanap lang ng boyfriend, madali yan. Hila lang ako sa tabi tabi may boyfriend na ako. Ang mahirap lang ay yung makahanap ako ng taong kaya kong mahalin at kayang magmahal sakin.

Pesteng puso naman kasi 'to e. Napakachoosy. Ayaw pa tumibok tibok para sa isang tao. Nahihirapan tuloy ako magpagana ng isang relasyon.

Sa ngayon isa lang naman ang sinisigaw ng choosy kong heart e. Ano yun? Edi..

"WANTED: Someone to love." 

***

Dali sa request niyo yan, ayan na. Side story ng Teen Clash. Lovestory ng pinakamakulit na kapatid ni Ice Scott na si Ashley. :)

Coming Soon.

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now