"Ang Aming Pagtatagpo"

8.2K 271 10
                                    

Kinabukasan ay di lumabas si Elena ng kanilang bahay. Naroon lamang sya sa kanyang kwarto at kinakausap ang mga alaga niya.

Naririnig nyang mula sa labas ay nag uusap ang ina ng kanilang kapitbahay at ang kanyang inay. Ang sabi ng kapitbahay ay ibabalik daw ang kalahati ng hiniram na pera dahil di na daw sila luluwas ng Maynila dahil umayos na raw ang pakiramdam ni Junjun. At ang mga sugat daw nito ay biglang nawala ang pamamaga pati na rin daw ang mga itlog ng langaw na maya maya nila nakikita. Kumain na rin daw ang bata ng marami.

Sadyang may mga bagay talaga na di kaya ng syensya at bukod tanging paniniwala lamang minsan ang makakasagip.

Pagtapos ng usapan ay pumasok ang kanyang ina sa kanyang kwarto at..

"Maayos na daw si Junjun.."

Ang sabi nito kay Elena.

Tumingin lang si Elena sa kanyang ina at di naman kumibo.

"Mamayang gabi ay pupunta dito ang dalagang nagpagawa nyan..at ipatitigil na daw nya yan..taga kabilang baryo lang pala ang dalagang yun.."

"Narinig daw kasi ng dalaga na hinahanap ng mga magulang ng babae ng taong maaring gumamot dito dahil alam nila na binabarang ang kanilang anak.."

Ang kwento ng kanyang ina.

Nagmistulang walang pakialam si Elena sa mga ikinuwento ng kanyang ina. Patuloy lang sya sa paglalaro ng kanyang mga alaga.

"Umpisahan mo na ang pagbawi dyan Elena.."

Di kumibo si Elena at ngumisi lamang.

"Elena!"

Ang sigaw ng kanyang ina. Ngunit nanatiling tahimik si Elena at..

"Nagsindi ka na naman ng kandila?? Di ba sinabing pahirapan lang at di papatayin??"

"Inuubos mo ang buhay ng ama mo sa ginagawa mong yan!"

Tumigil si Elena sa kanyang ginagawa at..

"Ako na lamang po ang gagawa inay..sabihin nyo lang po sa akin kung paano?"

Di kumibo ang kanyang ina at lumabas na lamang ito bigla ng kanyang kwarto.

"Itinuro nyo po sa akin..dahil gusto kong maubos ang buhay ko.."

Bulong ni Elena sa kanyang sarili.

At muli nya lang ipinagpatuloy ang pakikipaglaro sa kanyang mga alaga.

***

Samantalang sa bahay naman ni Andrea-

"Tao po! Tao po!!"

Ang tawag ng isang matandang babae at lalake.

Napansin agad sila ni Andrea dahila nasa halamanan lamang ito. Nilapitan nya agad ang mga ito at kinausap.

"Anu po yun? Anu pong kelangan nyo?"

Ang tanong ni Andrea. At..

"Dito po ba yung manggagamot? Taga kabilang baryo po kami.."

Alam agad ni Andrea na may problema ang mga ito.

Pinatuloy nya ang matandang mag asawa sa kanyang bahay gamutan na dating gamit ng kanyang lola.

"Anu pong nangyare?"

Ang tanong nya.

Ipinakita ng matandang babae ang litrato ng kanyang anak. At ang babae sa litrato ay walang iba kundi ang dalagang ipinabarang kina Elena.

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon