"Ang Hindi Sadyang Pagkakataon"

8.2K 255 11
                                    

Andrea's POV-

Nabawi ko na ang kaluluwa ng dalaga sa kanyang kamatayan. Ngunit ang sabi ko sa kanila ay humingi sya ng tawad sa dalagang nasaktan nya ang damdamin. Kung tutuusin para sa akin ay tama lang ang ginawa ng babae na saktan ang dalaga dahil sa kagalit galit namang talaga ang ginawa nya,ngunit sana ay sa di naman ganun kalalang gawa.

Di ko talaga dapat pasukin ang mga ganun ngunit di ako maaring tumanggi sa nangangailangan ng aking tulong. At para sa batang mambabarang naman ay gusto kong humingi ng tawad dahil sa alam kong nasaktan ko sya at ang damdamin nya ngunit di ako maaring magpakilala sa kanya. Mas mabuting di nya malaman kung sino ang makakalaban nya. Dahil sigurado naman akong di ito ang huli. Mayroong susunod at susunod pa. Di ko nga lang alam kung ako pa rin ba ang makakaharap nya.

Ngunit..

Humihingi pa rin ako ng tawad sa kanya. Naaawa ako sa kanya dahil sa murang edad nya na yun ay namulat na sya sa ganung gawain.

Kahabag habag.

Pinauwi ko na ang dalaga at ibinigay ko sa kanya ang puting kandila ng buhay nya. At ang sabi ko sa kanya ay ingatan nya yun. Kapag minsang nakaramdam sya ng kakaiba ay sindihan nya lamang yun at kusang ipakikita nun sa kanya ang nangyayari sa kanya. Ngunit ang bilin ko rin sa kanya ay wag lamang basta sindihan,dahil mauubos yun kapag nagkamali sya,at kapag naubos na yun..mawawalan na sya ng panangga.

At ang mga bitak sa kanyang balat naman kalaunan ay parang magdadahilan lamang. Di nya mapapansin na mawawala na lamang ito ngunit kahit paano ay mag iiwan ng marka ng kasalanan nya.

Natatandaan ko pa ang sabi sa akin ng lola na mas mabilis daw ang epekto ng mga bulong kung totoong nakagawa ka ng kasalanan sa isang tao. Dahil ang matinding galit daw na ito ang magsisilbing kalaban mo. Kung kaya at ganun na lang kabilis ang epekto nito sa dalaga,dahil maging sya ay may kasalanan talaga.

Kaya ayoko din minsan maranasan ang pag ibig. Dahil mas masakit pa ito sa galit.

Kasalukuyang nakahinto angt mundo ko ng biglang maalala ko na ang apo pala ni lolo Aldo ay ipinahihilot nya sa akin.

Kailangan ko nga palang pumunta sa bayan ngayon dahil dun. Di ko maaring tanggihan si lolo Aldo dahil napakabuti nito sa akin. Ang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya ay walang hanggan dahil sa sila ng kanyang pamilya ang tumulong sa amin sa pag ayos ng mga bangkay ng mga dayo nun..

Kung inyo pang natatandaan?

Gagayak na muna ako at ng makaalis na.

***

Kagagaling lang ni Andrea sa bahay ni tandang Aldo. Naglakad lakad muna sya sa pamilihan upang magpalipas ng oras dahil maaga pa naman.

Paggawi nya sa tindahang malapit sa paaralan ay nakita nya na naman ang batang mahaba ang buhok.

At yun ay walang iba kundi si Elena.

Minadali nya ang paglakad upang maabutan nya ito dahil ito ay naglalakad sa direksyon paliko na papuntang bundok.

Nagmadali pa sya. Mabuti na lang at huminto ang bata sa may bakod ng paaralan at tumatanaw tanaw dun.

Agad nya itong nilapitan. Alam nyang di sya makikilala nito kung kaya at malakas ang loob nyang kausapin si Elena.

Dahan dahan syang lumapit kay Elena na nakatingalang nakadungaw sa bakal na bakod ng paaralan.

Kinalabit nya ito at..

"Sinong dinudungaw mo dyan ne?"

Ang marahang tanong ni Andrea.

Pagharap ni Elena ay halata mong nagulat sya kay Andrea.

"May pasok ngayon ah! Bakit di ka pumasok?"

Nanatiling nakatingin si Elena sa kanya.

Alam ni Andrea na parang kinikilala ng bata ang boses nya dahil tahimik lang ito at nakikinig.

"Bakit di ka sumagot ne? Pinakikinggan mo lang ba ang boses ko?"

Lumaki ang mga mata ni Elena at biglang napaatras.

Alam ni Andrea na nakilala na ng bata ang boses nya dahil sa nakita nya ang gulat na reaksyon nito,pati na rin ang kulay ng mukha nya ay nag iba.

Namutlang bigla si Elena. At kasabay ng reaksyon nya ay ang mabilis nyang pagtakbo,pipigilan sana sya ni Andrea ngunit sadyang mailap ang bata.

Ngunit nahawakan ni Andrea ang dulo ng buhok ni Elena. Sa sobrang bilis ng bata ay nahablot ito ni Andrea dahilan upang maputol at maiwan sa mga kamay nya ang buhok ni Elena.

Napatingin si Andrea kay Elena na napakabilis na namang nawala. Tiningnan nya ang mga buhok sa kanyang kamay at lumakad sya unti unti pabalik sa direksyon ng kanyang bahay.

Hinihibla nya pa ang mga buhok ng may biglang bumanggang batang lalaki sa kanya.

"Ay!"

Ang sigaw ni Andrea dahil halos matumba sya sa sobrang pagkakabangga sa kanya ng batang lalake. At lumingon pa muna ito bago tumakbo ulet.

Nagulat sya ng matitigan nya ang bata,dahil nakakita sya ng imahe ng isang lalakeng galit dito.

Pagtingin nya sa kamay nya ay wala na ang mga buhok. Nagtaka sya dahil napakabilis ng mga pangyayari.

Sa kanyang pagtataka ay hinanap nya ng tingin ang batang lalaki. Alam nya na di taga rito ang batang yun.

Pinagpag nya na lamang ang kanyang damit at..

"Napaka walang ingat na bata..sinu kaya ang lalaking yun?"

Nagtatakang tanong nya sa kanyang sarili.

Itutuloy..

June_Thirteen

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Where stories live. Discover now