Chapter One

4.3K 90 5
                                    

**ATTENTION: I DON'T PLAN TO EDIT MY WORKS SO BEAR WITH THE GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS.

**THIS COVER IS MADE BY YUME_BLACKDREAM OF LIPSTICK GRAPHIC SHOP. THANK YOU SISSY FOR THE EFFORT. :)



"KUYA Franco, nandito na iyong magmo-model para sa painting mo." Bungad ni Isay, ang pinsang babae at siya ring tumutulong sa kanya sa malaki at lumang Villa na ito nang kanyang yumaong mga Abuelos.

Villa Alejandro is just one of the few Hispanic mansions left in this town which considered as a World Heritage Site where its structures remained intact. Franco did not bother himself to change anything in the Villa when he inherited it upon the passing of her grandparents. He in fact preferred its old structures and decided to stay for months to do his paintings as his distraction.

Painting is just his hobby but he's making hundreds of thousands in his every piece. People in high society consider him as one of the sought artists not only in the Philippines; even other countries want his paintings. But even so, he does not need to struggle to paint just to make ends meet; he was born with a silver spoon in his mouth and even inherited all his parents and grandparents wealth and riches that would last him for a lifetime.

"Kuya?" ulit ni Isay.

Subalit hindi pa rin inaalis ni Franco ang paningin sa blangkong portrait na ilang oras na nitong tinititigan magmula pa kagabi. Ni hindi na naman yata ito natulog kagabi dahil hindi matahimik ang isip, damdamin at katawan nito.

Napailing na lang si Isay, sanay na rin kasi siya sa ugali ng pinsan na ilang taon ang tanda sa kanya. Nasa college na siya at dito sa Vigan University pumapasok sa kursong Hotel and Business Management.

Though may mga katulong naman dito sa Villa, medyo takot ang mga ito sa pinsan at siya lang ang may lakas ng loob na lapitan at kumausap dito dahil sa pabago-bago nito ng mood. Ganoon nga siguro ang mga artist, may sariling mga mundo na ang hirap pasukin at intindihin.

Pagkuwa'y nagulat siya nang bigla itong tumayo at saka marahas na kinuha ang canvas sa easel at ibinalibag sa sementadong sahig. Medyo napaatras siya at napabuntung-hininga habang nakatitig sa easel na nawasak. Ang mamahal pa naman ng mga iyon, hindi basta-basta ang presyo.

Kaya takot ang mga kasamahan nila rito sa pinsan, nakakatakot kasi talaga ang mood swings nito.

"Isay, what are you doing here?" malalim, mahina subalit nakaka-intimidate na nakakunot ang noong pansin sa kanya.

Natigilan siya sa pagsagot ng mapagmasdan ang itsura nito. Gusto niyang mangiti pero nagpigil siya. Puro pintura ang mukha nito nang kulay pula at asul, subalit hindi nabawas ang karungisan na iyon sa gwapo at matikas nitong itsura.

Nakapusod ang mahaba at medyo wavy nitong buhok. Puno na rin ang pisngi at baba nito nang katutubong mga balbas at bigote. Magkasalubong ang makakapal na mga kilay na lalong bumagay sa maiitim at malalim nitong mga mata. Ang panga nito na matikas ay katamtamang humubog sa mukha nitong matapang at masungit na laging nakakakitaan ng ka-arogantehan at walang pakialam na pag-uugali.

Dahil may lahi silang Kastila, matangos din ang ilong nito na lalo namang nagpatingkad sa angkin nitong kakisigan, ganoon din ang labing may kakapalan at animo hindi susuko sa labanan kung halikan ang pag-uusapan.

Kinastigo niya ang sarili sa tinatakbo ng isip. Iyon kasi ang lagging puna ng kanyang mga kaibigan sa pinsan, nahawa tuloy siya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Medyo napaatras uli siya nang tumayo ito mula sa kinauupuang stool at nilapitan siya.

Bakit ba hindi siya biniyayaan ng tangkad katulad nito? Kung ito ay lampas anim na talampakan ang tangkad, siya naman ay mapalad ng nakaabot ng lima.

Men In Love 2: His Wife's SecretWhere stories live. Discover now