Chapter Two

3K 61 2
                                    

ATTENTION: RAW AND UNEDITED. EXPECT ERRORS AND TYPOS. CLICK THE EXTERNAL LINK FOR THE FACEBOOK PAGE OF MY STORIES FOR THOSE WHO ARE INTERESTED. THANKS.

NAPAIMPIT ng sigaw ang babae nang haplusin ni Franco ang tagiliran nito. Napangiti siya sa isiping makilitiin ang babae kaya lalo niyang sinadya na tudyuin ito at napatili na ito.

Binitiwan niya itong humahalakhak, tuwang-tuwa sa reaksiyon nitong nagtatatalon sa kiliti. Nasa mukha nito ang pagka-irita at pagkalito, na tila ba binabasa ang kanyang isip.

"Sorry, natutuwa lang ako sa'yo," nakangiti pa rin niyang sabi kahit gusto ng umusok ng ilong nito sa namumuong galit sa katawan.

Ang cute pa rin nitong tingnan kahit lumalaki na ang butas ng ilong nito, gayundin ang maluha-luhang mga matang itim na tumerno sa itim nitong buhok. Bumakas na rin ang pamumula ng mukha nito, sanhi ng nadaramang hiya sa itsurang ipinakita sa kanya. Lalo siyang napahagalpak ng tawa sa naisip.

***

At dahil sa inis, nagmartsa sa likod ng divider si Mira saka marahas na hinablot ang mga damit na nakasabit doon, at dahil marahas, sumama ang ituktok ng divider sa paghablot niya ng damit at saka iyon natumba sa kanya, padagan. Dinig niya ang sarili sa malakas na tili.

By instinct, itinaas niya sa ere ang magkabilang paa at iniharang sa papadagan na divider para iyon pigilan sa pagdagan sa kaniyang katawan, gayundin ang mga kamay. Nagpasalamat siya dahil napigilan nga niya iyon subalit natigilan at lalong nainis nang mapansin ang flash ng camera na kumukuha sa kanya.

Hawak-hawak ni Franco ang isang Nikon camera at panay ang pindot nito roon para kunan siya sa ganoong ayos, nakangiti pa at tila tuwang-tuwa. Lalo siyang nahiya sa sarili. "Ano ba! Hindi mo man lang ba ako tutulungan dito? Ang bigat din kaya nito kaya kung puwede pakitulungan akong itayo ito." Halos patili at galit niyang sabi.

"Wait! Hold that position, don't move an inch," sabay pindot uli.

Oh God, kung puwede lang pumatay, papatay na ako ngayon din! Sigaw niya sa sarili. To think na baliw pala ang Franco Alejandro na ito. Heto nga't hubot hubad na ako at naaksidente pero picture at painting pa rin ang inaatupag nito, ang sarap kalmutin sa mukha! Galit na angal pa niya sa sarili.

"Are you alright? Here, I'll help you up," offer nito sa kamay nang magsawa na siguro sa kapipindot ng camera.

"Salamat ha?" sarkastiko niyang sagot.

"You're strong, in contrast to your tiny body," nguso nito sa kanyang kahubdan.

"Oo naman, baka nga ma-straight cut pa kita at ng ma-knock out ka eh!" angil niya habang nagbibihis.

Tumawa ito na lalo niyang ikinainis. "Hindi kasali sa sinabi ni Ms. Cecil na baliw ka pala!"

"Huh? Me? Baliw?" tawa pa nitong lalo, "I get that a lot, you're not the first one who told me that."

"I quit!" balibag niya sa manipis na telang balabal sa mukha nito.

"No, you're not quitting on me," biglang nagseryoso ang mukha nito.

Ngayon ay siya naman ang tila natutuwa sa reaksiyon nito. "Yes I am. Hindi ako papayag na magmodelo sa isang baliw na katulad mo. Baka mamatay pa ako ng 'di oras dito." At saka niya hinablot ang bag na nasa mesa.

"Hey, I already paid for your service," bumakas sa mukha nito ang pagkabahala at lalo siyang natuwa.

"Well, I am cancelling it. Ibabalik ko ang paunang bayad since wala pa naman akong nagagamit. Goodbye, Mr. Baliw!" at saka niya bubuksan sana ang pinto para umalis na subalit natigilan nang muli niyang marinig ang malakas nitong halakhak.

Men In Love 2: His Wife's SecretWhere stories live. Discover now