Chapter 2
Jamie's POV
Naramdaman kong may yumu-yugyog sakin pero di ko pinapansin. Psh, si Jill lang naman yung pwedeng manggulo sakin.
"Hoy Jamie! Tumayo ka na dyan!" Sigaw niya sakin.
"5 minutes, Jill!" Sabi ko sabay taklob ng kumot.
"Jamie pag hindi ka pa tumayo dyan sasabihin ko kay Joshu--" Agad naman akong napatayo bago pa siya matapos sa sasabihin niya.
Btw, alam ni Jill yung tungkol dun, actually siya nga yung una kong sinabihan.
"What do you want ba kasi Jillian?" Tanong ko habang nagkukusot ng mata.
"Hindi naman kasi ako yung may kailangan sayo..." Hinila niya ko papunta sa banyo. "Sige na maligo ka muna bago ka bumaba para naman hindi nakakahiya sa bisita mo." Nginitian niya ko. "And girl ang pogi nung vi-suitor mo. Yiee." Sabi niya pa saka sinara niya yung pinto ng banyo.
Sino naman kaya yun?
Pagkatapos kong naligo ay nag-uniform na ko. Sinuklay ko saglit yung buhok ko at bumaba na ko.
Nasa hagdan palang ako naririnig ko na yung tawa ni Jill. Ano naman kaya pinasasabi non?
Pagdating na pagdating ko sa living room ay napansin agad ako ni Luke.
Yeah siya yung bisita ko daw. Ano nanaman bang trip niya?
"Nandyan ka na pala Jey." Si Jill.
Tss, bwiset na Jill 'to, kunwari pang di ako napansin.
"Luke, kumain ka na ba?" Tanong ni Jill kay Luke.
"Not yet." Sagot niya sabay ngiti.
"Sabay ka na lang s--" di ko siya pinatapos magsalita.
"What are you doing here?" Tanong ko kay Luke.
"I just want to say thank you, nakalimutan ko kasi kahapon." Ngumiti ulit siya.
Okay? Parang ansaya niya naman ata? Ngiti ng ngiti e, kanina pa.
Tss, I like the way he smile, I like his smile, not him.
"No need." Tipid na sabi ko sa kaniya.
"Jill, alis na ko." Ako.
"Di ka na kakain?" Siya.
"Diet, you know." Bumaling ako kay Luke. "Ikaw di ka pa aalis?"
"If you want, s-sabay na t-tayo, papasok na rin naman ako." Tumawa pa siya ng pilit.
Ayos! It's okay Luke, but much better kung aaraw arawin mo yung pagsabay sakin papasok. Hihihi.
"Di ka na rin kakain Luke?" Si Jill.
"Sa school na lang siguro." Luke.
"Okay. Sige ingat kayo. Ingatan mo si Jey ah." Sabi ni Jill na may halong nakakaloko yung tingin samin.
"H-ha? A-ah o-oo naman." Sabay ngiti ulit.
Wala na ba siyang ibang gagawin bukod sa ngumiti?
Hinila ko na si Luke palabas ng bahay bago pa magsabi si Jillian ng kung ano-ano.
============================
Kakadating lang namin sa school at ang magandang pangalan ko agad ang narinig ko.
"Is that Jamie Lara?"
"Who's that guy? Her boyfriend?"
"I heard that Jamie girl is the girlfriend of Serge."
"Bakit kasabay ni Jamie si Luke? Sila na ba?"
"She's so malandi pala girl, niloloko niya si Serge. Jamie doesn't deserve him."
Wow...kailan ako lumandi?
Yan palang yung mga narinig ko habang papasok kami.
Nakarating kami sa building na ako....no...kami....kami ni Luke yung pinag-uusapan.
Wala ba silang magawa sa mga buhay nila? Mga inggit.
Nang marating namin ni Luke yung floor namin ay nasaamin agad yung spot light. Bidang bida. Lahat lang naman ng taong nasa corridor ay samin nakatingin.
"Jamie!" Si Sam. Sinalubong niya niya kami ni Luke.
"Hi handsome." Masayang bati niya kay Luke.
"Girl, alam mo parang kabute talaga yang si Sarmiento, ayan nanaman siya oh!" Sabay turo sa likuran namin si Luke kaya nilingon ko.
"Jamie!" Tawag niya sakin nang makalapit siya.
Di ba napapagod 'to? Nakakabwiset na rin kasi. Tanga na nga siya, pinagyayabang pa sa iba. Hays.
"May kailangan ka?" Panimula ko.
"Yes Jey.....I need you." Seryosong sabi niya.
"Next joke please..." Inosenteng sabi ko.
Nagtawanan naman yung mga taong malapit kung nasaan kami. Si Sam naman nagpipigil.
"Jey..." Siya.
"Girl, alis na muna kami ni Luke." Singit ni Sam.
"No girl, I'll go with you guys." Sabi ko sabay naglakad na pero...
"Jey wait!" He held my hand. "Seryosohin mo naman ako please..."
Seriously Serge? Seryosohin? Well sorry, hindi ko kayang ibigay yung gusto mo----bukod sa ayoko----ay wala naman akong dahilan para seryosohin ka.
Humarap ako sa kaniya. Tinitigan ko muna siya, tinitigan ko yung mukha niya, kung titignan mo siya sa mata, halatang gusto niyang umiyak. Well...sorry for him, hindi na ko apektado sa kaniya.
Naramdaman kong hinawakan ni Sam yung braso ko pero tinanggal ko lang yung kamay niya.
Tumingin ako kay Serge.
"Nakakaawa ka Serge, alam mo ba yon?" Huminga ko ng malalim. "Gusto mong seryosohin kita?"
"Yun lang hinihingi ko Jey..." Walang kwentang sagot niya.
"Serge, simula nung naging tayo, nanghihingi ka na, pati ba naman hanggang ngayon. Wala ka na bang ibang alam na gawin kundi ang manghingi? Lahat ng hiningi mo, binigay ko pero anong ginawa mo?"
"Jamie...that's enough, let's go." Si Sam.
Hindi ko siya pinansin.
"Serge, pinagpalit mo ko tapos ngayon gusto mong seryosohin kita? That's bullshit Serge! Wag mo ko gawing tanga!"
"Jey..."
"Serge, alam mo bang mahal na mahal kita? Pero anong sabi mo? 'Ayoko na, may gusto na kong iba'. Binigay kita kahit mahal kita! Binigay kita kasi yun yung gusto mo! Ginawa ko yon kasi masaya ako kasi halatang masaya ka sa kaniya!"
I was about to end my speech nang biglang.....
*PAAKKK*
"Mawy!" Saway sa kanya ni Sam.
Nandito pala siya. Di ko man lang napansin.
"Long time no see, sis." Bati ko sa kanya.
"Mawy! Ano bang ginagawa mo!? Malinaw naman yung sinabi ko sayo, Si Jamie yung mahal ko!"