Chapter 13

24 3 22
                                    

Chapter 13

Jamie's POV

"Keith.." tinitigan ko siya. "Kung hindi mo ko kilala.." nag-pause ako saglit. Napa-isip nanaman ako. Baka kasi kapag nagtanong ako, baka iba yung dating sa kanya. Di ko pa naman alam yung takbo ng utak ng isang 'to. "May chance ba na magugustuhan...mo ko?" Pagkatapos kong magtanong ay inubos ko na yung laman ng boteng hawak ko.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung kapal ng mukha ko para itanong sa kanya yan.

"Bakit mo naman natanong?" Kaswal na sabi niya.

Minsan pala nakakainis din kapag tanong yung sinagot sa tanong mo.

"Sumagot ka na lang.." pagtataray ko.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko kung pano siya ngumisi. "Pano kita magugustuhan? Eh hindi kita kilala. Where is your commonsense, Jamie?" Simple pero sarkastikong sagot niya.

Imbis na mainis ay napa-ngiti ako. "Pilosopo..at the same time, walang kwenta yang sagot mo." Natawa ko.

Ngayon lang kami nag-usapan ng ganito at komportable ako.

"Wanna hear my answer? The serious one? Huh?" Naka-ngisi pa rin siya.

"Wag na.." tumawa siya sa sagot ko. Tss, anong nakakatawa?

"Whatever, Jamie. I'll say it anyway." He smiled. Yeah. "Siguro..hindi. Hindi kita magugustuhan. You know why?" Umiling ako. "Wag kang mag-assume, opinyon ko lang 'to." Tinanguan ko siya at nagpatuloy siya. "Uulitin ko, opinyon ko lang 'to."

"Ang dami mong segway, just say it." Naiinip na sabi ko.

Ang tagal kasi. Ang daming dada.

"Masyado ka naman atang atat sa sagot ko.." asar niya pa. Leche! Naiinip na talaga ko. "Fine e'to na, halata naman sa mukha mong naiinip ka na." Seriously? Kailan niya ba sasabihin? "I can say, sa isang tingin pa lang sayo--hindi ka nila magugustuhan." Huminto siya.

Pabitin! Ang daming arte!

"Kasi mamahalin ka na nila agad, just in one look." Na-flutter ako don.

"Pano?" Kunot noong ani ko. Ang weird kasi ng sagot niya.

"Gaya nga ng sabi ko sayo, opinyon ko lang yon kaya hindi ko alam kung panong naging ganon." Masungit na sabi niya.

"Panong hindi mo alam? Hindi mo naman masasabi yan kung hindi mo naramdaman." Pangangatwiran ko. Ayokong tapusin yung usapan hangga't hindi ako naliliwanagan.

Napapaisip ako sa sagot niya. Panong naging ganon? Ganon ba kalakas yung kamandag ko? Akala ko kay Kevin lang tumatalab? So that means pati sa ibang tao, malakas yung epekto ko? Ganda ko talaga. Well.

"Hindi ko naramdaman. To be honest, nung unang beses na nakita kita--wala akong naramdaman sayo." Tumayo siya ng maayos. "Nasabi ko yon kasi yun yung napapansin ko sa kanila.."

Sino? Kila Kevin? Oliver? Serge?

Tinignan ko siya ng nakakaloko. "Kasi nung unang beses na nagkita tayo ay hindi ka naman talaga nakatingin sakin. Kay Jill. Kay Jill ka nakatingin."

Pagkatapos kong banggitin si Jill ay naging cold na ulit yung atmosphere. Nice, si Jill lang pala katapat niya.

"Keith, bakit hindi mo siya lapitan? Si Jill, I mean. Ayaw mo ba talaga sa kanya?" Takhang tanong ko.

"Hindi sa ayoko." Nilingon ko kung saan siya nakatingin. Kay Jillian. "More on, hindi ako interesado. Besides, gusto kong magkusa yung katawan ko. Ayoko yung napipilitan lang, unfair yon." Seryoso siya.

          

I'm glad that he's aware sa kung anong nararamdaman ni Jill.

Si Joshua kaya?

========================

"MERRY CHRISTMAS SA INYONG LAHAT!" sigaw ni Oliver na kakapasok lang dito sa resthouse. Kumakain na kami ng breakfast, kakagising lang kasi ni Oli. Dito na kami kumain kasi marami na ring tao sa restaurant ng hotel.

Hassle pa kapag dun kami.

"Merry Christmas, Jamie." Natatawang sabi niya at lumapit sakin para mag-beso. Hinayaan ko lang siya. "Merry Christmas, Oli." Sagot ko naman.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Tahimik sila ngayon, halatang may mga hangover pa.

Masyado silang nasayahan kagabi.

Pinag-masdan ko sila isa-isa. Halos pare-pareho yung mga mukha nila except kay Jill. She's staring at me, magkasalubong yung kilay.

"What?" Tinaasan ko siya ng kilay at bigla siyang nag-iwas ng tingin.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala pa ring nag-salita. Inaalala ko kung anong mga nangyari kagabi. Pero kahit isa ay wala akong maalala.

Simple na lang yung mga handa ngayon, masyado na rin ata kaming maraming nakain kagabi. Kaya ayun ni-request ni Mau na, wag na masyadong gawing bongga yung mga pagkain.

"Ate!" Tawag ng isang bata kay Mau saka lumapit. "There's a guy outside.." ang cute nung pagkakasabi nung bata. Kapatid siguro ni Mau yan.

"Who is he?" Tanong ni Cali dun sa bata. Nagkibit balikat naman yung bata bilang sagot.

Sino naman kaya yon?

Ohmy! Baka si Serge?!

Tumayo ako at lumabas para tignan kung sino..

"Serg--" natigilan ako nang ibang mukha yung nakita ko. Ngayon ko lang siya nakita. Titig na titig ako sa kanya at sa hindi ko malamang dahilan ay nairita agad ako nang ngisian niya ko.

Itatanong ko sana kung anong ginagawa niya dito kaso may babaeng tumawag sa kanya.

"Why are you there?" Tanong nung babae dun sa lalaki. "Ah, Miss naabala ka ata ng kapatid ko. Sorry ah." She smiled kaya nahawa ako, nginitian ko na rin siya. Bumaling siya dun sa lalaki na kapatid niya daw. "Bakit ba bigla ka na lang nawawala?"

"Wag mo kong sisihin, hindi ko kasalanan na naligaw ako sa resort na 'to." Sagot nung lalaki kaya natawa ko ng palihim.

Ang weird nilang magkapatid. Base sa itsura nila ay bago sila dito sa resort nila Mau. And mukha silang may lahi.

Bumalik na ko sa loob at sinalubong ako nung kapatid ni Mau.

"Who's that, Ate? Do you know him?" Inosenteng tanong nung bata. Umupo ako para pumantay sa height niya. "Naligaw lang.." sagot ko, pagkatapos ay kinarga ko siya.

"Sino daw?" Bungad ni Mau. Inangat ko lang yung balikat ko bilang sagot. Well, hindi ko naman talaga alam kung sino yon.

=========================

Since pasko ngayon ay nag-launch ng event yung hotel nila Mau. Nandito kami sa malaking hall ng hotel kasama yung iba't ibang mga guests. Sa isang mesa na pabilog ay sampung tao ang nag-o-occupy.

Hindi namin kasama sa table sina, Mau, Cali and Keith. Si Maureen kasi yung host ng event, while si Keith pati si Cali ay nasa isang table kasama si Lola Lia together with her amiga. Halos katabi lang din namin yung table nila.

Hindi sakin tumabi si Jill. Ewan ko ba dun, hindi ako pinapansin at lagi ko siyang nahuhiling tinitignan ako ng masama. Well, kaninang umaga niya pa yan ginagawa.

Nilibot ko na lang yung paningin ko sa mga taong nandito. Maayos silang manamit. Yung iba ay simple lang pero elegante pa rin ang dating.

Nahagip ng mata ko si Serge, hindi niya kakilala yung mga guest na kasama niya. Tss, bahala siya--ginusto niya yan.

Nagpatuloy ako sa pag-obserba nang makita ko yung babae kanina. She dressed herself very well, mas lalo siyang gumanda ngayon kaysa kanina nung nakita ko siya. Katabi niya yung lalaki, yung kapatid niya at mukhang bored na. They are together with--I think parents nila yung kasama nila. Sila lang yung nasa table, wala silang ibang kasama.

"Jey, where are you looking at?" Takhang tanong ni Owen at talagang hinanap niya kung saan ako nakatingin. Ususero talaga kahit kailan. "Sino bang tinitignan mo at natulala ka dyan?" Dagdag niya pa. "Kanina pa kaya kita tinatawag."

Nagulat ako don. Bakit hindi ko narinig? Katabi ko lang naman siya.

========================

A/N: Ang weird ng chapter na to haha xd Enjoy!

The Things That They Can Do For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon