Chapter 1

50.9K 560 13
                                    

"Parang awa mo na! Layuan mo na ako!" sigaw ko sa babaeng nagbigay sa akin ng cookies. Leche naman kasi, bat ba ang gwapo ko? Ang dami tuloy nagkakandarapa sa akin. Hindi ako mayabang ha! Nagsasabi lang ako ng totoo.

"Gawin natin to para sa magulang natin. Please, Arnold." nanayo lahat ng balahibo ko sa sinabi nya. Taena! Masusuka na ata ako, eh.

"Miss, hindi ako si Arnold.." sabi ko. Ano bang dapat kong gawin para tigilan na ako ng babaeng to? Shet naman.

"Ha? Yan kaya ang nakalagay sa I.D. mo. Mali ba ako ng basa?" sabay turo sa I.D. ko. Anak ng! Inalis ko ang I.D. ko na nakasukbit sa leeg ko. Bat ko ba kasi sinuot to? Nasita kasi ako ng guard kanina.

Nagclear throat muna ako bago magsalita ulit. "Hindi lang ako ang Arnold sa mundo."

Umiling iling sya. "Hindi! Ikaw talaga ang Arnold na pinakilala nila sa akin kagabi! Malinaw na malinaw ang grado nitong salamin ko!" sigaw nya. Pinagtinginan tuloy kami ng mga taong dumadaan dito sa hallway.

Hinila ko sya at dinala sa may locker area. Hindi na siguro kami makikita dito. Nakakahiya naman kung makikita nila akong nakikipag usap sa isang nerd. Mawawalan ako ng chicks!

"Ang bata pa natin. Third year high school ka pa lang, ako naman ay fourth year. Tapos gusto mong magpakasal na tayo?! Oh, please!"

"Hindi naman tayo ngayon magpapakasa." sabi nya. Shit! So kung hindi ngayon, kailan? Mamaya ba? Taena!

"Let me correct you.. Hindi. Tayo. Magpapakasal." madiin na sabi ko. Nag iinit na ang ulo ko, ah. Mawawalan ng pag asa ang sangkatauhan pag nag asawa ako ng maaga.

"No!" iniling iling nya ang kanyang ulo. Hala baka matanggal ang ulo ng babaeng to. Tsk.

Hinawakan ko sya sa balikat para tumigil sa pag iling. Kawawa naman kasi. Baka maputulan ng ulo. "Calm down. Alam kong gwapo ako, kaya gusto mo akong pakasalanan. Pero please lang hindi talaga ako papayag."

Lumuhod sya bigla sa harapan ko. Oh sht! "Please. Kailangan kita. Mawawalan ako ng future pag hindi tayo ikinasal. Mawawalan na ako ng mana!" niyakap nya ang mga binti ko.

Ganyan ba talaga sya kadesperada? Akala ko pa naman gusto nya talaga akong pakasalan. Dahil lang naman pala sa mana ang gusto nya.

Teka.. bat ako na badtrip?! Mas mabuti nga yun eh! Mas mabuti nga na hindi nya ako gusto. Pero kahit na! Dapat gusto nya ako! Ang gwapo ko kaya!

"H-hindi mo ako gusto?" tanong ko bigla. Dapat sa isip lang yun, kaso napalakas ang pagbigkas ko.

"Gusto din!" Dmn! Dapat di ko nalang pala tinanong. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Hala may sakit na ba ako sa puso?!

"Tumayo ka nga muna!" naiirita na ako. Yakap pa man din nya ang mga binti ko. Baka mamaya may biglang magalit! Tsss.

Buti naman at tumayo na sya. "Sige, payag na nga ako. Pero after ten years ha?" sabi ko.

Nagningning bigla ang mga mata nya. Para syang nanalo sa lotto. Baliw ba to? "Salamat!" masayang sabi nya. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Parang umikot ang sikmura ko sa ginawa nya.

Niluwagan nya ang pagkakayakap sa akin. Pagkatapos ay hinalikan nya ako sa labi. Leche! Hinalikan ako sa labi!

"Bye, baby!" tumakbo na sya palayo pagkatapos ay nagflying kiss pa sa akin. Kinilabutan ang buong pagkatao ko! Hinalikan ako, hinalikan ako ng isang NERD!

**

-Kerbs

The PlayerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ