Chapter 2

37.5K 502 25
                                    

[The edited version of The Player is posted on Dreame/Yugto. Follow me @ Imbaaaaah]
---

"Oh? Bat parang nagtatago ka ata?" kinalabit ako ni Kyle. Nakatakip kasi sa akin ang makapal na Encyclopedia. Ang bigat pala nito.

"H-hindi no!" depensa ko. "Binabasa ko lang to para sa thesis natin."

Natawa silang lahat sa sinabi ko. "Bakit?" tanong ko.

"P-para sa thesis? Sa Econ thesis natin, eh History yang binabasa mo!" Patawa tawang sagot naman ni Jim.

Napatingin ako sa Encyclopedia. Tama nga sila. Napahiya naman ako dun ah. "Pandagdag information lang!" sabi ko para matakpan ang pagkapahiya ko.

"Sus! Mga palusot mo." tawa ni Lester. "Sino ba kasing inutangan mo at todo ang pagtatago mo dyan?"

"Wala no! Nagbabasa nga lang kasi ako! Mga pakealamero." sabi ko. Pero ang totoo nyan ay may tinataguan lang ako. Hindi sa pinagkakautangan ko, kundi sa babaeng nagpresinta na maging 'girlfriend' ko.

Nandito din kasi sila sa library. Sana nga hindi na lang ako nag aya na dito gawin yung thesis. Di ko naman kasi alam na tambayan pala ni nerd to, kasama ang mga ka-tribo nya.

Hindi na nila ako sinagot. Buti naman. Tutulong na nga lang ako sa kanila. Di naman siguro ako pupuntahan ni nerd kasi mukhang busy din sya.

"Hi babe." muntik na akong atakihin ng dahil sa gulat ng may humawak bigla sa balikat ko.

Nag angat ako ng tingin  para makita kung sino nga ba ang nagsalita. "Hi!" sagot ko ng makita ko sya. Maganda eh, sayang din to. Chicks kaya to.

Umupo sya sa bakanteng upuan na nasa tabi  ko. "Kamusta ka na? Bakit hindi mo na ako tinetext?" tanong nya bigla.

Teka nga. Don't tell me isa to sa mga GFs ko? Di ko kasi sila kilala lahat. Naku naman. Bawat section kasi ng school namin ay may syota ako. Bakit ba? Ang sarap kayang magmahal ng marami. Ika nga nila, the more the merrier.

"H-hmm. No, ofcourse not babe!" tanggi ko. Inakbayan ko sya at inilapit sa akin. "Actually, I really really missed you." umisod pa ako at bumulong sa tainga nya. "A lot.."

Humagikgik sya ng dahil sa sinabi ko. Wala eh, ang gwapo ko kasi talaga. "Hindi ka pa rin nagbabago, naughty ka parin talaga." sabi nya.

Kinuha ko ang kamay nya na nakapatong sa kandungan nya pagkatapos ay hinalikan ito. "Babe. Nagsasabi lang ako ng totoo.." untag ko. Nakita ko ang pamumula ng mga pisngi nya ng dahil sa sinabi ko. Ang galing ko talagang magpakilig.

Hindi ko na napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga kaibigan ko. Binalewala ko lang sila. Sa tinagal tagal ba naman naming magkakasama, alam na alam na nila ang mga tactics ko pagdating sa babae.

At dahil nga gwapo ako ay hindi na ako tumulong sa paggawa ng thesis namin. Kaya na nila yun no! Makikipaglampungan muna ako dito sa chicks ko.

"Babe. Sabay naman tayong maglunch." sabi nya bigla.

"Sure. Saan mo ba gusto?" hinawakan ko ang kamay nya at pinisil pisil yun.

"Kahit saan. Basta kasama kita.." she gave me a seductive smile. Napailing nalang ako. I know what she was trying to imply.

"Then, lets go elsewhere." hinila ko sya patayo. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Tinanguan nila kami. Inakbayan ko ang chicks na kasama ko at iginiya na sya palabas. Nasa may tapat na kami ng pintuan nang may biglang humarang sa amin. Bigla akong kinabahan. Mukhang galit na galit sya. Sht! Galit na galit si nerd!

"Saan ka pupunta Arnold?!" mahina ngunit mariin na tanong nya.

Napatingin sa akin ang babaeng kasama ko. "Sino sya, babe?" tanong nya. Hindi ako nakasagot. Napatingin ulit ako kay nerd. Kung kanina ay pulang pula sya ngayon naman ay parang nag aapoy na sya ng dahil sa galit.

"Babe?" tumawa sya. Pero isang tawa na nakakainsulto. "Babe mo yang ASAWA KO?!" natigilan ang babaeng kasama ko. Pero panandalian lang yun.

"How dare you?! You freaky nerd. Lumayo ka nga sa amin."

"How dare me?! How dare you more! Landiin mo na lahat wag lang ang AKIN!" napalakas ng bahagya ang boses ni nerd kaya napatingin ang ibang mga studyante sa amin. Maging sina Kyle ay napatingin na din sa amin. Ako naman ay parang referee lang dito sa tabi at hinitintay silang magbugbugan.

"Sino ba talaga sya Arnlod? Tell me.." tanong ni.. shet, ano na nga ba ang pangalan ng babaeng to?

"A-ah.. she's my-y.." sht! Ano nga bang sasabihin ko? Alangan naman sabihin ko na mapapangasawa ko sya? Di pwede! Hindi maaari!

Magsasalita palang sana ulit ako ng bigla ulit magsalita si nerd. "Alin sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Tanga ka ba o bobo ka lang talaga?!" malakas na pagkakasabi niya. Nakita ko naman ang pamumula ng babaeng kasama ko ng dahil sa pagkapahiya. Natawa kasi ang mga ibang studyante dito sa libraby.

Library.. teka nga. Nandito kami sa library, ah. Bakit hindi nila kami, I mean bakit hindi binabawal ng mga librarian ang dalawang to?

"You shitty nerd!"

"Oh really?" nagsmirk si nerdy. "How about you? Shitty shit, beauty without brain?" natawa ako sa sinabi ni nerd. Palaban din pala ang isang to.

"Arnold!" tinignan ako ng babae na para bang naghihingi ng tulong. Hinila ni nerd ang kamay ko. Wala akong nagawa. Ang lakas nya, eh.

"Let him go! He's coming with me!" untag naman ng babae.

Hinila lang nila akong dalawa. Parang naglalaro sila ng tug of war. "No! Sa akin sya sasama." sabi naman ni nerdy. Pinaghihila lang nila ako.

Ang sakit sa braso, ah! Alam ko gwapo talaga ako. Pero hindi naman kailangan daanin sa ganitong paraan. Pwede naman kasi sa maayos na usapan. Dahil nga nasasaktan na ako ay hindi ko na napigilang ang sarili ko na magsalita.

"Girls. Wait.." sabi ko. Binitawan nila pareho ang kamay ko.

"Please lang.. huminahon kayo. Alam kong gusto nyo akong makasama.." tinignan ako ng matalim ni nerd. Lumapit ako sa kanya. Bigla naman nawala ang matalim na tingin nya sa akin. Binulungan ko sya.

"I'm not coming with you." sweet na sabi ko. Kung kanina ay malapit na syang ngumiti. Ngayon naman ay mukhang nagalit ulit.

Naglakad na muli ako palapit sa babaeng kasama ko. Sayang kasi, ang ganda ng chicks ko tapos ipagpapalit ko sya kay nerd? Baka mamaya mga chemical formula lang ang pag usapan namin, o kaya naman ay velocity over distance, o kaya kung paano nadederive ang x sa algebra! Ay leche. Di ko kakayanin yun! At least pag kasama ko ang babaeng to na di ko parin matandaan ang pangalan ay mag eenjoy ako. Pwede pa akong mapadpad sa ibang dimensyon ng mundo.

"Let's go babe." inakbayan ko sya. Ngumiti sya at nagsmirk kay nerdy. Sign na sya ang nagwagi.

Nakalabas na kami ng library. Pero may bigla ulit tumawag sa akin. "Arnold!" Leche! Ano nanaman ang kailangan ng nerd na to?!

Lumapit sya sa akin at may nakakalokong ngiti sa labi nya. Hinakawan nya ako sa balikat at binulungan. "Mag INGAT ka.." malumanay na sabi nya. Ngumiti ako. Madali lang naman palang kausap ang babaeng to eh.

Pero.. nawala ang ngiti ko ng may maramdaman ako.. sht!

"Aray!" sigaw ko! Tinuhod nya ako! Sht! Sht! Sht! Ang aking precious eggs!

"Sabi ko naman mag ingat ka, diba? Sige, bye na! Mag sama kayo ng babae mo. Sana gumana pa yang eggs mo!" tumakbo na ulit sya patungong library.

"OMG! Okay ka lang ba babe?" nag aalalang tanong ng babaeng kasama ko.

"Sht! You're asking me if I'm okay?! Okay ba ako sa lagay na to?! Sht!" napatalon ako habang hawak ko ang eggs ko. Sht! ang sakit talaga!

**

-Kerbs

The PlayerWhere stories live. Discover now