CHAPTER 18- Rival?

77.5K 1.6K 120
                                    

CHAPTER 18- Rival?

CALVIN's POV

Sobrang pinagpapawisan na ako habang nakatutok parin sa akin yung baril nung kung sino mang lalaking naka black suit na parang kilala si Alexei. Hanggang ngayon nagmamatigas parin syang tinututukan ako at yung guard ng mall ng baril. Sobrang dami ng tao sa paligid, sa tingin ko nagtatawag na ng back up security yung mga staff ng mall. 

Ang tumatakbo na talaga sa isip ko eh yun na ang huling araw ko sa mundo pero...

"Aray! A-aray ang sakit!" biglang dumaing si Alexei sabay hawak sa tyan nya. Lalapitan ko palang sana sya para tanungin kung ok lang ba sya pero mas nauna sakin yung lalaking naka black suit. Mabilis nyang tinanggal ang pagkakatutok ng baril sa amin nung guard at nagpunta sya agad kay Alexei, mukhang sobrang nag aalala sya.

"My lady are you o--" hindi na natapos ng pagsasalita yung lalaking naka black suit dahil bigla syang tinuhod ni Alexei sa sikmura. Nabitawan nung lalaki yung dalawang baril na hawak nya dahil sa sakit at agad naman syang pinalibutan ng mga guards nung mall. 

Habang nakatulala pa ako dun dahil sa mga nangyari, naramdaman ko na lang na hawak hawak na ni Alexei yung kamay ko at hinihila na nya ako palayo. Agad syang tumawag ng taxi at sumakay na kami dun bago pa man ako maka imik.

Hinahabol pa naming dalawa ang hininga namin pagka upo namin sa loob nung taxi. Magsasalita palang ako para itanong kay Alexei kung sino yung lalaki kanina pero nauna na syang magsalita.

"Ah ano, grabe yung nangyari no? Siguro may sira sa utak yung lalaki kanina. Ha-haha." -Alexei looking uneasy. Hindi sya magaling magsinungaling.

"Sabihin mo yung totoo Alexei, sino yung lalaking yun? Anong relasyon nya sayo?" straightforward kong tanong.

"H-huh? Hi-hindi ko sya kilala Calvin. Nga-ngayon ko lang sya nakita."

"Hindi mo sya kilala? Eh bakit niyakap ka nya? At kung umasta sya parang matagal na kayong magkakilala?"

"A-as I've said, may sira lang sa ulo yung lalaking yun. Napagkamalan nya lang na ako yung kakilala nya kaya bigla nya akong niyakap."

"Pero bakit my lady ang tawag nya sayo? At bakit ka bigla na lang tumakbo palabas nung grocery st--"

"Oh nandito na pala tayo Calvin, tatakbo na ako papunta sa condo huh? Ginabi na tayo masyado, nakakahiya na dun sa landlord, kukuhanin ko na si baby Red!" -Alexei na agad ng bumaba sa taxi. I knew it, may itinatago talaga sya sa akin.

Pagkatapos kong magbayad sa taxi agad na akong sumunod sa condo. Hindi ko na hahayaang iwasan pa ni Alexei ang mga tanong ko. Come to think of it, ngayon ko lang din narealize na oo girlfriend ko na sya, pero wala parin akong alam tungkol sa kanya bukod sa pangalan nya. Ni hindi ko alam kung saan sya nakatira o kung sinong mga magulang nya, kung bakit sya naglayas sa kanila, wala talaga ako kahit konting ideya. At malakas ang kutob kong may koneksyon talagang malaki sa kanya yung naka black suit na lalaki kanina.

Pagkapasok ko sa pinto ng condo talagang buong buo na yung loob ko na tanungin si Alexei pero pag dating ko dun, nasa loob na sya ng kwarto at naglock na sya dun. Sabi nya tulog na daw si baby Red at pagod na daw sya kaya bukas na lang kami mag usap. Magpupumilit pa sana akong kausapin sya kaso...

"Pag nagising si baby Red dahil sa ingay mo Calvin, sa kalsada kita patutulugin." pinagbantaan nya ako ng ganyan, and knowing her, gagawin nya nga talaga yun kaya nanahimik na lang ako at natulog na nga lang. Ang nice naman ng ending ng first date namin oh -_-

.

.

Kinabukasan... sabay kaming nag almusal ni Alexei at sabay rin kaming pumasok sa school pero talagang hindi ko sya matanong tungkol dun sa lalaking naka suit kahapon. Paano, sinubuan nya lang ako ng sinubuan nung almusal namin nung nag attempt akong magtanong. Tapos habang naglalakad kami papunta sa room ng first subject namin, sobrang bilis nya maglakad, ayaw nya akong sabayan -_-

Magkatabi kami sa classroom pero ayaw nyang tumingin sa akin, parang dati sya yung nangungulit sa akin, ngayon nabaliktad na. Hindi lang kasi talaga ako mapakali hangga't hindi ko nakukuha ang sagot sa mga tanong ko. Pero habang bored na bored ako sa klase sa pangalawang subject namin, an unexpected thing happen. Yung sagot sa mga tanong ko na ayaw ibigay ni Alexei, yun na mismo ang nagpakita sa harapan ko.

"Class, may bago tayong transferee student. He's from Canada at English na ang kanyang naging mother tongue, but don't worry he understands tagalog though ayun nga, english yung magiging response nya sa inyo. Mr. Blade, come inside please." sabi nung teacher ko. Pagkatapos nun, lumakad papasok ang isang matangkad na lalaking studyante. At pagkaharap na pagkaharap nya sa amin.. nagbulungan na agad yung mga kaklase kong babae na mukhang nabighani agad sa kagwapuhan nya samantalang kami ni Alexei parehong nanlaki ang mata. At mas nanlaki pa ang mata ko pati ni Alexei nung sinabi nya to ng malakas sa unahan.

"Hi, I'm Blade Ashford, nice to meet you. By the way, your classmate Ms. Cerys Alexei is my wife. I'm her husband." talagang natigilan na lang ang buong klase dahil sa sinabi nya. Yung mga babae kong classmate napanganga na lang at parang tinanggalan ng buhay.

Napatingin naman ako kay Alexei, napa face palm lang sya. So hindi nya itatanggi yung sinabi nung Blade na to? At anong ibig sabihin nun? Wife? hindi girlfriend? Wife talaga as in asawa? May asawa na ang girlfriend ko? And I was thinking he was his ex or some childhood friend, tapos husband pala sya? Wife nya daw si Alexei? Just what the hell is this?

Along Came This GirlWhere stories live. Discover now