CHAPTER 3- GIVE ME A BREAK!

121K 2.1K 169
                                    

CHAPTER 3- GIVE ME A BREAK!

CALVIN's POV

Pumasok na nga kami sa condo ko. Nagtuloy tuloy naman yung Alexei na yun sa kusina kasi magluluto na daw s'ya. Naiwan naman ako kasama ang parents ko sa may salas habang hawak hawak ko yung baby. Patay talaga ako nito.

Hindi pa man ako nakaka upo sa sofa...

"Kailan mo pa tinatago to sa amin huh Calvin?" tanong ni Papa. Sinasabi ko na nga ba.

"Paano mo to nagawa samin Calvin? Marami pa kaming pangarap para sayo! Paano nangyari to? Kailan pa?" naiiyak na si mama habang nagtatanong.

"Calvin, magsalita ka!" sigaw ni papa.

"Pag sinabi ko po bang hindi ko anak tong baby na to at napulot lang s'ya nung babaeng yun sa kung saan maniniwala ba kayo? Kung sasabihin ko ba sa inyo na nakasalubong ko lang sa daan yung babaeng yun isang gabi at tinethreaten niya ako para patirahin ko sya sa condo ko, maniniwala ba kayo?"

Natigilan silang dalawa, nagtinginan sabay...

"Hindi," sagot nilang pareho.

"Thought so. Kaya bakit pa ako magpapaliwanag diba? Kahit sabihin ko ang totoo, hindi rin naman kayo maniniwala! So para san pa?"

"Calvin ayusin mo ang pagsasalita mo huh!" sigaw ni papa.

Hindi na lang ako umimik pa.

"Alam na ba yan ng mga magulang niya? Saan s'ya nakatira?" tanong ni mama.

"Wala po akong alam tungkol sa kanya bukod sa pangalan niya. S'ya na lang ang tanungin niyo."

"Calvin niloloko mo ba kami huh?!" sigaw ni papa.

"Hindi po pa. Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko naman kasi talaga kilala yang babaeng yan eh!"

"Calvin, ang isang lalaki hindi tumatalikod sa obligasyon niya. Matatanggap ko pa na nakabuntis ka pero ang takbuhan mo ang responsibilidad mo at umarte na parang wala kang alam, yan ang hindi ko mapapalampas Calvin. Isa pa, kamukhang kamukha mo yang baby!" -papa. Pati ba naman s'ya? Pareho lang sila ni Tito Karl =__=

"Patingin nga ako Calvin." Kinuha sa akin ni mama yung baby.

"Papa, kamukhang kamukha nga niya si Calvin. Naalala ko nung ganito pa sya kaliit, ang cute cute niya. Hindi ko akalain na magkaka apo na agad tayo!" Ngingiti-ngiti si mama habang pinaglalaruan yung baby.

"Medyo gulat parin kami sa sitwasyon pero, ano pa nga bang magagawa, andyan na eh. Panagutan mo yan. Ginusto mo yan eh. Isa pa hindi ko akalain na makakahanap ka ng ganung kagandang babae ah. Anak nga talaga kita." Ahm, hindi ko alam kung natutuwa ba si papa o ano.

Hindi na ako sumagot. Gustuhin ko man magpaliwanag, wala rin namang maniniwala. So mukhang batang ama nga talaga ang ending ko. Great! Unless mapaamin ko tong Cerys Alexei na to, hindi ako makaka alis sa gusot na to. Pero pano ko sya mapapa amin?

"Luto na po yung pagkaen, tara na po!" sigaw nung demonyong babae habang nakasuot ng apron. Housewife mode na naman s'ya =___=

Pumunta na kami sa kusina at nagsimulang kumaen.

"Masarap ah. Ang sarap mong magluto," puri ni mama dun sa demonyong babae.

"Salamat po!" Masaya naman s'yangn nginitian nung demonyo.

"Ehem.. Ah iha, alam na ba to ng mga magulang mo? Ibig kong sabihin, na may anak ka na at dito ka nakatira?" tanong ni papa.

"Ah... eh... sa totoo lang po... wa-wala na po akong magulang. Bata palang po ako, namatay na sila." Hindi ko alam kung umaarte lang at nagpapa awa s'ya o totoo talaga yung sinasabi n'ya.

Along Came This GirlWhere stories live. Discover now