Secret 12

34.6K 552 23
                                    

Skyzel's POV

"Bro is it just me or napansin nyo ring parang pamilyar yung tingin na yun" sabi ni Orpheus. Nandito kami sa tambayan ngayon. Nung natapos ang meeting nagdirediretso kami dito.

"Napansin mo rin yun. Grabe iisang tao lang ang kilala kong may ganung nakakakilabot na tingin" sabi ni Taiki na yumayakap yakap sa sarili.. Lagi talagang mukhang tanga to.

"Umayos ka nga puro ka kabadingan Taiki" sabay bato ko ng unan sa sofa na inuupuan ko. Nasalo naman ng loko. Tsk..

"bading na kung bading pre. Di ba nga natalo tayo nung taong yun. Ni wala nga tayong nagawa sa kanya" natahimik naman ako. Ou totoo yun may nakaaway kami dati sa isang street fight medyo matagal na tinalo kami ng ganun ganun lang. Sinubukan namin yung street fight na yun dahil magagaling daw yung mga fighters. Halos lahat natalo namin maliban sa isa.

"ow I remember him, what was his name again Yuujii" sabi ni Ryuu..

"wait I think its.. uhmm oh yeah its J" sagot ni Yujii...

Joey's POV

Kala nung mga ugok na yun uubra kalokohan nila sa akin. Baka butasin ko yung mga katawan nila.

Napagalitan pa nga ako ni Maam Banes kanina ehh...

KANINA

"Anong ginawa mo kanina Joey. Bakit nagsusumbong sa akin si Natalie kanina. Bakit balak mo raw siyang patayin"

"Pssssshhh ang OA naman nun.. masyado kasi silang maingay pinatahimik ko lang"

"paano mo pinatahimik aber.. paano na yung project nyo kung ngayon pa lang ganyan na"

"wala yun maam.. basta akong bahala... wala namang masasaktan sa kanila.. Sisindakin ko lang... Tara maam libre mo na ako nagugutom na ako" yaya ko sa kanya.. aba hindi ko nakakalimutan yung libre nya.... Sayang yun.

"yan.... jan ka magaling"

TAPOS NG ANG KANINA

kaya eto ako ngayon kumakain kasama sila Mon.. Si maam pagkalibre sa kin lumayas na may aasikasuhin pa daw siya...

"ui Joey anong gagawin nyo para sa Fund Raising Event" tanong sa akin ni Kylie

"play" simpleng sagot ko naman

"ay talaga masaya yan di ba Mon..  so ano role mo"

"babae"

"huh" takang tanong nilang dalawa..

"mahirap mag-explain panuorin nyo na lang"

"syempre manunuod kami..eh yung STORM sasali ba sila" tanong ni Mon.. Bago ako makasagot ay inunahan na ako ni Kylie..

"Naku malabo yun.. Di ba hindi sila nasali sa mga ganyan kahit nung high school sila.. Tsaka di ba players sila" sabi ni Kylie.. Ou nga pala matagal na daw nilang kilala yung limang bagyo, dito rin kasi sila nag high school.. Kumpleto kasi itong TIS mula elementary hanggang college...

"players?" takang tanong ko. Ano namang nilalaro ng mga yun

"Varsity sila ng basketball dito" sabi ni Mon.

"May laro ba sila tuwing Fund Raising dito"

"ou naman. Malaking pera ang nakukuha kapag silang lima ang naglalaro.. ang alam ko nga eh may practice sila ngayon." sabi ni Kylie.. Tsk magkakaproblema pa ata ako sa limang yun..

"Magaling ba sila?" tanong ko.. aba malay ko kung dinadaan lang sa angas ng mga yun ang paglalaro at pagiging varsity nila..

"ou naman. Lagi kaya silang champion." sabi ni Kylie

SecretsWhere stories live. Discover now