Secret 15

36.1K 668 177
                                    

Joey' POV

sabi ko nga...

PUSAAANG KIIINNNAALLLBBBOOO!!!!!!!

"Jo-Joey babe ka?" nakaturo pa si Kylie sa akin. Halata sa mukha nilang dalawa ang pagkabigla.

"Tulungan nyo muna akong magbihis dito bago nyo ko tanungin.. Mon isara mo yang pinto" sinunod naman ni Mon ang sinabi ko. Si China at Kylie naman ay lumapit sa akin at tinulungan akong magbihis.

"Mon humarap ka na bihis na ako." pulang pula pa rin ang loko hanggang ngayon ehh.

"sya maupo muna kaying tatlo baka mngalay kayo." nang makaupo silang tatlo tingnan ko sila isa isa. tsk. bobo mo Joey hindi lang isa tatlo pa talaga ang nakaalam.. Katanga tanga mo kahit kailan.

"Ano na" panimula ko

"Babae ka?" sabi ni Kylie.. tsk hindi pa ba halata.

"oo" matipid na sagot ko.

"eh bakit.. bakit.." hindi matapos tapos ni China ang sasabihin niya. Gulat pa rin ata. Si Mon naman hindi makatingin sa kin. ha ayos.

"Ganto na lang. Para wala na kayong tanong. Babae ako oo. Pero nagpapanggap ako dahil delikado ang buhay ko ganon kasimple" maikling paliwanag ko.

"uhhmmm.. paanong delikado" tanong ni China.

"hindi kayo galit?" tanong ko

"hindi ahh.. nagulat lang kami" sabi ni Kylie

"ou nga" pagsang-ayon naman nung dalawa.

Ayos talaga tong mga to hindi nagalit. Kaya trip ko tong mga to eh hindi makitid ang utak.

"uhmmm Joey paanong delikado ang buhay mo?" tanong ulit ni China. Naghintay sila ng isasagot ko.

"Ganito kasi yan" panimula ko. Inayos ko muna tong letseng damit na suot ko. Pucha ang bigat.

"Sa lugar kung saan ako lumaki mahirap mamuhay lalo nat babae ka. Ganyan na lang ang sasabihin ko sa inyo kasi baka matrauma pa kayo pag nagkwento ako. Isa lang ang pakiusap ko sa inyo sana walang makakaalam nito. Ayos ba yun?" tanong ko sa kanila..

"Your secret is safe with us Joey" sabi ni Kylie

"yup" sabi ni China.

"ummm.. Joey pa-pasensya na kanina. Hindi ko ta-talaga sinasadya" sabi ni Mon na namumula na naman.

"ayos lang" ngingisi ngising sagot ko. heh.

"ou nga pala Mon babae na si Joey ligawan mo na" biro ni Kylie.. ha.. namula lalo ang loko.

"ou nga babae na ako" sakay ko naman.

"Jo-Joey naman eeehhh" nahihiyang sabi ni Mon..

"hahahahahahahaha" tawa naming tatlo.

Ang sarap pala sa pakiramdam na may nakakaalam kung sino ka talaga. Nakakatawa ako ng walang halong pagpapanggap.

Third Person's POV

Dahil nga sikat ang STORM ang play na gagawin nila ang naging main attraction ng Fund Raising Week. Monday night magaganap ang play dahil puro sports at pagent sa mga susunod na araw.

Umaga pa lang ay sold out na ang tickets. Kinailangan pa ngang magdagdag ng extrang upuan para sa mga gusto pang manuod.

Buong araw inayos ng mga kaklase ni Joey ang stage na gagamitin nila. Samantalang ang mga cast ay nagfinal rehearsal kahit na hindi pa rin ginawa ng dalawa ang mga secenes kung saan may skin contact. Wala namang nagig problema sa pagitan nilang dalawa dahil napagkasunduan nilang cease fire muna sila.

Sa ngayon ay binibihisan na ang mga casts. Naunang natapos sina Skyzel, Taiki at Orpheus. Yung kambal ay inaayusan pa dahil pambabae ang character nila.

Si Skyzel ay naka all black. Dahil siya ang Witch. Oo witch si Romeo sa kwentong ito.

Dahil magkaibigan sa kwento sila ni Taiki pareho sila ng style.

Samantalang nakapang mayamang kasuotan naman si Orpheus.

"wahahahahahahaha" tawa nung tatlo nang lumabas ang kambal sa dressing room.

Nakawig ang kambal. Kulay blue ang kay Ryuu at pink naman kay Yujii. Hindi naman sila mahalay tingnan dahil naging maganda naman ang kinalabasan nila sadyang hapit lang ang suot.

"Anak ng yung Kambal nagdadalaga" panunukso ni Taiki

"badtrip kayo"  sabay na nakangusong sabi nung kambal.

"ayos lang yan kambal. May kasama naman kayong magmumukhang tanga" sabi ni Skyzel na hanggang ngayon ay natatawa sa itsura ng kambal

"sino" tanong nilang dalawa.

"si Joey" simpleng sagot niya. Nagbibiruan lang yung lima nang bigla umingay sa lugar kung saan malapit ang dressing room ni Joey.

"what going on" sabi ni Orpheus na nakatingin sa pinanggaglingan ng ingay.

"I dont know." sabi ni Ryuu

"Lets check it out" yaya ni Yuuji.

Nagpunta naman yung lima malapit sa dressing room. May mga estudyanteng nagkukumpulan sa labas ng dressing room ni Joey. Nakabukas yung pinto kaya kita ang loob. Nandun sila China at dalawang kaibigan ni Joey. Pati na rin yung mga make-up artist. Pero wala si Joey

"anong nangyayari" tanong ni Jane isa sa mga kaklase nila.

"ayaw lumabas ni Joey eh" sagot ni Nika.

"bakit daw" tanong ni Jane

"hindi ko alam eh." sagot uli ni Nika

"Joey patingin na kasi" mula sa loob narinig nila ang sabi ni China.

"ayoko mukha akong bakla" sagot ni Joey mula sa loob ng isang kurtina. May nakaharang kasing malaking kurtina kay Joey.

"ayusin mo yang boses mo Joey. Di ba nga for tonight babae ka" parang nang-aasar na sabi ni Kylie.

"ou nga." sang-ayon naman ni Mon

"shete kayong tatlo*ehem*" parang naiinis na sagot ni Joey

"sige na try mo ngang magsalita ng pambabae sabi ni Kylie. Ngumisi naman silang dalawa ni China.

"Bwiset kayo*ehem ehem*"

"oh eto ayos na" sabi ng isang babae mula sa likod ng kurtina.

"Sino yun?" nagtatakang sabi ni Skyzel. Lahat silang nasa labas ng dressing room nagtaka rin kung sino yung babae.  Boses babae kasi talaga yung narinig nila.

"aaaayyyyy..  Joey ganda ng boses mo. Isa pa nga" pang-aasar ni China.

Bigla namang may nagbukas ng kurtina at lumabas ang isang magandang babae. Mahabang ang itim niyang buhok. Nakadress siyang hanggang talampakan. Maliit ang mukha. Mapulang labi at magandang mata. Kahit ang pagkunot ng noo niya ay cute tingnan.

"Si-sino yan" turo ni Taiki sa babae. Nakatitig lang silang lahat sa babaeng lumabas sa kurtina. Nang bigla itong magsalita.

"Buset talaga muka akong bakla" balik angas ang boses ni Joey kaya lalong nawindang ang mga tao sa paligid niya.

"Si-si Jo-joey yan" hindi makapaniwalang turo ni Taiki kay Joey..

--------may continuation pa po yan.. please vote comment and be a fan------

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon