Secret 14

33.1K 523 28
                                    

Joey's POV

Ngayon na ang simula ng practice nung play ang title "Sleeping Juliet and the Witch" parang gago lang yung title no.. Ako naggawa ng title eh... kaya ganyan..

"ok now that you are all here lets talk about the casts" sabi ni maam... Nandito kami ngayon sa auditorium.. Hindi naman buong klase nandito yung iba nag-aayos ng props na kakailanganin para sa play...

Nasa stage kami nakaupo.. Mga bente siguro kami. Syempre karamihan lalaki.. Yung ibang babaeng kasama namin mga extra na.. Nakapaikot kami kay maam ngayon..

"so eto yung lists ng main characters.. Ok for Romeo, Skyzel Takano" magrereklamo sana si Espasol pero inunahan siya ni Maam

"Walang magrereklamo dahil maayos na ang lahat. Nasabi ko na rin sa mga parents nyo I contacted them last night and they are very glad to hear that all of you are participating unless you want to dissappoint them then feel free to leave.." seryosong sabi ni Maam. ayos talaga si maam girl scout laging handa..

ayon wala nang nakapagreklamo..

"so next is our Juliet, Joey ikaw ang gaganap, himala talagang pumayag ka" sabi ni maam.

"psssshhhh" ako yan.

"well no matter.. sunod ay ang magiging Mercutio- Taiki ikaw na dun. total bagay naman sa yo. Ikaw Orpheus ay magiging si Paris, Ryuuji at Myujii kayo ang magiging fairies" sabi ni Maam. Tumawa naman yung tatlong kaibigan ni B1 at B2.

Pinagpatuloy niya ang pag-aasign ng casts hanggang sa lahat kami ay may kanya kanya ng role...

"Dahil nga comedy lang to at hindi seryosong Romeo and Juliet, kaunting scenes lang ang kukunin natin don. Magsisimula tayo sa Balcony scene. Okay Joey basahin mo tong line na to" sabi niya sabay turo sa script..

"Oh Romeo, My Romeo" panimula ko..

"hep hep hep.. hindi pwede yang ganyang boses Joey.. Aba mas lalaki pa boses mo kay Romeo pag nagkataon.. Ipitin mo yang boses mo" puna sa akin ni maam. Nagngisian nman yung mga kaklase ko..

"maam sa play ko na lang aayusin ang boses ko" sabi ko... Tinatamad akong mag-iba ng boses ehh...

"sigurado ka bang makakaya mong magboses babae sa araw na yun" nako maam kung alam mo lang

"ou.. kaya ko" sabi ko

Sa mga nagdaang araw nagpractice lang kami.. Pero hindi namin ginagawa ni Espasol yung mga may skin contact lagi kaming nagpapalusot kay maam... Nabubwiset na nga sa amin  si maam pero pinagbigyan niya kami... Kapag hindi daw namin ginawa yun sa araw ng play makakaasa daw kaming singko agad ang grade namin sa kanya.. tsk wala talagang lusot dun ehhh...

Nagyong sabado ng hapon walang practice.. Magsusukat lang daw kami ng costume.. Puchang ina unang beses akong magsusuot ng pambabae.. Meron pa nga silang wig na hinanda..

"ui Joey eto na yung costume mo ohh" sabi ni Kylie.. Kasama ko sila Mon pati si China ngayon.. Nakitropa si China ehh.. Nagkasundo naman silang tatlo kaya ayos lang..

"akin na.. magbibihis lang ako" sabi ko sabay pasok sa isang bakanteng room.. Tiningnan ko muna yung binigay sa akin ni China..

Ano to.. Malambot siya na kulay balat.. Ahhhhhh para sa boobs.. pssshhh...

Hinubad ko yung t-shirt ko tapos hinubad ko yung isa pang t-shirt ko.. ilang patong ata ang damit ko.. tapos may sando ako at sports bra para maipit yung dibdib ko.. buti nalang malamig sa school na to..

Hinubad ko na yung sando ko kaya nakasports bra na lang ako.. Pati yung napakaluwag kong jeans nakahubad na din nakapanty-brief at sports bra na lang ako...

Isusuot ko na yung dress...

"aaah Joey kung ka-----" napatingin ako bigla sa pumasok.. anak ng pucha...

"Mon anong pro----" si Kylie naman ngayon kasama pa si China..

pusang kinalboooooo!!!!

Nakatulala lang silang tatlo sa akin..

"Baka gusto mong tumalikod" sabi ko kay Mon.. Pandalas naman ng talikod ang loko.. Pulang pula eh pati batok namumula...

"Jo-Jo-joey.. babae ka" sabi ni Kylie..

Pusssssaaaaaannnggg Kinnnaaaallllbbbboooo talaga!!!!!!!

-----please comment, vote and be a fan...----

Secretsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن