Ambon

541 10 4
                                    


Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundong ating ginagalawan. Pero paano kung ikaw lamang ang nagmamahal sa taong mahal mo? Hanggang kelan mo nga ba sya mamahalin? Kelan mo sasabihin na "tama na", "ititigil ko na 'to promise!", "last na talaga" ? Ilang beses ko tinanong ang aking sarili, "bakit nga ba mahal ko sya?"

Nagmamahal ako ng isang tao hindi man lang ako kilala. Magkaiba ang mundong aming ginagalawan. Sikat sya at ordinaryong tao lamang ako. Pagtatagpuin ba ni "tadhana" ang aming landas?

Para syang bagyo na dumaan sa buhay ko. Sa lahat ng bagyong dumaan sa buhay ko, ikaw ang pinakatumatak sa isip at puso ko.

Gaano man kalakas ang bagyong dumating, kinaya ko lagpasan at alam ko na lilipas din. Marami ako tanong na hindi ko alam ang sagot. Hindi lang naman ako ang ganito ang nararamdaman. Madami kami nagmamahal sa'yo ang nagtatanong " Ano nga ba ang meron ka at ganito ka na lang namin kamahal?"

Ang mga ngiti mo ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin. Gusto ko malaman mo na kung ano ako ngayon ay dahil sayo.

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo
kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng
araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas
Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan, umaambon lamang.
Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap
Paano ba patitilain ang bagyo
kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?
Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama
Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam
Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan, umaambon lamang.
Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap..

The Girl who stole my HEART( Kaye Cal)Where stories live. Discover now