Bea Point of View...
Umiiyak ako habang nasa harap ni daddy. One week na syang hindi nagigising. Mas lalo raw lumala ang sitwasyon niya sa ngayon. I dont know kong anong gagawin ko, mas lalo lang akong nahihirapan at nalilito sa nangyayari saming pamilya. Bakit nangyayari kay daddy 'to?
"I'm sorry Mrs. Staines, but his heart not beating in a normal way." Saad ng Doctor saka ako humagul-gol ng iyak. Kanina pa kami umiiyak lahat dahil biglang inatake si daddy.
"Please Doc, gawin nyo po ang lahat. Please!" hinilamos ni tita Belle ang kanyang mukha, tila nasaktan sa narinig.
Sobrang sikip ng dibdib ko habang sinusulyapan silang lahat. Napatingin ako kay Nicole na walang ekspresyon ang mukha, tila blanko at may malalim na iniisip. Hindi ko alam kong anong takbo ng utak niya. Walang ekspresyon o bahid ng luha ang kanyang mga mata ngayon.
Naipilig ko ang aking ulo, pagod lang siguro ako. Lumigon ako sa Doctor.
"Doc please gawan nyo ng paraan. Hindi pwedeng mawala si daddy samin." hinawakan ni tita Belle ang kamay ko saka ako tinangoan na magiging okay rin ang lahat. Umiiyak ako habang hinahalikan ang kamay ni daddy.
Sabay ng iyak ko ay ang pagbukas ng pinto mula sa harap. Bumungad samin si kuya Justin at si Jun kasama si Bleina at Zin.
"Anong nangyari?" Sambit ni kuya saka ito lumapit kay Nicole at yumakap.
"Labs si daddy...." yumakap si Nicole kay kuya habang humagulgol ito ng iyak. Lumapit sakin si kuya Zin na mas lalo akong napaiyak.
"Come here, it will be okay. Dont worry, tahan na." napayakap ako kay kuya Zin. Sobrang sikip ng dibdib ko.
"Mr. Glavez. Pwede ba kitang makausap?" saad ng Doctor kay kuya.
Simula nong nalaman ni kuya ang totoo niyang pagkatao ay pinalitan niya agad ang kanyang apelyedo. Dala-dala niya ang apelyedo ng kanyang totoong mama. Naging Givarry narin si Nicole dahil iyon ang gusto ni daddy.
Lumabas si kuya kasama ang Doctor.
"Huwag kang mag-alala friend. Magiging okay rin ang lahat. Tiwala lang!" Si Bleina habang hinimas-himas ang likod ni Nicole. Naningkit ang mata ko, this past few days ay mas lalong malapit si Nicole kay Bleina. I thought si Jun ang bestfriend niya at palagi niyang kasama, tila naging iba ang lahat.
Natahimik kami ng ilang sandali sabay ng pagtunog ng aking phone.
Napatingin ako sa cellphone ko at may text galing kay Mark. Matagal ko na syang boyfriend at naging okay narin kay kuya Justin iyon. Tinanggap niya si Mark dahil mahal ko sya.
Kaya lang naman ako galit kay Nicole noon dahil nakita ko sa phone ni Mark ang mga larawan nilang dalawa ni Nicole. May gusto ako kay Mark noon ngunit hindi ko alam na kababata lang pala niya si Nicole.
Inayos ko ang aking sarili bago basahin ang message niya.
From: Mark
Magkita tayo, kailangan nating mag-usap.Tumayo ako na ikinalingon nilang lahat.
"May pupuntahan ka?" Tanong ni Nicole sakin.
"Oo magkikita kami ni Mark." sagot ko na ikinakunot
"Bakit raw?" tanong ulit ni Nicole na ipinagtaka ko. Kinabahan ako sa inasta niya.
"May pag-uusapan lang. Alis na ako, babalik din ako agad. Pakisabi kay kuya Justin." saad ko saka humalik kay tita Belle sa pisnge. Tuluyan akong lumabas na may mabigat na damdamin. Hindi ko alam kong bakit ganon ang inasta ni Nicole.
Nag drive ako papuntang coffeeshop na sinasabi ni Mark. Dali-dali akong pumasok sa shop. Kumaway si Mark sa gawi ko saka ako lumapit sa kanya.
"Babe," hinalikan ko sya sa pisnge bago ako umupo sa kabila. "Anong pag-uusapan natin? Ano bamg nagyari? Bakit namamawis ka?" pinunasan ko ang mga pawis niya gamit ang panyo ko. Mahina niyang hinawi ang kamay ko.
"Listen to me Bea. May sasabihin ako sayong importante." luminga-nga sya sa paligid pagkatapos sabihin iyon. Binaling niya ang tingin sakin na namumutla.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay ng mahigpit.
"Babe may problema ba? May sakit ka ba?" Sambit kong nag-aalala.
"Babe may gusto akong sabihin sayo. Kailangan mong malaman------" naputol ang pangungusap niya ng tumunog ang kanyang cellphone. Natahimik ako na may pangangamba.
***
Mark Damon Point of View...
Sasabihin ko na sana kay Bea ang buong katotohanan ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kanina pa ako kinakabahan para kay Bea, hindi para sakin. Alam kong delikadu itong gagawin ko pero hindi kailanman pwede akong manahimik.
Nanginig ang kamay ko sa nabasa.
Unknown number:
Alam mo na ang mangyayari kay Bea pag sinabi mo ang lahat. Mark my word, Mark. Hahaha!Nang-giit ako sa galit. Nakagat ko ang aking ngipin sa inis. Halos mabasag ang phone dahil sa mahigpit kong hawak.
"Babe okay ka lang? Sinong nag text sayo?" Putol ni Bea sa iniisip ko. Inayos ko ang aking sarili bago hinawakan ang kanyang kamay.
"Si---------lola!" Pag sisinungaling ko. Ayaw kong may mangyaring masama kay Bea, ayaw kong madamay sya sa lahat ng ito. Hindi ko na protektahan si Nicole noon, kaya kailangan kong iwasan si Bea sa pagkakataong ito.
"Bakit raw babe?" Kunot noo niyang tanong sakin na may pag-aalala. Hinimas ko ang kamay niya bago hinalikan iyon.
"Ang totoo niyan babe. Kailangan kong umuwi sa Amerika. Kailangan ako ni lola." direkto kong sagot na ikinalaki ng mata niya.
"Ganon ba? Anong nangyari kay lola Sita? Okay lang ba sya?" sunod-sunod niyang pag-aalala. Napangiti ako, kailanman ay hindi mawawala sa kanya ang salitang caring.
"Ayon inatake ulit sa puso, ayaw raw uminom ng gamot niya dahil gusto akong makita. Babalik rin ako agad babe pag okay na ang lahat. Okay?" Hinawakan ko ang kamay niya saka ko iyon hinalikan ulit.
Ngumiti ito sakin. "Ma mimiss kita babe. Balitaan mo ako agad huh?" busangot niya sakin.
"Ma mimiss din naman kita, babalik din ako dito. Anyway si tito okay na ba sya?" Natahimik sya sa tanong ko saka ito yumuko na naluluha. Napasinghap ako, pati sya nahihirapan sa puntong ito. Ayaw ma ayaw kong nasasaktan sya. Nasasaktan ako!
"His not babe," singhap niya. Hindi ko alam kong anong balak ni Bleina at sa kapatid niya. Siguradong nasa piligro ang buhay ni tito Jenry ngayon. Ang gago ko, wala manlang akong nagawa para sa pamilya nila. "Machine nalang ang kumakapit kay daddy." isa-isang tumulo ang luha ni Bea. Napapikit ako.