"Grabe ginawa mo ba talaga 'yon?" Si Ann na gulat na gulat.
Palabas na kami ng school.
"Yes at ang sarap pala sa feeling." ngiti ko. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam na makapaghigante sa dalawang ahas.
"Sayang hindi ko nasaksihan ang pagmamaldita mo kanina," pagmamaktol niya.
"Mabuti nalang yong wala ka, baka kasi ikaw pa mismo ang susugod sa dalawa." Halakhak ko.
"Ann," Sabay kaming napalingon sa likod ng tumambad samin si Mary. Papalapit sya samin.
"Oh Mary?" Singhal ni Ann. Nag yakapan silang dalawa saka nag beso-beso narin. Napatitig ako kay Mary. Nakalimutan ko na kong kailan 'yong huli naming pag-uusap. Grabe yong galit niya sakon noon, halos araw-araw niya akong inaaway sa school.
"Don't forget my day, I hope you can come." nguso ni Mary. Ang ganda niya parin, kaya siguro mahal na mahal sya ni Zin. Kumusta na kaya silang dalawa?
"Oo nga pala noh? Sige pupunta ako sa big day mo," Sumulyap sakin si Mary na nakangiti. Sinundan iyon ni Ann. "Oh Im sorry I forgot!" Hinila ako ni Ann palapit kay Mary. "Pinsan ko si Monica,"
"Hi Monica," Lumapit sakin si Mary saka ito nakipag beso-beso sakin. Nagulat ako sa ginawa kaya hinayaan ko nalang sya. Ibang-iba si Mary ngayon, parang naging maamo ang kanyang mukha. "I already heard about you, you're so pretty naman pala eh!" Maarte niyang saad habang hinimas-himas ang buhok ko.
"Maganda ka rin naman," Nguso ko. Nag tawanan sila ni Ann.
"Anyway, pwede mo syang isama sa Batangas." Natahimik ako sa sinabi niya kay Ann.
"Batangas?" Sumikip ang dibdib ko sa pag karinig non. Palagi kaming pumupunta ni Justin doon tuwing weekend.
"Yes birthday ko kasi nextweek. Ayaw ko kasi sa magagarbong party kaya i ask my parents to have a night swimming with my friends," Masayang wika niya habang tumatalon-talon sa tuwa.
Natawa ako dahil ito ang kauna-unahang makausap ko sya ng malapitan. Nagsisi ako dahil mali ang iniisip ko sa kanya noon. Siguro ay maldita lang sya sa mga taong nagmamaldita sa kanya.
"Na e'excite na tuloy ako sa birthday mo." Masayang sambit ni Ann habang tumatalon din. Ang cute nilang tignan.
"Oh well let's rock the boat, Ann. Make sure you wear two piece." napangiwi ako dahil sa narinig. Sobrang saya nilang dalawa. "Anyway Monica I hope you can come too please!" puppy eyes ni Mary. Nagmamalik mata lang ba ako sa nakita? Ibang-iba talaga sya pag nagagalit.
"Sige pupunta ako. Thankyou for inviting me," Ani ko.
"You're welcome. Anyway I have to go. Hinihintay na ako ni Zin sa kotse niya," naki besobeso ulit sya samin ni Ann. "Bye girls," Tuluyan niya kaming iniwan.
Napatitig ako kay Ann at nakagiti lang ito. Hindi ko na siguro kailangang sabihin sa kanya ang nakita ko. Sana lang talaga hindi nagtaksil si Zin sa kanya! Sana mali ang nakita ko.
***
"Were home," bumulagta si Ann sa sofa na pagod na pagod.
"Akyat na ako," tinalikuran ko sya agad.
"Wait lang Monica," Lumingon ako sa kanya na pagod rin.
"Alam kong invited sina Justin sa darating na birthday ni Mary. Kaya gumawa ka ng bagong moves huh!" natawa ako sa suhestyon niya. Napailing ako!
"I will Ann, relax ka lang dadarating din tayo dyan. Pagod na ako kailangan ko ng magpahinga." kumaway ako at dumirekta narin sa kwarto ko.
Para ko naring kapatid si Ann. Sobrang komportable na namin sa isat-isa. Siguro yung pinapangarap kong mag karoon ng kapatid ay nakikita ko na sa kanya. Ang sarap niyang maging kapatid ng totohanan.
Humiga ako sa kama at pumikit.
Kumusta na kaya yung kwarto ko sa bahay? Si Shimshim mataba parin kaya? Sigurado akong malaki na sya ngayon. Si mama kaya?
Napaupo ako sa kama. Kailangan ko palang dalawin si mama. Nagmamadali akong nagbihis bago bumaba. Alas singko pa naman ng hapon kaya sigurado akong nandon pa si mama sa shop niya.
***
Hindi na ako nakakapag paalam kay Ann kasi ang sarap ng tulog niya. Pinark ko ang kotse sa harap ng shop saka bumaba.
"Goodevening ma'am,"
Hinding-hindi ko nakakalimotan ang mukha ng gwardya na 'to. Naalala ko ang batotang hawak niya at pinuk-pok niya saking ulo. Hayy pasalamat ka't mabait ako. Hindi ko na sya sinagot.
Dumiretso ako sa counter at hanggang ngayon ay si Ally parin ang cashier.
"Good evening ma'am welcome to Nic'z coffeeshop."
"Hi," Ngiti ko.
"What is your order ma'am?" Pormal niya.
"Hmhmhm!" tumingin-tingin ako sa mga cake na nakadisplay sa stunt. Hindi parin pala iniba ni mama ang mga tinitinda niya. "Two slice of dark forest chocolate, then one milthy chocolate coffee."
"Any additional ma'am?"
"No thats it," kumuha ako ng pera sa bag ko.
"I repeat your order ma'am, two slice dark forest cake, and one milthy chocolate coffee. Total of 350 pesos only maam." Pormal niyang wika. Binigay ko sa kanya ang 500. "I recieve 500 pesos ma'am," Bumukas ang drawer saka niya ako binigyan ng sukli.
"Here's your recept maam, one hundred and 50 pesos." Bilang niya sa kamay ko. Bahagya akong ngumiti. "Enjoy you're coffee ma'am."
"Thank you," Tinalikuran ko sya ahad saka ako umupo sa bakanteng mesa.
Na mimiss ko na si mama at ang shop namin. Sumisikip ang dibdib ko habang nakatitig sa labas ng shop. Naalala ko ulit si papa. Miss na miss ko narin sya. Siguro kong buhay pa sya ngayon ay sya ang unang makakakilala sakin.
Ilang segundo ay dumating na ang order ko. Naghintay ako kay mama pero wala parin sya. Malapit nang mag gabi pero hindi ko parin sya makita. Lumapad ang ngiti ko ng makita si mama na lumabas galing sa opisina niya. Nasa loob lang pala sya ng office niya.
Medyo pumayat si mama saka umikli ang buhok nya. Gusto ko syang yakapin at hagkan pero hindi pwede. May luhang bumubuo sa mata ko pero pilit ko iyong pinipigilan. Balang araw mama ay magpapakilala ako sayo, balang araw ay mag-uusap rin tayo.