Chapter ♚ 3

181K 3.5K 135
                                    

WARMTH


DRACO led me to a room upstairs after shrugging off his wet coat and left it lying outside his door. Wala na ang bagyo at kaunti na lang ang ulan nang makarating kami ng bahay niya.

Tumigil siya sa isang pintuan na katabi lang ng kuwartong pinasukan niya kaninang umaga. It must be his room, I thought. Walang imik niyang binuksan ang pintuan at tumayo sa gilid para padaanin ako.

I'm still cold and shivering inside the blanket, but thankfully, my body isn't that freezing stiff anymore. Kung nagtagal pa siguro ako sa kotse ko kanina, baka kulay asul at kasinglamig na ng yelo ang balat ko dahil sa bagyo.

Tiningnan ko si Draco habang naghahanap siya ng damit sa isang lumang cabinet. He was awfully silent throughout the whole drive. But it was okay, I think, because I was out the whole drive too. I doze and wake up. I doze again and wake up.

But then, at one time, I think I saw Draco pulling my blanket up to cover my exposed shoulder and then he would touch my forehead and my neck. I can remember the feeling of his warm hand...

"Achoo!" I sneezed and rubbed my nose with the blanket. It smelled like old woods, but nice.

God, I wish I won't run a fever tonight.

Napansin kong sandaling tumigil si Draco sa ginagawa at nilingon ako, his brows were in knot. If I don't know him much, I'd think he's concerned. But I'm starting to recognize that it's his irritated face.

Inirapan ko siya habang pinipigilan kong magbahing. Kahit na tinulungan niya ako at pinatuloy rito sa bahay niya, it's still his damn fault I am feeling so traumatized.

Maya-maya ay tumayo na siya. "This should fit you," aniya at may mga damit siyang itinapon sa kama sa likod ko. It's a cotton shirt and a pair of shorts. May mga medyas din, tuwalya at extrang kumot.

I sat down the edge of the bed and eyed him suspiciously. "Paano mo nalaman na nandoon ako?"

"I don't. Tinawagan lang ako ng isang tauhan ko dahil nakita niya ang kotse mo."

Oh, so he didn't know I ran out of gas. At ang tauhan niya pala ang kailangan kong pasalamatan kung ganoon.

This man never really ceased to amaze me.

He hovered near the door. Parang may gusto pa siyang sabihin sa akin pero sa hindi ko malamang dahilan, nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.

I smirked. "I don't really want to thank you because it's your fault I was freezing to death but since I have a decency and upbringing—"

"Hindi kita tinulungan kaya 'wag mo nang ituloy," mabilis na putol niya sa akin. "Kung papipiliin ako, mas gusto ko pa ring wala ka dito."

Naningkit ang mga mata ko sa sobrang inis sa lalaking 'to. I feel so irritated it was warming my whole body. "You seriously have a social problem, you know that?"

Bakit kailangan pa niyang ipamukha na labas sa ilong ang pagtulong niya sa'kin? Can't he just leave it at that? That for once I owed him my life?

But then, I really don't want to owe him anything—especially my life. He's a mean jerk and he's heartless. He doesn't deserve my gratitude.

"Magbhis ka na, bago ka pa mangatog sa lamig diyan," aniya na para bang wala akong sinabi. Tapos ay lumabas siya ng kuwarto. "Iwan mo lang sa labas ng pintuan ang basang damit mo. Magluluto lang ako ng makakain."

"No, thanks!" I mumbled, rolling my eyes. I don't feel like eating with him. Baka maitapon ko lang sa kanya ang mga pagkain or worse, baka mabilaukan pa ako sa sobrang inis.

Mysterious Heart (The Stanfield Heir #4) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon