Chapter 1

9.2K 158 4
                                    

"Happy birthday to you!" Kanta ng lahat.

Sabay naming hinipan ni Scarlett ang kandila sa cake ni baby Ellie. Nasa gitna namin siya. She giggled loudly. Pumalakpak rin siya nang makita ang mga bisita na pumapalakpak.

"Happy birthday baby!" Hinalikan namin ni Scarlett ang magkabilang pisngi ng aming anak. Muli siyang tumawa. Ang kanyang mga kamay ay sinusubukang abutin ang cake.

Double celebration ang araw na ito. Birthday ni Ellie at blessing ng bago naming bahay. Noong nakaraang buwan lang kami lumipat dito kaya pinagsabay na namin ang selebrasyon.

Ang bilis ng panahon. Isang taon na nga ang anak namin. Parang kailan lang nang ipanganak siya ni Scarlett. Ngayon, malaki na siya at kaya na niyang maglakad mag-isa. May mga salita na rin siyang kayang bigkasin. Ang unang salita niya ay hindi ko makakalimutan. She called me "Papa" when she was eight months old. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko noong mga panahon na iyon. It's more than winning a lottery.

Gaya rin ng napag-usapan namin ni Scarlett, ako ang tumigil sa trabaho. Ako ang nag-aalaga sa anak namin. Ayos lang naman sa akin 'yun. Hindi naman ako nagrereklamo. Lumipat na rin siya sa ibang kumpanya last month. Sakto naman ay natapos na ang kanyang kontrata. Ang mismong kumpanya dito sa Tagaytay ang nag-alok sa kanya ng trabaho.

Kung sabagay, sino nga ba ang hindi kukuha sa nag-iisang Scarlett Serrano? That's my wife and I'm proud of her. I will always stay beside her. Lalo na ngayon, mas lalo pa siyang nakikilala.

Binuhat ni Scarlett si Ellie. Nagprotesta pa ang anak namin dahil gusto niyang abutin ang kanyang cake. Dinala niya ang aming anak sa mesa ng kanyang mga bagong kasama sa trabaho. Sinundan ko sila ng tingin.

"Matutunaw 'yan.." Anang isang boses. Tiningnan ko ang nagsalita sa aking tabi. Si Gabriel pala.

"Ganda kasi, eh." Ngiti ko. Binalik ko ulit ang tingin sa aking asawa.

Kinuha ng isa sa mga kasamahan ni Scarlett ang anak namin. Binuhat niya ito at pinisil ang pisngi. Tumawa si Ellie.

Nanliit ang mga mata ko.

Who's this guy again? Ipinakilala na siya sa akin ni Scarlett ngunit hindi ko na maalala ang kanyang pangalan.

"Nagseselos ka?" Asar ni Gabriel. Siguro'y nakita na niya ang tinitingnan ko.

"Ba't naman ako magseselos?" Depensa ko. "Katrabaho lang 'yan ni Scarlett. Alam naman nilang lahat na kasal na kami."

"Binibiro lang kita.." Tawa niya. "Masyado kang defensive."

"Tss. Kumain ka na nga dun." Taboy ko sa kanya. "Iniiwan mo si Soleil."

Tumawa ulit si Gabriel bago ako iwan. Hindi ko na siya pinansin. Nanatili ang mga mata ko sa mesa kung nasaan si Scarlett. Hawak na niya ulit si Ellie. Nakaupo ito sa kanyang kandungan.

I know, Scarlett loves me. Ngunit minsan, hindi ko pa rin maiwasan na hindi maramdaman ang selos. Lalo na sa kanyang trabaho. Marami silang nagiging kliyente. Kadalasan ay mga lalaki pa. Bilang asawa, normal lang naman siguro na maramdaman iyon. Hindi ko na lang sinasabi kay Scarlett dahil baka isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.

Huminga ako ng malalim.

Lumapit ako sa kanila. Nagtatawanan sila habang kumakain. Nilagay ko ang mga kamay ko sa balikat ni Scarlett. Nag angat siya ng tingin sa akin.

"Timothy.." Ngiti niya.

Tumingin din sa akin ang ibang katrabaho niya. Ngunit ang mga mata ko ay tumigil sa lalaking nasa tabi ng asawa ko. Ngumiti siya sa akin. Tango lamang ang naging sagot ko bago ilipat ulit ang tingin kay Scarlett.

The Story Of Us 2: Timothy SerranoWhere stories live. Discover now