Chapter 4

5.8K 133 19
                                    

[The full and edited version of "The Story Of Us 2: Timothy Serrano" is posted on Dreame/Yugto. Follow me @ Imbaaaaah]
---

Gaya ng napag usapan namin, pumunta kami sa matandang mag-asawa. Nagluto ako ng Pasta, habang si Scarlett naman ay gumawa ng Roast Beef. I tried to focus my attention to what I'm doing. Ngunit hindi ko lang maiwasan ang paglingon sa aking asawa.

"Uy!" She snapped in front of me. Natauhan ako dahil sa kanyang ginawa. "Kanina ka pa tulala dyan."

Napakurap ako. Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap ng mahigpit. "Gustong gusto kasi kitang pinagmamasdan." Kahit na pawis ang kanyang leeg, napakabango pa rin niya.

"Sige na.." Tawa niya. "Maliligo muna ako."

"Pwedeng sumabay?"

"Naligo ka na kanina, Mr. Serrano." Tinulak niya ako sa dibdib. "Bihisan mo na ang anak natin. Iniiwan 'mo na naman siyang mag-isa."

"Nasa sala lang naman siya. Busy sa paglalaro. Magpaka busy rin muna tayo."

Tinulak niya ulit ako at tuluyan na akong napabitaw sa yakap. "Ang kulit mo.." Kinurot niya ang aking braso. "Mamaya na lang, okay? May pupuntahan pa tayo."

"Fine..." Pagsuko ko. Kinintalan ko siya ng mabilis na halik sa labi. "Huwag 'mong tagalan. Baka mamaya pumasok pa 'ko.." Bumaba ang tingin ko sa labi niya.

"Ikaw talaga!" Napailing siya sa sinabi ko. "Sige na, akyat na ko."

Pinuntahan ko na si Ellie sa sala. Naroon lamang siya sa kanyang tent, naglalaro. Nang makita niya ako ay nagliwanag agad ang kanyang mukha.

"Papa.." Nilahad niya ang kanyang mga kamay para magpa buhat.

Kinarga ko kaagad siya. Hinalikan ko ang kanyang leeg at pisngi. "Hmm... magbibihis na ang prinsesa namin." Sabi ko habang pinapaulanan siya ng halik. Mas lalong lumakas ang kanyang pagtawa.

Binihisan ko na si Ellie. I changed her diaper. Pinaliguan ko rin baby cologne ang kanyang leeg at tiyan. Kinuha ko ang maliit na dress, kagaya ng kay Scarlett at isinuot iyon sa kanya. Nang matapos ko na siyang bihisan ay lumabas na rin sa banyo si Scarlett.

Bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. Tanging tuwalya lamang ang nakatakip dito. Suddenly, the temperature of our room went high. Kung hindi ko lang hawak ang anak namin, kanina ko pa nilapitan si Scarlett para siilin siya ng mapusok na halik.

Tinanggal ko agad ang kung ano 'mang nasa isip ko. Naglakad si Scarlett patungo sa closet. Nag iwas agad ako ng tingin. Kahit hindi kami nag uusap, kahit na hindi pa naglalapit ang aming mga katawan, umiinit na ng husto ang aking pakiramdam.

Itunuon ko ang aking atensyon kay Ellie. Nilalaro niya ang lace sa kanyang damit. Kung minsan ay nilalagay niya ito sa kanyang bibig kaya agad ko itong tinatanggal.

"Magbihis ka na.." Para akong napaso nang maramdaman ang kamay ni Scarlett sa aking balikat.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakabihis na siya. Shit.... napalunok ako.

"Uh, sige." Tinanggal ko ulit ang tingin sa kanya. Siya na ngayon ang humawak kay Ellie. Ako naman ay tumungo na sa closet para kumuha ng damit.

"Huwag mong tagalan.." Paalala niya. Inupo niya sa kanyang kandungan si Ellie. Humarap sila sa akin.

Tinanggal ko ang aking t-shirt at shorts. Tanging boxer shorts na lamang ang suot ko ngayon. Tumuwid ulit ang tingin namin ni Scarlett sa isa't isa. Kinuha ko ang aking pantalon at sinuot iyon. Sunod kong kinuha ay ang kulay gray na longsleeve. Sinuot ko na rin iyon, sinara ko ang mga butones habang nakatitig sa aking asawa. She's biting her lower lip.

The Story Of Us 2: Timothy SerranoWhere stories live. Discover now