Chapter 33

4.6K 139 12
                                    

ARDYNE IAN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ARDYNE IAN

Namumugtong mga mata? Check.
Nagkulong sa kuwarto? Check.
Hindi makakain? Check.
Puyat? Check.
Heartbroken? Big fat check.

Buong araw kong sinubaybayan ang phone ko pero si Nicky, Polly at Hannah lang ang nagtext. Pare-pereho silang nagtatanong if okay lang ako. Natural, oo ang sagot ko.

Kahit na hindi ako sinagot ni Yeoji kanina, desidido parin akong pumunta sa karera. I have a deal with Lawrence. It's the only thing I can do for Anarchs right now. Also, maybe the last one for Yeoji.

Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nagkita kami mamaya? Tuloy, naka-ilang beses akong palit ng damit. I'm just hoping Yeoji would give me a piece of his mind as well.

It totally slipped my mind that Chloe kissed Yeoji at the ball. Bu Yeoji was sick that time...

At almost six, I went out to meet Polly, Hannah and Nicky. Yup, we're like one of Anarchs' groupies now.

Sa isang lumang airport strip gaganapin ang karera. Ang daming tao at napakaraming motor nang makarating kami sa venue. Para itong isang mini-fair. You know, with the food tents, gift shops and all. There were photo booths even.

"Hindi pa ako nakakapanood ng ganitong karera sa buong buhay ko," nasabi ko tuloy. Na-overwhelm talaga ako. Akala ko kasi motocross ang event, 'yun pala, road racing talaga. Is this cool or what?! May media pa na nakasubaybay. Ah, so they don't just ride their motorcycles just to show off!

"Nasa may kabilang dulo pa ng strip ang Anarchs. Doon kasi ang starting line at may tent din sila roon," sabi ni Nicky sa amin.

"Susunduin daw tayo nina Dylan at Drake," dagdag naman ni Nicky.

"Giniginaw ka ba?" baling naman ni Hannah sa akin. Napatingin tuloy sina Nicky at Polly sa akin. Sa aming tatlo kasi ay ako lang ang naka-jacket, bonet at scarf. It's summer that's why it's weird.

"Konti," tipid na sagot ko. Sa tingin ko ay nahawa ako kaunti kay Yeoji at wala pa talaga akong sapat na tulog at pahinga.

Gumala muna kami sa ibang mga tents at shops habang hinihintay. Minutes later, both of them are here and they're both wearing vintage black leather jackets with two white stripe across their chests. May maliit na 'A' logo din sa bandang right arm ng jacket. Kaparehas ng logo ang tattoo ni Yeoji.

"Hi, welcome to Supercross!" bati ni Drake. Sa akin lang siya titig na titig habang nakangiti.

"Tara na." Inakbayan ni Dylan si Polly. Ano ba talaga ang meron sa dalawang ito? Peraho yata kami ng tanong nina Nicky at Hannah dahil nag-uusap na ang mga tinginan namin.

Naunang naglakad si Dylan at Polly habang nagtatawanan.

"I don't know too," sabi bigla ni Drake sa amin. Ngumiti lang kaming tatlo.

HEARTSTRUCKWhere stories live. Discover now